NATALIA
ANONG drama ng kasambahay namin at ayaw humarap sa akin?
May stiff neck ba ito? O natakot sa akin kaya ayaw humarap?
Hindi ko na lang pinansin at bumalik na sa kwartong naghahumming pa rin dahil walang makakapagbad vibes sa akin sa oras na yun. Ang saya ko kaya dahil lakwatsa mode na naman kami ng mga super gal friends ko.
Ang sarap maging anak ng presidente. Woohoo!
Good vibes na good vibes talaga ako kaya 'di ko na binulyawan yung kasambahay kanina basta ihatid nya lang yung pagkain at solved na ako dun.
Malapad ang ngiting bumalik na ako sa kwarto na naratnan kong busy sa paglalappy si Sofia samantalang busy naman sa pakikipaglampungan sa cell phone ang malanding Haruka.
"Uhh tonight? I don't know baby boy... yeee ekew telege. Ef course ye cen ceme ever tenight." Malanding kausap nya sa phone. Samantalang si Sofia, sambakol na ang mukha at parang masisira na yung keys ng lappy ko dahil sa malakas na pagtipa nito.
Hinayaan ko na lang ang malanding Haruka sa ginagawa habang pabaling baling pa sa paghiga sa kama ko. Kumportableng kumportable ang bruha sa pagkakahiga habang nakatelebabad.
Lumapit ako sa nakabusangot na si Sofia.
"Hoy, hindi typewriter ang ginagamit mo Piyaya kaya ayusin mo pagtipa dyan. Kahapon ko lang binili yang lappy na yan. Tsaka anong problema mo?" sabi ko dito na umupo na sa tabi nya at tinignan ang ginagawa.
Hindi ito sumagot. Instead mas sumama pa ang mukha habang malanding tumawa ang Haruka sa 'di kalayuan. Parang nakalimutan ata nitong narito rin kami sa kwarto ko.
Napailing-iling na lang akong tumingin na rin sa ginagawa ng simangot ang mukhang si Sofia.
I was just watching at the screen habang panay pa rin ang booking ni Sofia sa mga lugar na sinabi kong gusto kong puntahan.
"Err... Nat bakit kailangan sa Mindanao pa yung first stop natin? Eh 'di ba delikado dun?" tanong ni Sofia na lumingon sa akin.
"Delikado? Ano ka ba. Takot lang nung mga rebelde kay Dad." Sabi ko dito na pinindot yung reserve button. "Tsaka may mga guards naman tayo. Matinik pa sa alas singko yung mga guards na yun." