"I WANT to die of shame!" Hindi alam ni Pearl kung matatawa o maaawa kay Primo na nakasubsob ang ulo sa loob ng shopping cart na tulak-tulak nito. At dahil hindi naman nakatingin si Primo sa kanya, napangiti na lang siya. "Everyone knows you can't stand spicy food, my lord." Lakas-loob na sumali si Primo sa contest sa appliance center kanina kahit alam nitong paramihan iyon ng makakaing sili. Nakaubos naman si Primo ng isang platito pero pagkatapos niyon ay nagsuka na. And being the drama king that he was, he cried exaggeratedly. Nakailang bottled water din ang lalaki bago tuluyang kumalma. "Hindi ko matanggap na hindi ko nakuha para sa 'yo ang stand fan na 'yon. At lalong hindi ko matanggap na nasaksihan mo pa ang kahinaan ko," patuloy na pagrereklamo nito na sinamahan pa ng paghikbi.

