PROLOGUE
"Sabi nila, kapag nakita mo raw ang taong para sa 'yo, hihinto ang mundo at babagal ang ikot ng paligid. Ang baduy, 'di ba? Sobrang cliché. Gasgas na sa mga w*****d stories at K-Drama."
Natawa ako nang mahina habang nakatingin sa kisame ng kwarto ko. Ang ingay ng music na naka play, pero mas maingay ang t***k ng puso ko.
"Pero alam mo kung ano ang mas malalang cliché? 'Yung ma-fall sa sarili mong best friend. Sobrang gasgas, pero pakshet... bakit ang sarap magasgasan?"
"Hoy, Sam! Tulala ka na naman diyan! Mukha kang ewan," biglang untag sa akin ng isang pamilyar na boses sabay bato sa akin ng isang unan. Eksaktong tumama iyon sa mukha ko.
Papansin talaga. Kitang nag eemote pa yung tao.
"Aray ko naman, Tim! Ang brutal mo talaga kahit kailan!" singhal ko sa kaniya habang inaalis ang unan, at pagka tanggal ay inirapan ko siya ng malala.
Umupo naman siya sa gilid ng kama ko, hawak ang isang baso ng paborito niyang iced coffee. He was wearing his usual oversized grey hoodie and faded jeans. Gulo-gulo ang buhok niya, at may kakaibang kinang sa mga mata niya na palaging nagpapabilis ng t***k ng puso ko-na pilit kong itinatago sa likod ng mga iritableng mukha.
Ganoon naman talaga diba? Umaasta tayo na iritable sa taong gusto natin.
"Paano, para kang tangang nakangiti riyan habang nakatitig sa kisame. Ano ba'ng meron diyan? May mag jowa na butiki?" biro niya sabay sipsip sa straw ng kape niya.
"Tangek! May iniisip lang akong plot para sa sinusulat ko," pagsisinungaling ko. Hindi ko pwedeng sabihing siya ang iniisip ko.
"Naks, writer talaga ang best friend ko. Sige nga, anong plot 'yan? saka, Rom-com ba? Dapat happy ending, ah! Ayoko ng mga sad boy at sad girl na kwento mo, nakaka-drain ng energy," natatawang sabi niya.
I rolled my eyes. "Rom-com naman talaga 'to. Tungkol sa dalawang magkaibigan na laging nag-aaway pero sa huli, mare-realize nila na sila pala para sa isa't isa." Parang fantasy ko lang.
Tim grinned, his eyes crinkling at the corners. 'Yung ngiting palaging paborito ko. "Sus. Parang tayo lang pala, eh. Minus the 'sila pala sa huli' part. Kasi kadiri nun, Sam. Para na kitang kapatid."
Aray. Isang pamilyar na saksak sa puso, pero binalewala ko. Nasanay na ako. Bahagi na ng script namin ang ganitong asaran. For sure, relate saakin yung mga patay na patay din sa kaibigan nila.
"Kapal ng mukha mo! Akala mo naman papatulan kita? Mukha kang tikbalang na pinilit mag-human form," ganti ko, dahilan para humagalpak siya ng tawa. Ang sarap sa tenga ng tawa niya. Kung pwede ko lang i-record at gawing ringtone araw-araw.
"Grabe siya! Pero seryoso, Sam..." Seryoso siyang tumingin sa akin, nawala ang mapaglarong ngiti pero nandoon pa rin ang lambing sa mga mata niya. "...kapag dumating ang araw na ikakasal ka na, ako ang magiging Best Man mo, ah? Ako ang mag sisindak sa groom mo kapag sinabi kong 'Subukan mong saktan si Sam, ililibing kita nang buhay'."
Napatitig ako sa kaniya. His words were comforting, yet they tasted like ash in my mouth. He was promising a future where he was just a spectator. A lifetime of being just a best friend.
"Paano kung..." Pambitin ko. Humarap ako sa kaniya, sinusubukan ang lakas ng loob ko. "Paano kung hindi ako ikasal sa iba? Paano kung walang dumating?"
Tim laughed softly and ruffled my hair, a gesture that always made my stomach do flips. "Tanga, impossible 'yon. Napakabait mo, napakaganda mo kapag bagong ligo... May darating para sa 'yo, Sam. And when that day comes, I'll be the happiest man alive for you."
I smiled, locking my gaze with his. You idiot. The man I want to stand at the altar with is currently ruffling my hair and calling me an idiot.
"Sige, sabi mo, eh," bulong ko na lang.
Wala eh. Best friend lang talaga 'to.
Kinuha niya ang phone niya at may tinipa roon habang nagp-play ang isang pamilyar na kanta. It was a happy scene. Two best friends, teasing each other in a messy bedroom, surrounded by the warmth of youth and unspoken promises. It felt like the perfect first chapter of a romantic comedy.
Gusto kong maniwala na ito na 'yung kwento namin. Isang mahabang serye ng asaran na hahantong sa isang masayang pag-amin. Isang pangmatagalang tawanan.
But looking back at that moment now... habang nakaupo ako sa isang malamig na sulok, hawak ang isang lumang litrato naming dalawa na basa ng luha ko...
Narealized ko kung gaano ako katanga.
Because life isn't a w*****d story with a guaranteed happy ending. Sometimes, the funniest setup leads to the cruelest punchline. And sometimes, the person who taught you how to laugh... is the exact same person whose absence will teach you how to drown in tears.
We were a masterpiece, Tim. But we were painted in the dark.
If only I have the courage before...