NAKAYUKYOK lang si Pearl sa worktable sa kanyang kuwarto. She was disappointed in herself because of what happened the other day. Nagkaroon ng malaking hiwa sa ulo ni Primo na kinailangang tahiin. Okay naman na daw ang lalaki pero hindi pa niya ito pinupuntahan sa ospital. Nahihiya siyang magpakita kay Primo. He had been hurt while he was with her. At ang pinakamasaklap pa, nasaktan ang lalaki dahil sa pagprotekta sa kanya. Naglahong parang bula ang dignidad niya bilang isang bodyguard. Nag-iisip na rin siyang mag-resign sa trabaho. Sa apat na henerasyong lumipas, ngayon lang may nasaktang Velaroso sa pangangalaga ng isang Hermosa. Tiyak na ikinahihiya na rin siya ng kanyang angkan. I want to die! At noon bumalik sa isip ni Pearl ang galit na galit na mga mata ng babaeng nakaitim. What

