HARUKA
"NAT, pahiram nga nung magazine na binabasa mo kanina." Malambing na sabi ko sa kaibigan kong ngayon nga ay nagtutulug-tulugan.
Nasa private plane na kami nila Sophia and going na sa Mindanao. First stop, Iligan City!
Hindi naman ito tuminag. Inulit ko uling tawagin ito pero hindi ako pinapansin. Nakasandal ang ulo nya sa upuan at nakapikit pero alam kong she's not sleeping pa. Kitang-kita ko ang pagtatap ng mga daliri nya sa arm ng upuan. Kaya I know gising pa sya tsaka hindi pa naman masyadong malayo ang nilakbay namin.
"Nat?" walang sagot.
Pero napansin ko lang na magmula pa nung dumating kami sa WH kaninang umaga'y, dinededma na nya ako. Ano kayang problema nito?
"Do you need something, Miss Haruka?" biglang appear ng magiting na agent. Agad naman akong napangiti dito as I nodded at tinuro ang magazine na katabi ni Natalia. "Yun po ba?" magalang na tanong nya ulit.
Tumango naman ako tapos kinuha nito yung magazine at nakita kong bumukas ang bibig nito, marahil nagpaalam kay Natalia na kukunin yung magazine. Parang tulog naman kunong hindi natinag ang kaibigan ko.
"Heto na po, Miss." Sabi ng mabait na agent na babae.
"Salamat, Agent." Ngiting-ngiting sabi ko. Kinikilig ako sa ginawa nya eh. Hayyy...
"July na lang po, Miss." Sagot naman nyang nakangiti at bumalik na sa upuan nito sa harapang bahagi ng eroplano katabi ng mga guards ni Natalia.
Nakangiti lang akong binuklat-buklat ang magazine. Ang bait talaga ng babaeng yun, tsaka ang gentlewoman pa. Kaya naman 'di ko mapigilang magkaroon ng crush dito. Bukod sa ang ganda kasi, bakas na bakas ang taglay na kabaitan sa kanya. Sya na kaya? Ayeee...
"Landi much." Bulong ni Sofia pero hindi ko narinig.
"Anong sabi mo?" tanong ko naman sa kanya.
Nitong mga nakaraang araw ay lagi na lang itong badtrip sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Ang lakas makamood swing ng mga tao dito. Sila na!
"Wala." Patamad na sagot nito at tumalikod sa akin, akma itong matutulog.
Hinayaan ko na lang ito at gaya ng dati, hindi ko na ito pinatulan. Walang makakagiba ng masayang mood ko dahil bukod sa lakwatsa na ‘to, sigurado akong maeenjoy ko ang pakikipagharutan sa magandang ladyguard na yun. *cute pout* Hahaha!
+++
SOFIA
Ang landi! Eggrrr...
Hindi ko napigilang 'di maghurumentado sa mga ginagawa ni Haruka.
Nagseselos ako. Oo, nagseselos ako! Matagal na akong may gusto sa malandi na ‘to pero super manhid talaga. Argh! Hindi ko alam kung pinanganak talaga syang sobrang manhid kaya hindi nya nararamdaman ang feelings ko for her o kaibigan lang talaga ang turing nito sa akin.
Ahh! 'langyang babaeng ‘to. Ilang beses ko namang pinigilan ang sarili ko na wag mahalin ito dahil ayokong masira ang pagkakaibigan namin pero hindi ko kinaya. Umiral pa rin ang lintik na feelings ko sa kanya. Kaya nga everytime na may love interest ito, heto ako ngayon, tahimik na nasasaktan. Ang manhid talaga! Ugh!
Ito namang agent na ‘to, sobrang landi rin. Ugh! Nakakainis na talaga. Ang sarap dispatsahin pero sigurado akong papatayin ako ni Natalia pagginawa ko yun. Eh kasi naman, ang bruhang anak ng president ay obvious na may 'thing' din sa ahente ng St. Peter. Yeah, I am calling her agent ng St. Peter, keber nyo ba? Pft.
Tahimik lang naman akong nagmamasid sa ginagawa ni Haruka. Ganito naman ako lagi. Lagi lang nagbabantay sa mga ginagawa nito. Laging tigasalo kung broken hearted ito, laging tulay sa mga nagugustuhan nito, laging ginagawa ang lahat ng gusto nito.
I was her slave na hindi nya man lang namamalayan dahil gusto ko rin dahil yun rin ang paraan ng pagpapakita ko ng pagmamahal dito. But yeah, I'm a scared cat and a torpedo. Sabi ko nga kanina, ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin kaya naman kahit masakit sa akin na nasa friend zone lang ako'y tanggap ko na, basta lagi ko lang syang makasama nang hindi ito magkakaroon ng awkward moments sa akin.
Hayyy, and look at her. May pasulyap-sulyap pa sya sa ahenteng babae na hindi naman sya pinapansin. Naglalaro kasi ang mga guards nang baraha at mukhang nagkakasiyahan ang mga ito. Ngayon ko lang nakitang tumawa at nakangiti sina Piolo, Sam, Derek at Zanjoe habang kalaro si July.
Inis na inis naman ako dahil it seems like everyone loves this St. Peter Agent. Ugh!
‘Mas maganda kasi sya sayo.’ Epal ng kung sino sa utak ko.
"No, she's not!" I hissed sanhi para mapatingin ulit si Haruka sa akin at mapasilay ako sa magandang mukha nito.
Nagtataka at nagtatanong ang mga mata nitong nakatingin sa akin. Patay mali naman akong kumibit-balikat at nagtulug-tulugan na lang ulit dahil kung hindi ko gagawin yun, baka bigla kong masiil ito ng halik dahil sa super cute na mukha nitong nakataas pa ang kilay at nagtatanong ang mga matang nakaharap sa akin.
