CH. 5: Ang Daga

3031 Words
NATALIA "OH, BA’T ganyan kahaba yang nguso mo, girl?" tanong ni Haruka sa akin ng bumalik na ako sa kwarto. Nasa tapat pa rin sila ng laptop and probably booking sa mga pupuntahan namin. They were so earnest about this trip dahil sila rin naman ang makakabenepisyo dito. Busangot at pasalampak na nahiga ako sa kama. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ganun na lang ako ka disappointed ng 'di ko nakilala ang Agent July na yun. Yes, hindi kami nagkita ni Agent July because this is what happened... +Flashback+ "Mr. President, may bisita po kayo." Jessa said glancing at me and I just wink at her at nakita kong namumula itong binaling ang tingin sa ama ko. I smirked at her bearing. "Sino, Jes?" tanong naman ni Dad.  Jessa was also beautiful and sexy na secretary. Nerdy ang trip ng secretary ni Dad. Nakasuot kasi ito ng reading glasses instead of contacts pero bagay naman dito and that makes her look sexier. The real score between Jessa and me? S-E-C-R-E-T! *grin* "Si Agent Mercado po." Sabi ni Jessa. Yung feeling na parang lumundag yung puso mo dahil sa excitement sa pagkarinig mo pa lang ng pangalan nya? Ayeee ano bang nangyayari sa akin? "Papasukin mo, Jes." Daddy commanded.  Tumango naman ang secretary at nilakihan ang pagkakabukas sa pinto. Ako naman ay napaglue na ang mga mata sa pintuan. Pagpasok nya, isang matikas na lalake na tantya ko'y kaedad ko lang. He was handsome too at hunk talaga. He gave a cute smile to me na alanganin ko namang ginantihan. Where is that Agent July? Tanong ko sa isip ng masigurado kong wala na ngang sumunod na pumasok. Akala ko ba babae ang July na yun? Mali ba ang info ni Haruka? Naclear lang yung mga tanong sa isipan ko ng magpakilala ang lalake. "Mr. President, I'm Agent Rizal Mercado. Sub po muna ako ni Agent July because she has this urgent mission na inutos po ni Chief. I guess nainform na po kayo ni Chief Emilio?" sabi ng lalake. Ngumiti naman si Dad at lumapit dito para makipagshake hands. "Of course, iho. It’s nice to meet another descendant of Emilio." Narinig kong sabi ni Dad. Hindi ko kilala kung sinong Emilio ang tinutukoy nila. Aba't MA at PA ko ba. Malay at Pakialam. Yung feeling na nakakita ka naman ng gwapo pero disappointed ka lang talaga at 'di mo maappreciate yung kagwapuhang nasa harapan mo? Ewan ko ba kung bakit ganun. Malakas naman ang s*x appeal ng mokong na Rizal na ito but I guess I was too excited at ang laki ng expectation ko to meet that new Ladyguard of mine. "This is my daughter Natalia." Pagpapakilala sa akin ni Dad. I tried to pull my sweetest smile para naman kahit papano 'di masupladahan sa akin ang cutie na ito. Sayang din naman. Ang gwapo rin kasi eh. "Hello, Miss Natalia." He said na nagbow pa ng kaunti while smiling his boyish cute smile. "Hello, Agent." Ngiting ganti ko. Rizal was oddly looking at me and I can see in his twinkling eyes na humanga ito sa akin instantly. Boys will always be boys. Hmmm... Nastarstruck yata ang agent sa akin at tulalang nakatitig lang sa mukha ko. Dad was looking at us back and forth. Eh paano naman kahit disappointed ako kanina, I was flirting with him through this staring contest. I mean, I was just looking straight at him and smiling. That's all. Okay fine, I was biting my lips, a little. A little lang naman. I told you I'm flirtier than Haruka. *smirk* "Ahh Jessa pwedeng pakihatdan mo kami ng maiinom dito sa office?" I heard Dad say. I didn't know kung anong sinagot ni Jessa basta narinig ko na lang ang pagsara ng pinto. "Ahem... agent, you can sit down muna if you want." Sabi ni Dad pulling us out in our trance. To namang si Dad, killjoy. Hihihi! "Y-yes, Sir." Rizal replied na umupo nga sa isang upuan doon but not averting his eyes on me.  Uh-huh! I was enjoying this. As in enjoying this. I'm sure maiinggit ang malanding Haruka pag nalaman ang nangyayari ngayon. "So you'll stay for the night, Agent?" tanong ni Dad. Naupo na rin ako sa bakanteng upuan na salungat sa mga ito. Dahil kinausap na ni Dad si Rizal, hindi na tumingin ito sa akin. I pulled my phone from my pocket  para nakawan ng larawan ang lalake. I'm certain Haruka will drool over this boy. Eh paano ba naman kasi, kamukha nya si Captain Tezuka ng Seigaku sa movie na The Prince of Tennis. Yay! Wala nga lang glasses na version. Kasing tangkad, kasing pogi pero mas macho lang si Rizal. Yummy! "Hindi ko po alam, sir. Babalik po siguro agad si Agent July." Sagot naman ng lalake. Sa pagkarinig ko sa sinabi nito'y bigla akong nasiyahan. ‘Eh bakit masaya ka?’ Eh bakit ka umeepal brain? Tss. "Okay. Glad you're here para naman mag-assist ng bantay dito, Iho. So do you know my daughter Natalia? I think I didn't properly introduce the both of you." I heard Dad say. Ngumiti naman ako ng pagkatamis-tamis. Lumingon sa akin si Rizal with his boyish smile. "Kilala ko na po anak nyo, sir. Sikat na sikat nga po sya sa netizens." Sa sinabing yun ng lalake ay biglang parang may bumuhos ng malamig na tubig sa buong diwa ko. Biglang nawala ang sweet gesture ko at napalitan ng mataray mode. Pinaalala ba naman yung kalasingan ko nung isang gabi? Aba't atribidong lalaking ‘to. Hindi ko napansin na ngiting aso pala ang binibigay sa akin ng ahente at hindi boyish smile. The eff! Narinig ko namang tumawa ang Dad ko dahil sa sinabi ng lalake. Perhaps, he was seeing my face na namumula sa galit dahil pinaalala ng damuho yung insidente at dahilan para kagalitan ako ni Dad noong nakaraang araw na hindi pa ako nakakaget-over. First time ko kayang kagalitan ni Dad kaya maktol mode ang peg ko na buti na lang ang naging kapalit nun ay tour around Freelipinas pero panira moment ‘tong Rizal na to eh. Ayoko na maalala yung past eh pero pinaalala pa. Dahil hindi ko nagustuhan ang sinabi ni Rizal, agad akong tumayo at diretsong naglakad palabas ng kwarto na yun. Kainis na Rizal eh. Badtrip! "Saan ka pupunta, iha?" narinig kong tanong ni Dad. "Lalanghap ng fresh hair. Polluted na ang  hangin dito eh." Masungit na sabi kong nakatalikod pa rin at lumabas na ng pinto. Pabalibag kong sinara ang pinto. Nasalubong ko ang secretary ni Dad na may dala dalang tray ng juice at napapitlag sa ginawa kong pagsara sa pinto kanina. Kinuha ko ang isang glass ng juice mula sa natigilang sekretarya na obvious ang kabang nakatingin sa akin. I gulped the glass of  juice without averting my eyes from her at ng maubos ko ito'y dinilaan ko ang aking pang-itaas na labi na medyo nabasa ng juice. Nakita ko namang napalunok ito. Lumapit ako sa kanya at nakita kong naitulos ito sa kinatatayuan. "Pakihugas na rin." Sabi ko, sabay patong sa baso ng juice sa tray as I smirked and walk away from the  secretary. Haha! Akala nya siguro may gagawin ako sa kanya. No, not yet. Hindi ko pa sya need. Uh-huh. Medyo nabawasan na yung galit ko mula sa eksena kanina kanina sa study room ni Dad pero busangot pa rin akong pumasok sa loob ng kwarto ko. +End of Flashback+ "Infairness, gwapo naman talaga sya." Hindi ko pinansin ang tanong ni Haruka at tinignan lang ang nakuha kong stolen picture ni Rizal. "Sinong gwapo?" tanong ni Haruka na sa isang iglap lang ay nasa tabi ko na pala. Inagaw na nya ang phone ko at masusing nakatingin sa larawan. "Hayaaa! Eng pogi nemen neto." Si Haruka. I told you, lalandi na naman si Haruring. "Sino?" naintrigang lumapit naman si Sofia at kinuha ang cell phone kay Haruka. "Hayaaa! ee nge." Dagdag nito. Natawa ako sa reaction ng dalawa. Ang lalandi talaga. Hahaha! "Sino yang erfs (pogi) na yan, Nat? Pashare naman." Si Haruka.  Binalik na ni Sofia ang phone ko at muli akong pumunta sa laptop para icheck ang ginawa nito. "Si Rizal." Walang interes na sabi ko.  Eh paano ba naman kasi, okay na sana ang lahat kaso pinaalala pa yung insidente sa bar. Potek kasing babaeng yung nasa resto, eh ba't kasi super affected akong 'di ko nakilala man lang ang pangalan nito. Pagmakikita ko ulit ito, I'm sure makikilala ko ito. Naks, 'di pa rin sya maalis sa isipan ko. Sama neto. Tumawa naman ng mahina si Haruka at Sofia. "OWEMGEE! Buhay pa pala sya? Eh ba't parang tumangkad at gumwapo?" biro ni Haruka. Seryoso ko namang tinugon ito. "Oo. Na-resurrect sya tapos ayan naging pogi na at matangkad." I was still tapping on my lappy. Visayas naman ang pinagdidiskitahan ko ngayon. "Haha! Joke ba yun?" sabi ni Sofia na tumabi na rin sa akin. I just snorted. "Maiba tayo. Nakita mo ba yung ahente ng St. Peter?" Taka naman akong napatingin dito. "Sinong ahente ng St. Peter ang pinagsasabi mo? May topak ‘to oh." Alam kong ang tinutukoy nya ay si Agent July. Kumibit balikat lang naman ito habang pinalo naman sya ni Haruka sa braso. "Wag mong matawag tawag na ahente ng St. Peter si July Baby ha. Inggit lang ‘to eh kasi kamukha ni Angelina Jolie si July Baby." Nakangusong sabi ni Haruka at hinimas naman ni Sofia ang braso which is wincing right now dahil marahil sa malakas na pagkakapalo ni Haruka dito. "Whoa?! Angelina Jolie? Kamukha nya si Angelina Jolie?" tanong ko. "Exaggerated lang tong si Haruring, Nat. Wag kang maniwala dyan. Hipon yun." Sabad naman ni Sofia. "Bitter ‘to oh." Baling ni Haruka kay Sofia tsaka tumingin sa akin. "Totoo ang sinasabi ko, Nat. Walang panama si Rizal mo kay July Baby ko." Confident na sabi nya. "Nakuu... selos lang ‘to eh." Dagdag pa nya na piningot ang tenga ni Sofia. "Aray naman!" narinig kong sigaw ni Sofia at maya-maya nga'y nag-aaway na yung dalawa kung sinong nagsasabi ng totoo. Pero ako'y mas naniwala kay Haruka sa kadahilanang nagseselos lang naman talaga si Sofia kaya panay ang sira nya kay July. Wow, kamukha nya si Angelina Jolie? Wow lang. Ehh crush ko yung actress na yun eh. Yay! Mas naexcite tuloy akong makita ito. Nag-zoned out na ako at hinayaan ang dalawang puro manhid na magbangayan sa isa't isa. +++ JULY At WH gate... 11:00 P.M. "Ate, buti naman nakabalik ka na." salubong sa akin ni Rizal. "Oh bakit narito ka? 'di ba sabi ko sayong bantayan mo yung anak ng president?" takang tanong ko dito na lumabas sa passenger side ng kotse. "Eh bantay sarado naman yun, ate. Tsaka mas nakakatakot pala sya kaysa kay Chief kung makaasta ate, parang tigre at sobrang sungit." Sumbong ni Rizal. Uh-oh. Sa unang araw pa lang ng sub nya sa akin nakatikim agad sya ng kabitchihan ng babaeng yun? ‘Hindi sya b***h! Mate natin sya! Epal ni wolf.’ Hindi ko na lang muna ito pinansin. "Bakit mo naman nasabi yun?" Tanong ni Jacqui na lumabas naman sa drivers side. Magkasama kami sa mission kanina at hinatid nya ako dito sa WH. "Hi, Jacqui ko." Hindi naman nakasagot si Rizal dahil bumati pa sa pinagpapantasyahang bestfriend ko.  Hindi naman lingid sa amin ang malaking pagkagusto ng kapatid ko dito. Hindi ko lang alam sa side ni Jacqui kung mutual ba sila ng kapatid ko. We haven't talk about it yet at wala naman syang naopen sa akin. Ayaw ko namang manghimasok kahit pa nga sabihing matalik kaming magkaibigan. "Hello, Riz." Casual na ganting bati nito. "So what happened?" tanong nito na 'di umaalis sa drivers side at pinatong lang ang isang kamay sa taas ng kotse. Ako naman ay nasa gilid ni Rizal. Bumuntong hininga muna ang kapatid ko bago nagsalita. "Maganda naman yung anak ni President Jaime tsaka ang bait nga nung pinakilala kami kaso hindi ko alam kung bakit nagsinuplada na nung nabanggit kong famous na sya sa online world. Tapos grabe ate, yung mga maids at guards sinisigawan nya lang tapos walang magawa si President. Ang b***h talaga, ate." Parang batang sumbong ni Rizal sa akin. Napatingin naman ako kay Jacqui. "Good luck na lang sa'yo, best." She mockingly said. "Wow ang supportive." Nagmake face na sabi ko. ‘Kaya natin yun. Pagmamemate na natin sya, 'di na magiging b***h yun.’ Sabad naman ni Wolf. "Tumigil ka nga." Inis na sabi ko dito. "Inaaway ka naman ba ni wolf mo?" natatawang tanong ni Jac.  Wala pa akong nasabihan kahit na sino about sa gustong mangyari ni Wolf. Gustong-gusto nya talagang i-mate yung b***h na yun but as long as I'm in control, 'di ko papayagan ang gusto nya. Kahit pa nga ang ganda din nung babaeng yun. Ngumuso lang ako kay Jacqui tsaka ko hinarap si Rizal. "Hindi ba umalis si Nat?" tanong ko dito.  Hindi ko alam pero the way her name came out from my mouth ay parang nakasanayan ko ng gawin sa buong buhay ko. Yaaaa! Delikado ‘to. "Oo, ate. Ang bait nga eh. 'di gumimik ngayon tsaka maagang pinauwi yung mga kaibigan nya." Sagot naman nito. Narelief naman ako dahil wala pala muna akong ide-deal na bitchiness ng babae ngayon. "Sige. Ako na dito, Riz. Salamat sa pagproxy ha. Email mo na lang sa akin ang mga naobserbahan mo ha. Maghihintay ako within 1 hour." Sabi ko naman dito at niyakap ito. "Salamat, baby boy." "Walang anuman, ate." Nakangiting sabi na nya sa akin. "Makikisakay na ako kay Jacqui ko, ate. Wala akong dalang ride eh." Sabi nyang mabilis pa sa hangin na pumunta sa Passenger seat at kampanteng naupo na doon habang pacute na nakatingin sa gawi ni Jacqui. "Tss." Narinig kong sabi ni Jacqui. "Bye, best." Sabi nya at nagflying kiss na lang sa akin at sumakay na sa kotse nito. "Ingatan mo kapatid ko!" pahabol na habilin ko pero ang totoo sya ang mag-iingat sa kapatid ko dahil alam kong kukulitin na naman sya nito ng sobra.  Ewan ko nga ba kung bakit patay na patay si Rizal sa bestfirend ko. Sabagay, bagay naman sila kung saka-sakali. Tsaka okay na rin sa akin kung magiging sister-in-law ko yung bruhang bestfriend kong yun. Nag-stay muna ako sa gate kung saan nakikita ako ng scanner na CCTV. Isang minuto pa bago bumukas ng kusa ang bakal na electric door na may taas na 12 feet at haba na 10 feet. Kung titignan sa labas ay isang ordinary lang itong gate but actually it was deadly kung magbebreak-in ka. Walang natalagang guards sa main gate dahil automatic ang M-16 na loaded sa iba't ibang parte ng gate na yun kung may mga intruder na papasok or 'di makikilala ng CCTV scanner. Tsaka meron ding snipers na nakatago lang sa paligid in case makatakas o makaiwas ang intruder sa M-16's. Wala ngang guards na sisita sa'yo pero deads naman agad ang himlay mo pagpumasok ka sa WH ng walang pahintulot. As for the supernaturals naman na magbebreak-in, may panlaban na iba namang army si President sa mga ito. Mahigpit ang security dito sa WH at sobrang maingat si President kaya hanggang ngayon nga'y nasa pwesto pa rin ito. Naglakad na ako papunta sa WH at medyo malayo pa yung lalakarin ko kaya naman gamit ng wolf speed ko, I fleeted at the main door in seconds. Pinagbuksan naman ako ni Kakay with a wide smile in her face na ginantihan ko rin naman ng ngiti. Tumalikod na akong pumunta sa kwarto ko dahil gabi na rin at kailangan ko ng magpahinga dahil napagod ako sa mission namin kanina ni Jacqui sa pagtulis ng mga walang pusong mga bampira when Kakay handed me something. "Spare mo pala sa uniform, agent." Abot nya sa akin ng maids uniform. Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o magmamaktol pero pinili ko na lang yung una. Nice naman kasi ako eh. Pinaalala ko na naman sa sarili kong mission ‘tong gagawin ko. Hayyy... "Salamat." Maikling sagot ko tsaka pumanhik na sa taas pero dumaan muna ako sa kwarto ni Natalia at matapos kong mapakiramdamang naroon nga ito at mahimbing na natutulog na'y pumasok na rin ako sa kwartong katabi lang ng kwarto nito. +++ Kinabukasan... 6:30 A.M. Hindi ako nakatulog ng maayos pero maaga pa rin akong nagising. Eh paano ba namang makakatulog ako ng maayos eh si wolf lagi akong dinidisturbo dahil gusto nyang makita si Natalia. Pasaway talaga ‘tong wolf na ‘to. Hindi ko ito pinagbigyan kaya hayun hindi rin ako pinatulog dahil inaway ako buong gabi. Nakakita na ba kayo ng nilalang na nagwre-wrestling sa sarili? Imagine me like that at alam nyo ang naging lagay ko sa piling ni wolf. Gusto nya kasing lumabas but I wouldn't let her dahil malaking problema yun pag may nakakita sa amin sa WH. Pinagsusuot nga ako ng maids suit para 'di ako makilalang agent tapos bigla-bigla na lang itong magdedemand na lalabas. Hayyy naku, naspoil ko rin ‘tong wolf na ‘to eh kaya ganun ganun na lang umasta. Kaya naman lulugo-lugo akong dumiretso sa kitchen at naghanda ng matapang na kape para pampagising sa diwa ko. Kailangan ko kasing maging more cautious sa paligid dahil according sa report ni Rizal kagabi na kanina ko lang nabasa'y may naamoy syang bampira sa WH. Suot-suot ang maid suit na nagtimpla ako ng kape. Naabutan ko si Kakay sa kitchen na biglang umalis rin dahil kinailangan daw sya ng president. Hindi ko alam kung tama ba ang sinabi ni Rizal na may iba pang mga kasambahay dito dahil so far, si Kakay pa lang ang nakikilala ko. Nasa kalagitnaan ako ng paghigop ng kape ng biglang sumigaw si wolf sa loob ko. ‘Vampire alert! Vampire alert!’ Naging alerto naman ako at ginamit ang pang-amoy ko. Oo nga, nakaamoy ako ng bampira sa malapit. Maingat kong nilapag ang tasa ko sa counter tsaka hinay-hinay na lumabas ng kitchen. Tantya ko sa amoy ng vamp na naamoy ko ngayon ay nasa malapit lang ito. Agad naman akong napahawak sa silver dagger na nakasakbit sa legs ko. Natatakpan ito ng uniform na taga-hita rin. Hinanda ko na ito para sa tangkang pagsalakay. ‘The vamp is on the door side!’ Babala ni wolf. Yes, I can smell them. Hinay-hinay akong pumunta sa open space na door frame ng kitchen at akmang susugurin ang vampire ng matigilan ako ng makilala ko ito. Nanlaki ang mga matang napatingin ito sa akin at sa dagger na ngayon nga ay hawak-hawak ko at plano na ngang isasaksak ko sana sa vamp. "What the hell are you doing?!" tanong nyang ang expression nito'y 'di ko mabasa pero bakas ang sungit at takot sa boses nito. Natigilan naman ako at hindi makapagsalita. Nawala na yung amoy ng bampira. "M-may daga po kasi, Ma'am Nat." I reasoned. I'm not sure if she'll buy it. ‘Nyaaa!!! Lame!!!’ Sigaw ni wolf tsaka ako pinagtawanan. Walanghiyang wolf! Deads ako. Super deads. Nyaaaa!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD