Chapter 1
Just because of a dare and deal
(JBOADAD)
Prologue
Nandito ako sa tindahan ni aleng Nena kung saan karamihan ng mga tao ay dito nagtatambay pero ang sadya ko ay si Sabrina. Sinugod ko ito sa unang pagkakataon. Syempre hindi ako papayag na ako lagi ang sinusugod para kantiin.
"Do. If you can." Sabi ko akmang pagbubuhatan ako ng kamay.
"Huwag mo akong ma-ingles ingles! Porque inglesera ka e hindi kita kayang kantiin!? Huwag ka ngang umasta na parang mayaman dahil pare-pareho tayo rito!" Pinag-cross niya ang braso niya at ngising tinignan ang kabuuan ko. "Ni hindi ka nga kagandahan. Isa kang Manang. Kaya huwag kang magtaka kung isang araw makahanap ng iba ang nobyo----"
Sinampal ko siya dahil ayaw kong marinig ang sunod niyang sasabihin. Anong akala niya hindi ko rin siya kayang kantiin? No. D'yan siya nagkakamali. At isa pa, wala siyang karapatan akusahan si Zealum na maghahanap pa ng iba.
Dumadami na ang mga taong tambay, tsismosa't tsismoso halos lahat ata andito para malaman ang nagaganap at kung anong mangyayari sa pagitan namin ni Sabrina.
"Bakit? 'Di ba totoo naman? E sa ang Manang mong manamit at dahil d'yan..." Naglakad siya at inikutan ako. "Panigurado, iiwan ka ni Zealum. Paniguradong sa'kin ang bagsak niya. Dahil mas hamak naman na maganda at sexy ako." Patuloy niyang pang iinsulto sa akin.
Pero isa sa pinakanagpainis sa akin ay 'yong sasabihin niyang ipapalit ako ni Zealum sa isang katulad niya. Tsk. Pero kainis?! Lagi nalang akong nasasangkot sa gulo dahil sa lalaking 'yon. Panay kesyo gusto akong palitan ng mga nagkakagusto kay Zealum bilang nobya niya.
"SABRINA!! SABRINA!! SABRINA!!" Sigaw ng ilan sa pangalan ni Sabrina. Tudo ngisi naman siya at bahagya pang kumaway na parang beauty queen.
"GO! GO LANG HAYRIN!!" Sigaw naman ng ilan sa akin at isa sa pinaka malakas ang boses ay si Trixia na sumigaw din ng, "Go Hayrin! I-defeat mo siya!!" Si Trixia ay isa sa mga kaibigan ko at lagi kong kasama. Dahil sa kanya he'to ako at sinugod itong si Sabrina na kasama rin ang kaibigan niyang walang pinagkaiba sa kanya.
"Ikaw? Napakataas ng tingin mo sa sarili mo. Ano ba ang tingin mo sarili mo huh? Kahit laitin mo pa ako ng laitin hindi parin magbabago na ako ang nobya ni Zealum. Oo, pang manang nga ang damit ko pero naitanong mo kaya kung bakit sa'kin nahulog si Zealum? Oh! Na saan ang ganda mo? Bakit hindi manlang aware ang nobyo ko sa pinagmamalaki mong ganda?" Naghiyawan ang lahat ng tao habang sila Sabrina ay sinamaan ako ng tingin. Halatang apektado sa sinabi ko.
"Opss. Hindi pa ako tapos." ani ko dahilan kaya nagsitahimik ang lahat. "Pakinggan mong maigi ang sasabihin ko Sabrina ng alam mo ang lumugar. Listen carefully..."
Nakita ko si Zealum na nasa harapan pala ng mga taong nanood din. Ano bang pinapanood ng lalaking 'yon? Nandito ako pero hindi manlang niya nakuhang lapitan para awatin.
Tumingin ako sa kanya bago tapunan ng tingin si Sabrina. Hindi nakaligtas sa akin ang tingin ni Sabrina sa grupo nila Zealum na nasa likuran at ngumiti ng pagkalakilaki bago ako harapin. Napangisi nalang ako sa naisip ko. Tignan nalang natin kung hindi maglaho ang ngiting 'yan.
Ngumiti naman ako ng nakakainsulto bago bitawan ang linyang magpapawala ng ngiti niya. Ibinalik ko ang paningin ko kay Zealum tsaka itinuro. "Don't you know... That jeepney driver is my f*ck*ng husband?" Patanong kong sabi habang nakaturo sa kinaroroonan ng asawa ko na si Zealum na ngayon ay nakataas ang kilay at napangisi 'di kalaunan.
Napamaang sila sa sinabi ko lalo na si Sabrina na ngayon ay sinampal ng katutuhan. Huwag niyang sabihin pati 'yon ay hindi niya maintindihan?
Nang lingunin ko si Sabrina pilit na ngiti ang makikita sa kanyang mukha. Ganyan nga. Magalit ka dahil isang kang mang-aagaw ng asawa. At ang asawa ko pa talaga, tsk. Akala niya siguro gano'n kadali na makuha sa akin ang asawa ko? 'Yon ang mali niya.
"Sinong maniniwala sa'yo na asawa mo siya eh sa pagkakaalam ko at... sa pagkakaalam ng iba walang asawa si Zealum. Sa tagal na niya rito walang babaing pwedeng karapat dapat sa kanya kundi ako. At hindi ikaw 'yon!" Kompiyansang sabi niya.
Aba'y---bingi ata 'to? Mukha ba akong sinungaling? Kasalanan talaga nito ni Zealum pero mukhang kasalanan ko rin. Bakit kasi ito pa 'yong pinakasalan ko? Ngayon gusto kong magsisi!
Bago ko pa batuhin ng salita si Sabrina nilingon kung muli 'yong dahilan ng lahat. Talagang wala siyang ginawa kundi panoorin ako na nakikipag away sa babaing 'to. Hello? Nandito asawa mo hindi mo lang ba ipagtatanggol? Tsk, pambihirang asawa.
"Sa pagkakaalam mo lang 'yon. At sa pagkakaalam ng iba. Pero wala e. Hindi lang ako nobya kundi asawa. Hindi mo pwedeng baguhin na ako ang asawa. Dahil 'yon ang totoo. Kaya huwag kang umepal dahil hindi mo alam kung sino etong kausap at binabangga mo. Nung una hinayaan kita kung paano mo ako ipahiya sa mga tao. Pero kapag ako nasagad sa limitasyon ng pag-iisip ko. Naku! Baka wala sa oras ay mabura 'yang pinagmamalaki mong mukha!" Kita ko ang pamumula ng mukha niya dahil sa galit eh paano tinamaan siya sa mga salitang binitawan ko. Matagal din akong nagtimpi sa pagmumukha niya masyado kasing makapal at kailangan narin bawasan... ng kahit na kunti.
"Oo nga. Masyado kang desperada. Akala mong kung sinong kagandahan at mayaman eh mahirap kalang din naman." Sigaw na sabi ni Trivia at tumabi sa'kin.
'Yan ang kaibigan ko na matapang at walamg inuurungan maging sino man. Tulad ko rin siyang may asawa at pareho din kaming inaagawan. Paano ba naman maraming mga lintang nakakalat naghahanap lang ng tiyempo para mambiktima. At 'yon ay ang mga asawa namin. Pero syempre hindi kami dun papayag kailangan lang namin silang turuang lumugar sa kinalalagyan nila.
"Ano naman ang patunay na asawa mo siya huh? Hindi naman gano'n kayo mag asawang tignan. Tch!" Ngising aniya sa akin habang nakapamaywang.
I give my famous sweet smile before I'll face her and all the people around of us. He'to na siguro ang panahon para bigyan kalinawan ang lahat. At baka sa way na 'to tatantanan na nila ako kakaaway.
