bc

Less of a Woman

book_age16+
9
FOLLOW
1K
READ
HE
goodgirl
boss
no-couple
serious
campus
city
addiction
like
intro-logo
Blurb

In a world filled with patriarchy, injustice and stigma, it is not too rare to come across a feminist. Kaleigh Andrea Fontanilla is her name. Fierce. Independent. Rare.

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Kaleigh
Alas-dyis ng gabi, Biyernes. Hawak-hawak ang cellphone habang matamang sina-swipe ang screen pakaliwa. Sa parehong pagkakataon, nariyan at kausap ko rin ang kaibigan ko na si Chinee. Mabuti na lang kahit sa pananahimik, sinasamahan ako ng kaibigan. Naalala ko na nga lang na katawagan ko pa rin ito nang magsimula siyang magsalita muli. Wika ng dalaga, "Ano? Ganon ka kapihikan at wala ka talagang mapili dyan? Sabihin mo lang kung suko ka na ha? Mag inarte ng naaayon sa ganda, sis!" Nagtataray ang tono nito ngunit halata ang sarsismo roon. Kung hindi ko kilala ang kausap ko ay malamang nasungitan ko na rin siya pabalik. Mabuti na lang at isa sa mga malapit na malapit kong kaibigan. "Shhh! Nagco-concentrate ako, girl. Kalma ha? Hindi ikaw ang haharap sa date. May karapatan akong mag inarte sa ganda kong ito no?" balik ko noon. Kasabay ko nang inabot ang lumamig nang kape sa gilid ng higaan ko. Matapos kong sumimsim doon, bumalik ako sa kaninang pwesto at muling nang usisa sa mga karakter na tuloy-tuloy ang pag presenta roon. Napahatak na lang ako ng nangingilid na ngiti bilang reaksyon. Masyadong mainit tong babae na ito porke't walang hinahawakang standards, ganon na lang din kung makapag udyok na mamili na lang ako ng basta-basta sa mga nariritong dumadaan sa screen ko. "Wag mo na kasi masyadong paka usisa, Kaleigh. Mauubusan ka ng swipe niyan. Sige ka!" dagdag pa niya na sinundan ng maliliit na tawa. Di ko lubos na maunawaan kung anong aliw ang buhat ko para mapasaya ng ganito ang kaibigan ko. "So what? Edi ipi-premium ko. Napakasimpleng bagay. Akala mo siguro magpapatalo ako nang ganon-ganon na lang?" ismid ko sabay pasada ng nakakalokong ngiti. Agad na pumukol ng palabang tingin ang dalaga. Kahit pa tuon ang atensyon ko sa screen, nakikita ko ang reaksyon ni Chinee sa gilid ng mga mata ko. Nariyan at bumanat na rin ito ng tugon sa huli kong sinabi. Aniya, "Talaga naman ha, Kaleigh? Willing ka talaga gumastos may mapatunayan lang. Wag mo naman masyadong seryosohin, sis! Chill game lang tayo rito. Sige na kasi! Mamili ka na lang diyan no?" nasundan ng tawa ang litanya niyang iyon. Sa sandaling ito, nakuha ko nang mag iba ng pwesto. I lay flat on my stomach, my gaze still fixed on my phone. As of now, no one has piqued my interest among this group of guys still. Napaka tuyo naman dito ano? Kabaliktaran ng intensyon ng mga taong gumagamit nito para lang magka dilig. "Alam mo Chinee, yung ganda kong ito hindi pang basta-bastang mukha lang din ng kung sino-sinong lalaki. Kung sakali man na may maka-match ako rito, syempre gusto ko naman na yung papasa talaga sa standards ko," tugon ko. Sa pagkakataon na ito, sinilip ko si Chinee sa screen ng laptop ko na kapareho ko ring nakahiga sa kama. "Ang problema nga niyan ay kailan ka kaya makakahanap ng papasok sa standard mo? Hello, Kaleigh? Nasa internet ka. Para namang hindi mo alam na pa-impress lang naman ang mga tao sa cyberspace no. Lahat ng nakikita natin diyan posibleng pakitang tao lang ng mga gumagamit din ng app na yan," paglalahad ng dalaga. Mag iisang oras na akong nakahiga rito at niisa sa mga lalaking dumadaan sa harapan ko'y wala akong matipuhan. Paano ba naman? Kung hindi mga pawang matitipuno ang katawan ay tawag ng kalamnan lang ang pinunta sa app na ito. Hindi ko naman masisi ang iba lalo na ang app na ito dahil ganon na lang din ang naging pagkakakilanlan nito sa marami. Malapit na rin nga akong mawalan ng pag asa rito. "I know. Eh kasi naman? Alangan naman kung ipag sa-swipe ko na lang itong mga to. Paano kung maka match pala ako ng bastos dito?" balik ko. Mabilis na sumagot si Chinee. Aniya noon, "Edi wag mo replyan? Basic. Ang akin lang naman, masyado kang pihikan sa pag swipe at mas lalong lumiliit ang tyansa mong maka-match dyan. Nage-gets mo ba ang pinupunto ko?" Maaaring desperada kung iisipin ngunit ang totoo niyan ay medyo naiinip lang ako sa takbo ng araw-araw ko. Hindi ko lang maintindihan kung bakit mas naiinip pa itong si Chinee para sa buhay ko kaya't ganon na lang ang pag aalok nito ng isang hamon. Ako naman itong hindi marunong umurong ay tinanggap ang challenge nitong si Chinee pati na ng iba pa naming mga katrabaho. It has been a typical work and gala set up for me. Suggestion lang ng isa sa mga ka-opisina ko na sumubok na ring i-check itong dating site na kaharap ko ngayon. Actually, ang totoo nga niyan ay pustahan pa nga ang inisyal na ideya kung bakit talaga ako naririto ngayon. Maya-maya lang ay napatid ang pagiging abala ko sa sandaling magsalita muli si Chinee, dala-dala ang panibagong balita sa larong ginagawa namin. Wika ng babae noon din, "It appears that changes have been made. Sa pagbabago ng conditions it's either mapabilis ang match up mo o di kaya'y mapabilis ang pagkapanalo namin sa pustahan." "Anong ibig mong sabihin, Chinee?" balik ko na ngayon ay napatingin na sa laptop na nasa tabi ko lang din. Napansin ko pa ang pag ngisi-ngisi ng kaibigan ko noon na halatang kabilang sa sabwatan ng kung ano mang ibabalita niya noon din. Habang naghihintay ng tinig sa kabilang linya, saka ko inabot muli ang tasa ng kape ko at saka muling sumimsim doon. Wala na ang espirito ng caffeine doon pero sige pa rin ako sa pag ubos gayong nanunuyo na ang labi ko kakasalita sa harap ng kausap ko'ng di ko malaman kung kakampi ko ba o talagang panig sa kabilang kampo. Aniya, "Sa loob ng 30 minutes, pag wala ka pa rin naka-match diyan, kami na ang panalo. Wala naman masyadong thrill di ba kung ganon-ganon lang ang pamimili mo. Game?" "Hindi naman tama yun no! Ako na nga itong mag isa laban sa inyong lahat, aba'y kayo pa itong maraming kondisyon?" pagrereklamo ko dahil totoo namang unfair iyon para sa akin. "Aba? Aba? Nasaan yung kilala kong Kaleigh na hindi umaatras? Wala ka na atang bilib sa sarili mo, eh?" balik ng dalaga sa akin. Halatang sinusubok lang nito ang pride ko pero syempre hindi naman talaga ako magpapatalo. "Huwag mo kong mahuli-huli sa ganyan, Chinee. Kung ano ang napag usapan na nauna, iyon dapat ang masusunod!" angal ko. "Oh wait! Hindi ko pa nasasabi kung anong dagdag na benefits for you kung magagawa mo. Napag usapan namin nila Elma na kung magagawa mo nga, kami na ang sasagot sa ticket ng paborito mong singer na mag co-concert kamo rito. Ano? Sa tingin mo magandang deal ba yon?" mahabang paliwanag nito. Sa huling binalita niya na iyon ay mas napalawak ang ngiti ko. Well, afford ko naman na bumili ng sarili kong ticket pero syempre malaking tipid iyon gayong may kamahalan din ang presyo ng pagtitipon. Kung tutuosin, pwede ko na nga lang ipang staycation yung gagastusin ko para sa ticket. Mas ayos iyon hindi ba? Bago pa man ako makapag assess ng posibilidad, nauna na akong pumayag sa alok na iyon ni Chinee. Para lang ma-secure ang ticket, tulad ng naunang abiso ni Chinee, nagawa ko ng ipagsa-swipe sa kanan ang app. Bahala na kung sino sa mga lalaki rito ang makaharap ko kung may mapag uusapan. Hindi naman halata na mas importante ang konsyerto higit sa taste ko sa kalalakihan hindi ba? Nagawa ko namang mabaling ang atensyon sa hawak-hawak na gadget nang makaramdam ako ng vibrations doon. Sa pagsilip ko sa device, naroon na nga't sumilip ang notipikasyon galing lang din mismo sa aplikasyong kanina ko pa minemekaniko. Tila napansin din ni Chinee ang pag ayon ng atensyon ko roon. Ganon na lang at napatanong na rin siya. "Oh ano? Mayroon na?" wika niya. "Atat na ata ka no? Oo sis. Meron na! Ihanda niyo ang concert ticket ko at malalaman niyong mali talaga kayo ng hinamon!" malakas ang loob kong turan na siyang nagpahagikgik sa dalaga sa kabilang linya. Di naman nagtagal at nag iwan ito muli ng komentaryo. "Duh, wag ka muna masyadong magsaya. Hindi pa nga kayo nagkaka usap. Sigurado ka bang sa loob ng isang oras, maaalok ka ng lalaki na yan sa isang date?" kuryosong tanong ni Chinee. Doon pa lang, isang nandedemonyong tingin ang ibinaling ko sa kanya. Masyado akong ina-underestimate nitong babae na ito no? Watch and learn, Chinee. Noon din, hinarap ko ang cellphone ko at saka tumipa ng ilang mensahe roon. Nangingilid pa ang ngiti sa mga labi ko dahil alam kong kahit ilang minuto lang ang ibigay sa akin ay mapagtatagumpayan ko na ang hamon nila sa akin. Sa sandaling mayari sa plano, iniharap ko sa camera ng laptop ko ang cellphone ko at hinayaang basahin ng dalaga ang naroroon. Nakita ko pa nga noon ang gulat na ekspresyon sa mga mata niya. Huling paalam ko rito, "Sinong nagsabing hihintayin kong alukin ako ng date? Ako ang mag aalok ng date!" "Hoyy! Ang daya mo, Kaleigh! A-ang lakas ng... Shocks! Napakalakas ng loob mo!" hindi malamang reaksyon nito. 'Totoo lang naman... Mali lang talaga kayo ng hinamon.' wika ko na lang noon sa sarili.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.0K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
31.5K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
106.6K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook