JULY
‘Pasimpleng sumusulyap-sulyap. Haha!’ Tukso ni wolf sa akin.
Totoo naman kasi. Kanina pa ako pasimpleng sumusulyap-sulyap sa gawi ni Natalia.
Nakatulog na nga ito and she look so peaceful, I can't help to stare at her angelic face. Simula kaninang breakfast ay hindi na nya ako pinapansin at lagi na lang tinatapunan ng masamang tingin. Nasanay na lang din ang sistema ko sa ginagawa nyang yun at nagpasalamat na masamang tingin lang ang pinupukol nito kaysa pagsupladahan ako at sabihan ng mga 'di magagandang salita.
Dahil, I swear, hindi ko kayang hindi patahimikin ito. Parang mauubos ang pasensya ko sa kamalditahan ng babaeng ito. Jusko! Panay na naman kasi ang sigaw nya kanina kay Kakay at ibang kasambahay habang nag-iimpake ng gamit nya. Akala ko nga dadalhin ang buong kwarto nya sa lakad na ‘to.
Tss! Naiinis talaga ako sa mga brat. Mayaman naman kami pero hindi naman kami naging brat at super mapanglait sa tao but Natalia, gaah she's a devil!
‘Patamikin mo sya ng isang makabagdamdamin at masarap na halik, Juls. Tapos mate, mate, mate na!’ Ayan na naman si wolf.
'Shut up, wolf! I will never accept her as my mate!' I heard my wolf groan inside of me, totally disagreeing with what I said earlier. 'Ako ang masusunod! And that's final!' I stated. Wolf growled.
"July, ikaw na." untag sa pakikipagtalo ko kay wolf, ni Sam.
Kasalukuyan kaming naglalaro ng poker dito sa loob ng private plane nila Sofia. Simula na ng Tour-around-the-country ng mga rich kids na ‘to. Hopefully, wag silang maging sakit sa ulo but knowing them, lalo na si Natalia, I know it'll be long and tiring trip dahil kung hindi sya magsusungit, siguradong gagawa sya ng maraming stunts na ikakapahiya ng ama nya.
At doon naman ang pasok ko. Nakiusap ng mabuti ang president na bantayan ng mahigpit ang anak nya. Patindi ng patindi kasi ang banta ng mga vamps sa buhay nito. And the vamps specifically point their threat to his daughter. Kaya walang basehan ang panunukso ni wolf sa akin at kay Natalia dahil ginagawa ko lang ang trabaho kong bantayan ang malditang anak ng president. And I was so glad na, Jaime Aquino, fully trusted me with Natalia's safety. I promised to never fail him. Besides, malaki ang utang na loob namin sa kanya for saving my grandfather long time ago and vice versa.
‘Ows? Maniwala?’ Si wolf ulit.
"July, tira na." si Sam ulit.
"Manahimik ka!" mariing sabi ko kay wolf pero sabay silang nagsalita ni Sam kaya nagulat ito ng sabihin ko yun. "Sorry, hindi ikaw." Hinging paumanhin ko dito.
Nagtataka namang nakatingin ang apat na lalakeng guards sa akin. Hinulog ko na lang ang baraha ko at agad naman silang bumalik sa laro dahil dismayado sila sa nakita sa barahang inihulog ko.
"Aist. Panalo ka na naman." Sabi ni Derek na tinapon ang baraha sa gitna ng table. Bigo rin ang mukha ng tatlo na ginaya rin ang ginawa ni Derek.
Natawa na lang ako sa kanila. "Hindi talaga kayo mananalo sa akin. Eh sa matinik ‘to at magaling." Natatawang sabi ko.
Ang cute ng apat na kumag. Nakabusangot at panay na ang mga maktol ng mga ito dahil kanina pa sila 'di nananalo sa akin.
"Akin na mga tenga nyo. Wag kayong madaya." Sabi ko sa kanila.
Unti-unti silang lumapit at tigtatatlo ko silang pinitik sa isang tenga. Yun yung pustahan namin. Tatlong beses ko na rin silang natalo at eto nga't sinisingil ko na sila. Bakas naman ang sakit sa mga mukha ng mga ito, epekto ng pagpitik ko sa mga tenga nila. Akala nila'y porke babae ako'y mahina akong pumitik, huh, tignan mo ang tenga ni Sam at Piolo, ang pupula. Hahaha!
"Nakatsamba ka lang eh." Ingos ni Zanjoe na pinapahid ang tengang pinitik ko. Tumawang panalo lang ako. Yung tama lang na kaming lima lang ang makakarinig.
‘Inspired kasi ‘tong baklang ‘to.’ Epal naman ni wolf. Bigla tuloy akong nasamid.
'Tumigil ka nga, wolf! Ladyguard lang ako. Period!' sita ko dito though our link.
‘Hypocrite! Lokohin mo lelang mo. Bleeh!’ Away nya sa akin. Huh! Nakakarami na talaga ang wolf na ‘to.
"Laro ulit tayo." Sabi ni Piolo na nagpabaling sa atensyon ko.
Wolf was still teasing me on the inside pero hindi ko na lang ito pinapansin hanggang sa namalayan naming lumapag na pala kami sa private helipad ng kumpare ng Tatay ni Sofia sa isang mataas na building sa Iligan City.
+++
ILIGAN CITY, 1200 HRS...
Simula na ng pagbabantay namin sa babasaging crystal na anak ng Presidente. As usual, she woke up gloriously and sexily na naghihintay sa taas ng hagdan ng plane habang pumapanaog na pababa ang mga kaibigan nya.
Nasa baba na naman kami, kasama ng apat pa na lalakeng guards para alalayan ang tatlong babae. Actually, nasa tabi lang ako at nagmamasid. Yung mga lalake lang ang nag-aassist. Nakikiramdam lang ako sa paligid at syempre pasulyap-sulyap sa magandang prinsesa. Guard nya ako eh, so may karapatan akong sumulyap.
‘Ahem!’ Wolf, wag ka ng umepal dyan.
Anyway, did I mention how hot she looks today? Oh well, she's just wearing a backless silk shirt at kitang kita sa likod nito ang red bikini bra at ahem, yummy na likod, matching a white shorts and a flip flops, samantalang nakapony tail ang mahaba nitong buhok. So simple, but gaah, she looks so perfect. And I guess red rin ang bikini panty nito. Syempre dapat terno. Yay! Nakasuot rin sya nang black police glasses. She's smoking hot!
‘Laway mo.’ Si wolf. I just rolled my eyes. Kung sasagutin ko na naman ito'y magbabangayan na naman kami.
Nakasuot naman ng Sun dresses ang dalawang kaibigan nyang babae. And as for us guards? Ako'y nakahapit lang na jeans, white vneck shirt at converse shoes with my brown rayban. The four man guards ay ganun rin, bakas ang kamachohan sa mga suot but no, I'm not attracted to them. Ina-appreciate ko lang ang mga magagandang katawan at tikas nila. I'm lesbian since birth, remember? Uh-huh.
"July, pwede pa-assist pababa? Please." Narinig kong sabi Haruka and as a gentlewoman, I assisted her.
Inabot ko ang kamay nito ng maabot ko na ito mula sa baba and assisted her all the way. Ngumiti naman si Haruka ng makababa na ito at nginitian ko lang din bilang ganti. Trabaho lang, walang personalan.
And I was not aware that behind those black glasses were a pair of eyes na masamang nakatingin sa amin. Idagdag mo pa si Sofia na pabalibag na sumakay sa green Hummer na sasakyan na naghihintay sa amin.
‘Selos alert. Selos alert.’ Si wolf. Duhh, wolf. Pwede ba, tigilan mo muna ako?! At sino naman daw ang nagseselos, aber?
‘Manhid.’ Sabi pa nya. Aba't, sumosobra na talaga.
Panay pa rin ang bangayan namin ni Wolf at nakababa na rin si Haruka at pasakay na sa kotse. And I was not aware na padabog ng bumaba si Natalia at ayaw magpahawak o magpaassist sa lalakeng guards nya.
Nakanguso ito at may binubulong bulong sa sarili habang pababa. Bumalik ako sa dating pwesto habang panay pa rin ang silent war namin ni Wolf. Nagmumukha na talaga akong tanga sa palagiang pagkausap ko sa mahaderang wolf na ‘to. Para ko ring kinakausap ang sarili ko. Ano pa nga ba tawag dun?! Ugh!
I was totally out of my system when suddenly sa pagbaba ni Natalia'y she slipped on one of the step of the staircase at akmang mahuhulog ito. Pero sa bilis ng reflexes ko'y madali akong nakarating sa tabi nito at nasalo ito, hapit ang balakang at sobrang lapit ng katawan at mukha nya sa akin.
Dugudug. 'Is that wolf?' Litong tanong ko sa isipan. Nanggaling kasi yung tunog sa loob ko.
Dugudug. At naulit pa. HOWEMGEE. 'di yun si wolf. Yay!
Oo na. Korni na. Katulad din ‘to ng iba pang istorya sa nobela na parang titigil ang oras dahil nagkatitigan kayo. Tapos feeling mo, walang ibang taong nasa paligid nyo at kayo lang nag-eexist na dalawa sa mundong ito. Tapos parang malulunod ka sa mga mata nyang nakatitig sa’yo. Tapos yung kabog ng dibdib mo, parang drinibol ni Michael Jordan sa bilis at yung tyan mo'y parang sinuntok ni Pacman dahil sa titigan na yun ay para kang sinapak nito dahil sa dami ng sensasyong iyong nararamdaman sa loob ng iyong tummy.
Tapos magiging slow motion ang lahat. Titigan ka nya sa mata, tapos ikaw ay ganun rin. Katagalan, bababa sa mapupulang labi nya ang tingin mo at maiisip mo na ang ang sarap namang halikan ng ale na ‘to. Tapos unti-unting maglalapit ang inyong mga mukha. Hinay-hinay. Paunti-unti. Slow motion pa rin. Tapos mapapapikit ka pa sa paghihintay sa mangyayari. Naks!
Pero kahit gaano ito ka-cliché, gals, HOMAYGAWD! I, Agent July Aaliyah Mercado, ay babae rin at may puso kaya sasabihin ko na, hindi ko na kaya pero... KINIKILIG AKO NG SOBRA! Hayaaaa...