"Hindi basihan na mag asawa sila sa tuwing magkasama sila o kaya naglalambingan. Eh kung gano'n ang pananaw mo. E paano kung gano'n kami ng asawa ko. Edi matagal kanang namatay sa inggit, diba?" Taas kilay kong sabi na siyang ikinatuwa ni Trivia at 'yong dalawa ko pang kaibigan.
"Hindi bale, maingit na ang maingit!" Kumento naman ni aleng Nena mula kanyang tindahan. "Wala ka naman laban d'yan Sabrina dahil asawa 'yan. Ang asawa hindi basta nagpapabaya lalo na sa mangangahas mang-angkin ng pribadong sa kanila." Muling sabi ni aleng Nena na ikinainis ni Sabrina.
"Tsk, paanong sa kanya ang isang bagay kung wala naman siyang proweba." Ngising sabi niya na siyang ikinangiti ko. Wala raw?
"Proweba ba ang hanap mo?" Pinunggos ko ang buhok ko saka ko pininakita 'yong kwentas na ang pendant ay sing-sing.
"Sapat na ba 'to na proweba sa'yo?" Mapang-asar kong sabi.
"Naku! Mukhang talo ka Sabrina?! May sing sing oh! Ibig sabihin niyan kasal na sila. At kapag umepal ka. Naku! Tawag sa'yo kabet ng bayan." Muling sabi ni aleng Nena pero umirap lang si Sabrina na parang walang narinig.
"Masyado ka kasing manang manamit at kumilos. Dahilan para ipagpalit ka sa maganda at sexy. Halos wala ka namang imik at sinasabi. Bakit ngayon makasugod ka e parang ikaw lang ang may karapatang magalit. Ikaw din naman hindi mo binabantayan at pinagsasabihan ang asawa mo!" Ngiting sabi niya at pinitik pa niya ang buhok niyang rebond na may kulay pink at black.
Aaminin ko naman na maganda siya maputi at sexy. Bagay sa kanya ang mga sinusuot niyang mga damit na halos kulang sa tila. Samantalang naman ako laging naka-bestida, padyama at tshirt lang. Hindi rin ako naglalagay ng kolorete sa mukha.
Halos lahat ng tao sa lugar na 'to kilala siya at lahos lahat din ng mga lalaki na huhumaling sa kanya dahil sa taglay niyang ganda kaya nga maraming naiinis sa kanya na mga babae may asawa. Kaya marami rin ang nagpupunta sa bahay niya kung saan may laging nagaganap na zumba. Maraming kalalakihan ang nagpupunta sa kanya para manood. Syempre marami rin na mga babaing nagpupunta hindi dahil para maki-zumba kundi para puntahan nila ang asawa nilang lalaki. Sa gabi naman nagpupunta si Sabrina sa Bar na sa kanya rin. Marami ngang nagsasadya roon maging mga babae kaso para sunduin ang asawa nila.
"Mas mabuti nga na ganito ako." Huminto muna ako saka siya nginitian bago nagpatuloy ulit sa pagsasalita.
"Kaysa sa'yo. Sabihin na natin na maganda at sexy ka. Masasabing ikaw 'yong ideal type ng karamihan. Pero tanong ko lang?Anong meron ka na wala ako?" Tanong ko sa kanya sa siyang ikinatawa niya na parang may nakakatawa sa tanong ko.
"Anong meron ako na wala ka?Syempre marami." Kumpiyansang sagot niya. "Tinatanong pa 'yan? Omg, syempre una hindi ka sexy na tulad ko. Ni kahit ganda na ipagyayabang wala. Kaya ano bang kailangan kong ikainggit sa'yo?"
Bago pa man ako magsalita hinigit ako ni Zealum tsaka bumulong na sapat lang para ako lang ang makarinig.
"Let's go home, Ney. That's bad. Natututo ka ng makipag-away." aniya.
Namayagpag ang ingay sa naging kilos ni Zealum. Hindi naman kasi siya showy, as in never. Ngayon lang.
Aktong aalis na kami ng huminto ako sa paglalakad na siyang ipinagtaka ni Zealum pero ngitian ko siya bago lingunin si Sabrina na halos namumuyos sa galit.
"Oo nga. Hindi ako sexy tulad mo. Halos lahat nga na sa'yo na. But, not my husband. Kung anong meron ka na wala ako, 'yon ang nagustuhan sa'kin ng asawa ko." Inakay na ako ni Zealum palayo roon. At masasabi kong ngiting tagumpay ako sa pilingerang babaing 'yon.
"Huyy! Hindi mo ba alam na kaya kitang alisin sa trabaho mo? Kaya kitang paluhurin sa paa ko ngayon mismo?!" Tinuro niya pa ang kinaroroonan namin.
Wala naman akong ginawang mali kahit sa order. Pero bakit kailangan ko pang magpakaawa? Na lumuhod sa paanan niya? Mas gugustuhin ko pang mabuhusan ng tubig pero ang paluhurin sa paanan niya? 'Yan, d'yan kami magkakatalo.
"Ms. Pwede naman pong idaan nalang po sa maayos na usapan." ani ko sa mababang boses. She's still a customer.
Natawa siya at 'di kalaunan ay inis niya akong tinulak dahilan para mapaatras ako. Sa kabutihan palad hindi naman ako na out of balance sa ginawa niya.
Aktong lalapit siyang muli ng humarang na ang kasamahan ko. Pilit nila siyang pinakikiusapan pero nagmamatigas ito at gusto pangkausapin ang Manager namin.
"Dapat kasi nasa bahay ka pa e." Nag-aalalang sabi ni Trixia habang inaakay ako sa staff room.
"Hindi pwede. Ang pagpapasada ni Zealum lang ang inaasahan namin. Tsaka maliit na bagay lang naman 'to para mabawasan ang pasanin niya." Sa nakaraang araw naging matumal ang pagpapasada niya. Ang palagay ko dahil sa nangyaring gulo sa pagitan namin ni Sabrina.
"Basta huwag kang pahuhuli na may raket ka?" Tumango nalang ako dahil iyon naman talaga ang gagawin ko. "Naku! Kung hindi pareho tayong malalagot sa asawa mo." Ngiwing aniya.
Hindi rin ako mapalagay dahil pakiramdam ko malalaman at malalaman niya na nagtatrabaho ako. Ayaw kasi niyang samahan ko siya na kumita ng pera. Sabi niya siya ang lalaki kaya responsibilidad niyang buhayin ako. Samantalang ako naman daw ay pagsilbihan siya. Sa madaling sa salita, housewife.
Halos takbuhin ko ang distansya ng bahay namin para lang hindi ako maabutan na wala roon. Malalagot ako kapag nagkataon---
"Saan ka galing Misis Villanueva?" Biglang bungad niya na siyang napaatras sa'kin.
N-Nandito siya? Pero masyado pang maaga para umuwi siya? Hindi kaya alam na niya? A-Anong gagawin ko?
"Needed I repeat my self?" Ani'to na maslalong nagpakaba sa'kin.
What should I do? Kinakabahan na ako sa oras na 'to. Ramdam ko ang pagkabog ng puso ko na kulang nalang ay umalis ito sa aking dibdib. Pero parang familiar sa'kin ang ganitong eksena? Hindi ko alam pero natagpuan ko nalang ang sarili ko na umiiyak habang nasa bisig niya. I don't know why this emotion came from? It 'cause of past? Is that it?
"Hush my Ney. I'm sorry, I didn't mean to make you scare and... cry." Patuloy niyang pagpapatahan sa akin.
He'to ang unang nangyari ang ganito, na magalit siya sa akin. I know malaki ang pagkakamali ko dahil naglihim ako sa kanya. Pero sino kayang maniniwala na I don't know well what about my husband. Ni hindi ko nga alam kung paano at kung papaano kami kasal? Basta nagising nalang ako na kasal sa taong hindi ako familiar. At mula no'n 'yon na ang pinaniwalaan at pinaghawakan ko.
"Kaylan ka naglihim sa'kin?" Basag niya sa katahimikan.
