CHAPTER 1
Thelma
Hinding-hindi ko makakalimutan ang tunog ng makinilya ng aking isipan habang sinusubukan kong i-reconstruct ang mga kaganapan kagabi. Ang problema, parang sirang plaka ang utak ko—puro scratch at putol-putol na imahe lang ang lumalabas. Isang marangyang yate, boses na malambing pero nakakalasing, at ang nakaka-shock na tattoo ng isang biik.
Seryoso, biik talaga? Sa dami ng pwedeng i-tattoo—dragon, tribal, mukha ng nanay, o kaya ay abstract art—bakit biik? At bakit sa lahat ng pwedeng maging "first" ko, isang lalaking mahilig sa livestock pa ang napili ng tadhana?
“Thelma! Ano ba, kanina pa kita tinatawag. Bakit para kang estatwa diyan?”
Nagulat ako sa malakas na boses ni Tito Hector. Nakatayo na siya sa tapat ng kotse niya sa dalampasigan. Ang sikat ng araw ay tila mga karayom na tumutusok sa aking mga mata dahil sa hangover.
“Ah, Tito… sorry. Medyo… medyo nahilo lang sa dagat,” pagsisinungaling ko.
Sinubukan kong humakbang nang mabilis pero muntik na akong mapatili. Lintik na sinturon ni Judas 'yan. Ramdam na ramdam ko ang hapdi sa pagitan ng mga hita ko. Bawat galaw ko ay parang may bumabatak na elastic band na malapit nang maputol. Para akong bagong tuli na bibe kung lumakad.
“Bakit ganyan ang lakad mo?” kunot-noong tanong ni Tito habang pinagmamasdan ang bawat awkward kong hakbang. “Naka-high heels ka ba kagabi? O baka naman nahulog ka sa hagdan ng yate?”
“Ah… eh… opo! Tama, Tito! Nadulas ako sa hagdan kagabi. Ang dulas kasi ng floor, parang may wax,” mabilis kong palusot. Sana lang ay hindi niya mapansin ang mga pulang marka sa leeg ko na pilit kong itinatago gamit ang buhok ko.
“Hay naku, Thelma. Sabi ko naman sa’yo, huwag masyadong mag-inom. Brokenhearted na nga ako, dadagdag ka pa sa iisipin ko,” reklamo ni Tito Hector habang pinapaandar ang makina.
Habang nakasandal sa bintana ng kotse, tinitigan ko ang papalayo na yate. Sino ka ba talaga, Mister Biik? Bakit ganoon na lang ang kaba ko? At higit sa lahat, bakit parang hindi ko kayang magalit kahit na ninakawan mo ako ng "popsicle"?
Pagdating sa bahay, wala akong ibang ginawa kundi maligo nang matagal. Gusto kong hugasan ang amoy ng alak, ang amoy ng dagat, at ang amoy ng kanya. Pero kahit anong kuskos ko ng loofah, ang alaala ng labi niya sa balat ko ay parang permanent marker—hindi matanggal-tanggal.
“Focus, Thelma. Focus,” sabi ko sa sarili ko habang tinititigan ang reflection ko sa salamin. “Intern ka lang sa L’Aura Cosmetics. Hindi pwedeng sirain ng isang gabing pagkakamali ang career mo.”
Pangarap kong maging isang top product developer. Kaya naman, kahit masakit ang katawan at parang gusto kong matulog nang isang taon, pinilit kong pumasok kinabukasan.
Pagdating ko sa lobby ng L’Aura Tower, ramdam ko ang kakaibang enerhiya. Ang lahat ay abala. Ang mga sekretarya ay nagpapaganda nang husto, at ang mga manager ay tila natataranta.
“Thelma! Mabuti at nandito ka na!” bungad sa akin ni Ma’am Gina, ang head ng marketing. “Bilisan mo, i-prepare mo ang conference room. Dadating na ang anak ng Chairman. Siya na ang tatayo nating bagong CEO simula ngayong araw.”
“Bakit biglaan po, Ma’am? Akala ko ba sa susunod na buwan pa?” tanong ko habang nagmamadaling ayusin ang mga samples ng bagong lipstick line namin.
“Galing siyang Korea at US. Sabi ng Chairman, kailangan na niyang mag-take over dahil nag-re-retire na ang matanda. Balita ko, napaka-istrikto n’un. At balita ko rin, sobrang gwapo. Kaya ayusin mo ang mukha mo, para kang hindi natulog!”
Napahawak ako sa pisngi ko. Gwapo? Wala akong pakialam sa gwapo. Ang gusto ko lang ay matapos ang araw na ito nang hindi ako natutumba dahil sa puyat at pagod ng katawan.
Habang naglalagay ako ng mga folders sa bawat upuan sa conference room, pilit kong iwinawaksi ang imahe ng biik sa utak ko. Pero bawat sipsip ko ng kape, naalala ko kung paano niya sinipsip ang… Ay! Juice ko, "Thelma! Malandi ka! Trabaho muna!" saway ko sa aking sarili.
Ilang sandali pumasok ang isang lalaki. Matangkad, malapad ang balikat, at may suot na mamahaling suit na charcoal grey. Ang kanyang buhok ay maayos na naka-brush back, at ang kanyang mukha ay tila nililok ng mga anghel.
Nanlamig ang mga kamay ko. Ang boses niya... ang amoy niya...
“Good morning, everyone. I am Jonathan Valderama,” baritono ang boses niya.
Napahawak ako sa lamesa. Hindi. Hindi pwede. Siya ba ‘yon? Siya ba ang lalaking nag-ungol sa tenga ko kagabi? Pero imposible! Ang lalaki sa yate ay nakabukas ang polo, magulo ang buhok, at amoy alak. Itong nasa harap ko ngayon, mukhang hindi marunong magmura at amoy tagumpay.
'Guni-guni mo lang 'yan, Thelma. Lasing ka lang kagabi kaya lahat ng gwapo, akala mo siya.'
"Everyone, please be seated," utos ni Jonathan. Ang lahat ay sumunod, maliban sa akin na nananatiling nakatayo sa gilid, habang hawak ang tray.
"Miss Intern? Are you planning to stand there all day and admire the view, or are you going to serve the coffee?" untag niya sa akin. May pilyong kislap sa kanyang mga mata na tila ako lang ang nakakaalam ng ibig sabihin.
"S-Sorry po, Sir Jonathan," mabilis kong lapit. Sa sobrang taranta ko, muntik ko nang matapon ang kape sa harap niya. "Heto na po."
Habang inilalagay ko ang tasa sa harap niya, bahagyang bumukas ang kanyang mamahaling suit jacket. Saglit kong nasilip ang puting polo niya na sobrang hapit sa dibdib. Sa isip ko, parang x-ray vision na nakita ko ang biik na tattoo na 'yon. Gusto kong itanong kong may tattoo na biik ba siya sa dibdib. Pero pinigilan ko ang sarili ko.
"Thelma, right?" tanong niya habang tinititigan ang ID ko.
"Opo, Sir. Thelma. Intern sa Product Development," sagot ko habang nakayuko. Hindi ko kayang salubungin ang titig niya. Pakiramdam ko, kapag tiningnan ko siya, makikita niya sa mga mata ko kung gaano kasakit ang pagitan ng mga hita ko ngayon.
"Good. I like people who are... hands-on," makahulugan niyang sabi bago humigop ng kape. "You may go back to your station."
Matapos ang nakaka-tense na meeting sa boardroom, mabilis akong naglakad patungo sa pantry. Kailangan ko ng tubig. Kailangan kong pakalmahin ang nagwawala kong sistema.
Habang nagsasalin ako ng malamig na tubig, narinig ko ang papalapit na boses nina Marga, ang senior marketing associate, at ang kanyang alipores.
Mabilis akong nagtago sa likod ng malaking coffee vending machine.
“Grabe, girl! Nakita mo ba si Sir Jonathan kanina? Hinding-hindi nagkamali ang mga chismis sa business news. Sobrang yummy niya sa personal!” tili ni Marga habang nag-aayos ng makapal na red lipstick sa harap ng salamin.
“True! Akala ko photoshop lang ’yung mga pictures niya sa Las Palmas, pero mas matikas pala siya sa malapitan,” sagot naman ng kasama niya. “Pero balita ko, mailap ’yan sa babae. Masyadong workaholic.”
“Well, hindi siya makaka-escape sa charms ko,” mayabang na sabi ni Marga. “Simula pa lang noong nalaman kong siya ang papalit na CEO, kinalap ko na lahat ng impormasyon tungkol sa kanya. Crush na crush ko na ’yan, kaya gagawin ko ang lahat para mapansin niya ako. At kapag naging akin siya, sisiguraduhin kong walang ibang malanding babae ang makakalapit sa kanya rito sa kumpanya. Tatanggalin ko agad sa trabaho ang sinumang aaligid-aligid sa property ko!”
Napahigpit ang hawak ko sa baso. Property agad? Kung alam lang ni Marga na ang "property" niya ay baka nasampulan ko na kagabi.
“Pero Marga, balita ko galing yata siya sa isang party kagabi. Parang puyat nga siya kanina sa meeting, ’di ba?” dagdag ng kasama niya.
“Kaya nga! Sayang talaga at hindi ako nakakuha ng invite sa party na ’yun. Siguradong may isang mapangahas na babae na naman ang nagtangkang lumapit sa kanya doon,” inis na sabi ni Marga. “Pero don’t worry, kung may lumandi man sa kaniya kagabi, hanggang doin lang iyon. Dito sa opisina, ako ang reyna.”
Pagkatapos nila lumabas din sila ng pantry.
Pabalik na sana ako sa station ko nang tawagin ako ng sekretarya ni Sir Jonathan.
“Thelma, pinapatawag ka ni Sir Jonathan sa opisina niya. May ipapa-check siyang samples ng bagong skin care line na kailangan ng feedback mula sa mga interns.”
Heto na. Ito na ang pagkakataon ko.
Pumasok ako sa opisina niya na parang lalakad sa firing squad. Nakaupo siya sa kanyang leather chair, seryosong nagbabasa ng documents. Naka-button up ang polo niya hanggang leeg. Walang bakas ng tattoo.
“Sir, pinapatawag niyo raw po ako?” mahina kong tanong.
Tumingin siya sa akin. Ang mga mata niya ay mapanuri, tila binabasa ang bawat iniisip ko.
“Yes. Miss... Thekma. I want you to organize these product profiles. And... can you please adjust the aircon? It’s getting a bit hot in here.”
Tumayo siya at lumapit sa akin. Bigla niyang niluwagan ang kanyang kurbata. Isang butones ang binuksan niya. Pagkatapos ay dalawa.
Dahil sa kaba at kuryosidad, hindi ko mapigilang tumitig sa siwang ng polo niya. Kaunti pa... isa pang butones, makikita ko na kung may balat o tinta sa ilalim ng puting tela.
“Is there something wrong with my shirt, Miss Thelma?” tanong niya na may pilyong ngiti na nagpatalon sa puso ko.
“A-Ah... wala po, Sir! May... may langgam lang po yata sa kulyar niyo,” palusot ko, kahit ang totoo ay gusto ko na siyang dakmain sa leeg para lang makita ang dibdib niya.
“Langgam?” lumapit pa siya lalo, dahilan para maamoy ko ang pabango niya. Parang malayo naman ang amoy niya sa nakakuha ng popsicle ko. “Then, why don’t you help me get it off?”
Napako ako sa kinatatayuan ko habang nakatitig sa bumukas na siwang ng polo niya. Ang utak ko, parang sirang computer na nag-uutos sa kamay ko: “Sige na, Thelma! Isang pitik na lang sa butones na ’yan, malalaman mo na ang katotohanan!”
“Langgam?” ulit ni Jonathan, ang boses niya ay naging mas malalim, parang humahaplos sa pandinig ko. “Then, why don’t you help me get it off?”
Parang na-hypnotize ako. Ang mga daliri ko, parang may sariling buhay na dahan-dahang umangat. Hindi ko na inisip kung mukha ba akong manyakis o kung matatanggal ako sa trabaho. Ang mahalaga, kailangang makita ng dalawang mata ko ang biik!
Dahan-dahan… dahan-dahan…
Nang malapit na ang mga daliri ko sa ikatlong butones ng polo niya, bigla akong nawalan ng balanse dahil sa hapdi ng mga hita ko. Sa halip na dahan-dahang pagtanggal, ang nangyari ay nadakma ko ang harap ng polo niya nang mahigpit!
Literal na nahawakan ko ang matigas niyang dibdib sa ilalim ng tela. Muntik na akong mapatili sa tigas n’un, pero mas nanlaki ang mga mata ko nang akmang hahablutin ko na pabukas ang polo niya para tuluyang makasilip nang biglang...
BLAG!
“Sir Jonathan! I forgot to remind you about the—OH MY GOD!”
Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Sandra, ang sekretarya niya. Ang eksenang naabutan niya? Ako, na nakasandal halos sa dibdib ng CEO, habang ang dalawang kamay ko ay nakakapit sa bukas na parte ng polo niya, at si Jonathan na nakahawak sa bewang ko para hindi ako tuluyang matumba.
Para kaming nasa poster ng isang Rated R na pelikula.
“T-Thelma? Sir?” gulat na gulat na sabi ni Sandra, ang mga mata niya ay palipat-lipat sa amin. Ang hawak niyang clipboard ay halos mahulog na.
Mabilis pa sa alas-kwatrong kumalas ako. Sa sobrang taranta ko, imbes na lumayo nang maayos, ay aksidente ko pang naisara ang butones ni Jonathan, pero sa maling butas!
“It’s not what it looks like, Sandra!” sigaw ko, ang mukha ko ay parang nilaga sa sobrang pula. “May… may alien! Ay, I mean, may langgam! Malaking langgam na pumasok sa loob ng polo ni Sir! Sinusubukan ko lang iligtas ang buhay niya!”
Tiningnan ako ni Sandra na parang nababaliw na ako. “Langgam? Sa loob ng polo? At kailangan mong dakmain ang dibdib niya?”
Tumingin ako kay Jonathan, humihingi ng saklolo. Pero ang luko-luko, imbes na tulungan ako, ay mas lalo pang ngumiti nang nakakaloko. Inayos niya ang kulyar niya na ngayon ay tabingi na dahil sa maling pagkakabutones ko at tumingin kay Sandra.
“It’s alright, Sandra. Miss Thelma, is just very… dedicated to her job. She wanted to make sure everything is in the right place,” sabi ni Jonathan, sabay tingin sa akin nang makahulugan. “Though I think, she made it worse.”
“S-Sorry po, Sir! Sandra, lalabas na ako! I-adjust ko lang ’yong aircon sa labas!” kumaripas ako ng takbo palabas ng opisina niya, hindi ko na inintindi kung nadapa man ako o hindi.
Paglabas ko sa hallway, napasandal ako sa pader at hinawakan ang dibdib ko na parang sasabog na.
“Jusko, Thelma! Nakakahiya! Sobrang nakakahiya!” Pero sa kabila ng kahihiyan, may isang bagay akong napansin. Noong nadakma ko ang dibdib niya, naramdaman ko ang texture ng balat niya, parang may bahagi doon na medyo magaspang, parang may bago lang na tattoo o gasgas. Ewan, baka sa balahibi niya lang iyon. Hay nako, para na akong malokoka.