Tinupad naman ni Dark Lee ang binitawan niyang mga salita. Wala na nga siya. Hindi na siya nagpakita sa amin ni Light simula noong gabi na kinausap ko siya ng masinsinan tungkol sa gusto kong huwag na siyang magpupunta pa dito sa bahay at huwag ng makipalapit pa sa anak kong si Light. Makasarili na kung makasarili pero ayoko kasi na masaktan ang panganay kong anak na araw-araw niyang isipin kung ano ang kulang sa kanyang pagkatao lalo sa oras na lumabas na ang kapatid niya. Ngunit ganun pa man ay halos araw-araw akong nakakatanggap ng kung anu-anong mga food delivery na nakapangalan sa akin galing kay Dark Lee. Hindi niya talaga kami pinapabayaan ng mga anak ko kahit pa ganito ang naging desisyon ko. Minsan nga kapag may humihintong sasakyan sa harap ng gate ay sumisikdo ang puso ko