Lalo lang akong napayuko dahil alam kong mali ang maglihim sa asawa. Gusto ko lang naman tulungan siya kaya nagawa kong paglihiman siya.
"You know that I don't want you to suffer." Napaangat ako ng tingin. Humugot siya ng hinga tsaka problemadong sumandal sa upuan. "Hanggat maaari nga gustong bantayan ka rito para naman may kasama ka at hindi nahihirapan sa gawaing bahay. Then para maiwasan na masangkot ka sa kahit anong gulo."
Hindi ko maintindihan. Saan na nga ba ako lulugar? Simpleng bagay lang naman pero bakit parang pagdating sa kanya ang kumplikado? Napakasama ko bang asawa?
"Kaya ko naman lumaban. Kaya ko ang sarili ko." giit ko sa mababang boses.
Kita sa mukha niya ang pagkairita dahil kinakaya ko siyang sagutin. Para naman sa'kin kasi may kaya at karapatan ako. Hindi basta babaeng bahay lang.
"Magresign ka bukas." Desididong anunsiyo niya dahilan para mapatayo ako.
"Zealum naman! Baka naman pwede natin pag-usapan? Gusto kong tulungan ka. Hindi ko maatim na nakikitang ikaw lang ang gumagawa ng responsibilidad ng mag-asawa." Hindi ko alam pero kusa nalang bumuhos ang luha sa mata ko. Ang hirap naman paliwanagan ang lalaking 'to. Ang higpit niya sa sobrang higpit nakakapos ako ng hininga.
"B-Bakit? Talaga bang ang baba ng tingin mo sa'kin? Ano bang dahilan bakit ang higpit mo? Bakit parang wala akong kalayaan sa'yo e asawa mo naman ako? Masama bang samahan ang asawa at tulungan? Pakiramdam ko wala akong kuwentang asawa." Na alerto siya agad akong dinaluhan. Hindi ko siya maintindihan. Talagang ayaw niya akong mahirapan? Para roon ba ang lahat kaya siya ganito umasta?
"Shhh. Again, I'm sorry my, Ney. I'm sorry. Kung minsan pakiramdam ko kasi na ang hirap nang lahat pero mas nagpapahirap sa'kin na nahihirapan ka. Not kind of these life I want for you, for us. Hindi ganitong buhay ang pangarap ko para sa'tin. I hope you would understand why I'm acting like this." Niyapos niya ako ng mahigpit sa klaseng hindi ako na sasaktan. Dinig at ramdam ko rin ang bigat ng paghinga niya.
Ano kaya ang pangarap ko? Pareho ba kami ng pangarap? 'Yong hindi klaseng buhay na ganito? Hindi ko masagot. Hindi ko alam. Masyadong mailap ang na walang ala-ala sa'kin.
"Nabalitaan ko ang nangyari." Basag ni tito Frank sa katahimikan. Madalas kasi siyang dumalaw sa'min. Sa pagdalaw niya marami siyang mga dala tulad ng grosary. Sinabihan naman siya ni Zealum pero kahit anong pananakot ni Zealum ginagawa parin niya ang gusto niya.
"Then?" Walang ganang usal ni Zealum.
Napahilot nalang sa sariling sintido si tito Frank dahil sa kawalan ng interest ni Zealum.
"Zea, anak ka ng Tatay at Nanay mo. Asawa mo hinayaan mong matutong makipag-away?!" Hindi makapaniwalang ani Tito.
"As long as she never gonna pain and not having injury. It's fine." Kalmadong wika ni Zealum.
Eh? Pero teka? Hindi ba niya alam na nakailang beses na akong nakakuha ng pasa? Puro bunga 'yon ng pagsugod sa'kin.
"Whatever Mr. Villanueva." Hinarap ako ni Tito tsaka inilahad ang palad. Pero tinabig ni Zealum ang kamay ni Tito dahilan para matawa si tito Frank.
"You oldman watch your action." Ma-awtoridad na babala ni Zealum.
Sumipol naman si Tito at sumilay ang mapanuksong ngiti sa kanyang labi.