Ugh! Ang manhid!
+++
NATALIA
"Nat, pahiram nga nung magazine na binabasa mo kanina." Narinig kong tawag sa akin ni Haruka.
Hindi ko ito pinansin. Inis ako dito eh. I was ignoring her kanina pa and if she's not that insensitive, ramdam nya yun. Nagpapanggap akong natutulog. So far, yun pa ang kaya kong gawin dahil kinakalma ko pa sarili ko sa inis na nararamdaman. Paano ba kasi, nilalandi nya si July! At ang malandi ring agent ay nagpapalandi!
‘Uhh.. keber mo Nat?’ Shatap brain! Wag kang mangialam dito!
"Nat?" tawag nya ulit.
As usual, ignore more. Bahala syang kumuha sa magazine na gusto nya. May mga kamay naman sya ah. Ang tamad tamad! Uutusan pa ako?
Ako? Uutusan nya? Si Natalia Aquino? The gorgeous daughter of the President, uutusan nya? Bloody hell, no!
"Do you need something, Miss Haruka?" nasa pagbabangayan ako ng isipan ko ng marinig ko ang mga kataga ng ahente.
Oh gawd! Just merely hearing her voice makes my heart jump and pump with this unknown rainbow colored feeling. Nakilala ko na sya. Namukhaan ko na. Kaya pala her face sounds familiar este seems familiar dahil sya ang babaeng naging dahilan ng ilang araw na hindi ako nakatulog ng mahimbing. Yung babae sa resto, sya yun! Argh, of all people!
"Yun po ba?" narinig ko ulit na tanong nito sa hitad na Haruka.
Hindi ko na narinig ang sagot ng malandi pero kinalma ko ang sarili ko at pilit pa ring nag-inarteng nagtutulog-tulugan.
‘Relax, Nat. Hindi ka naman ganito. Hindi ikaw ang dapat humahabol sa mga babae o lalake. Dapat ikaw ang pangarapin nila at hindi ikaw ang parang jealous loser b*tch!’ Tama ka brain. Tama ka. Wooh! Calm down, girl. Kunwaring sleep mode ka lang. Chill. Chill.
Nasa ganoon pa akong pag-iisip ng muntik na akong mapamulagat dahil may lumapit sa akin at bumulong nang, "Miss Natalia, hihiramin lang daw po ni Miss Haruka yung magazine."
That sexy voice! Walanghiya! Nasira lahat ng defenses ko pero buti na lang ang lakas ng self-control ko. Nagpretend asleep pa rin ako pero nagtataasan na yung buhok sa batok ko, yung heartbeat ko dugudug much. Hayaaa, ano ba yan!
Tapos ng 'di ako sumagot at naramdaman kong gumalaw sya at inabot ang magazine sa tabi ko'y tumigil yata ang pagtibok ng puso ko ng maamoy ko ang mabangong amoy nya na pinag-aamoy ko kaninang umaga. Yung eksena na may 'daga' daw sa kitchen. Yung tsansing ako ng tsansing sa kanya. Ambango-bango ng roses. Ayt!
Napakanta tuloy ako sa isipan ng, ‘Sana maulit muli, ang mga oras nating nakaraan…’
Nakaraan? Nakaraan? Homaygawd! Tulungan nyo ako! Anong nangyayari sa akin? Anong ginagawa ni July sa nanahimik at malandi kong pamumuhay? Owno!
Mabilis lang yun eh. Three seconds lang siguro pero grabe, natorture ako! Hindi maari ‘to.
‘Katapat alert. Katapat alert.’ Warning ng isipan ko.
Seriously? No, no, no, no way! No, no, no, no way! Walang katapat si Natalia Aquino and she will never ever have!
"Heto na po, Miss." I heard her say na nasa tapat na pala ni Haruka. Hindi ko nakikita ito pero sa pakiramdam lang ako bumase. Uh-huh.
Para naman akong nakahinga ng maluwag sa paglayo nito sa tabi ko pero at the same time, I want her near me. Hindi ko maintindan ang sarili ko. God, hindi maaari ‘to.
"Salamat, Agent." Sagot naman ng malandi.
Halatang kilig na kilig. Napakuyom ako ng kamao ng hindi ko namamalayan. Arteng tulog uli ako dahil dumaan ulit ang ahente sa gawi ko papunta sa iba pang guards ko.
At yun nga, hindi na ako nagkaroon ng peace.
Napaisip ako ng malalim. Hindi magandang mapalapit ako kay July. Nagbabadya ang matinding kaguluhan sa feelings ko pag nagkataon. I remember how my mind alerted me na ito na ang katapat ko. Natakot ako, honestly. Hindi maari. Ayoko. Wala akong magiging katapat. Even my father can't control me. Ayaw na ayaw ko ng kinocontrol ako kaya habang maaga pa lang ay titigilan ko na ang ang nararamdaman kong ito.
This is not right! Yes, this isn't. Kaya I'm sticking with my plan. Yes, tama! ‘Stick with the plan Natalia, wag padadala. You are the one who's in control of everything; don't make anyone step ahead of you. Dapat you will always be the first, the head!’ Yes, tama. Correct! Tumpak!
Kaya naman sa pag-iisip na yun, hindi ko namalayang tuluyan na pala akong ginapos sa kadiliman at ako'y nakatulog ng mahimbing.
‘Stick with the plan!’ Pahabol pa ng utak ko. ‘Oh, I will!’ At nakangiti akong nakatulog sa kumportableng upuan ng private airplane nila Sofia.