"HINDI ka na dapat sumama rito, Lord Primo," iritadong sabi ni Pearl. "Bakit hindi?" parang nagtatampong tanong naman ng lalaki. "Humahakot ka ng atensiyon, eh." "Akala mo lang 'yon. Nagpaka-low profile na kaya ako." Tiningnan ni Pearl si Primo. Totoo ngang "low profile" ang porma ng lalaki sa simpleng puting T-shirt, kupas na pantalon, at maruming sneakers. He didn't even have his Rolex watch on. Pero ang kaguwapuhan, tangkad, amoy, at magandang pangangatawan ni Primo ay hindi pang-"low profile." He was handsome and sexy as hell and there was an air of elegance about him that revealed that he was as rich as hell as well. Ang nangyari tuloy, halos lahat ng tao sa supermarket ay napapatingin sa kanila—kay Primo. Lalo na ang kababaihan. Hindi lang dalawang beses napapalingon ang mga bab