"Who care." Pang-aasar ni Tito tsaka kinuha ang palad ko. Gulat akong tinanggap ang isang paperbag.
"Para saan ho ito?" Walang muwang kong wika. Grabe. Big time itong si tito Frank palibhasa mayaman ang kanilang pamilya kaya na bibili niya kahit anong magustuhan niya.
He smile to me. "To take a picture?" Kibit balikat na aniya then he laugh.
"Go! Surely they will find you, Oldman." Pagtataboy ni Zealum sa kanyang Tito.
Tumawa si Tito sa nakikitang kaasaran sa mukha ng pamangkin. Wala parin kasi itong pinagbago sa ugali nitong madaling mag-init ang ulo ni kahi't sino nasusungitan niya. Kahi't magulang ni Zealum gano'n siya kaya hindi na bago ang ganyang ugali niya.
"Thank you for this tito Frank!" Sigaw ko tsaka kumaway.
"Always welcome!" Tugon ni Tito.
Palagi niya kaming pinupuntahan dito sa munti naming bahay ni Zealum. Walang araw na kapag pumunta siya ay walang dala. At lagi rin na madilim ang mukha ni Zealum kapag napapadalaw ang Tito niya.
"Samahan mo ako bukas." Aniya na nagpalito sa'kin. Wala ba siyang balak magpasada? Gano'n ba ang epekto ng nangyari between me in Sabrina?
Ngayon napagtanto ko na sana hindi nalang ako sumugod para hindi naapektuhan pati hanap buhay ni Zealum. Lalong naging kumplikado tuloy ang lahat nang dahil sa'kin. 'Yong hirap niya ngayon pati trabaho niya apektado at naging mas double pa. Pakiramdam ko masyado akong pahirap. Na wala akong maitulong manlang sa asawa ko.
"D-Dito nalang ako sa bahay." Baka makagawa na naman ako ng magiging isipin niya. Kahit sa simpleng gawing bahay nalang ang gawin at pagtuunan ko at least hindi pa siya mabagabag habang nasa biyahe.
'Di kalaunan ay niyapos niya ako mula sa likuran at ipinatong niya ang baba niya sa aking balikat, na hindi naman niya ginagawa.
"Samahan mo ako bukas sa pamamasada." Aniya na nagpagaan sa'kin. "In that way I didn't bother to asking my self about you." Dagdag pa niya.
Bakit parang may punyal na nakatarak sa puso ko sa tuwing iisipin kong paano kapag nakaalala na ako? Aaminin ko, natatakot akong balikan ang nakaraan. Takot akong baka lahat ng pinanghahawakan at pinapaniwalaan ko ngayon ay mawala sa isang iglap, na hindi naman dapat pala.
"N-Ney... Ney? Ney! P-Please don't leave me." Naalimpungatan ako sa pagtawag sakin ni Zealum. Nang sipatin ko, ito naman ay tulog at pinagpapawisan.
"N-Ney... Ney?" Hinawakan ko ang pisngi niya tsaka mahina siyang tinapik para magising. Pero nanaginip parin ito.
"Lum?" pagtawag ko sa kanya para magising.
"W-Wife don't do this, Love? H-Hayrin..." Hindi ko alam pero kusang lumandas ang luha sa mata ko. Bakit parang maging sa panaginip pinapahirapan ko siya. Ang bigat sa damdamin na parang wala akong nagawang tama kahit manlang sa asawa ko.
Pinahid ko ang luha sa pisngi ko tsaka sinipat na hindi gumaralgal ang boses.
"Ney?" aniya ng magising. Ngitian ko lang siya tsaka kusang yumapos ang kamay ko para yakapin siya. He hug me back.
"You never leave me right, Wife?" He said. I feel straight feeling in me. I ask my self too if I never leave this man, this my husband? 'Yong pakiramdam na parang familiar ang lahat ng nararamdaman mo pero hindi ka tiyak dahil sa kawalan ng alaala. Ano nga ba ang humahadlang sa'kin? Kaya ko bang iwan siya?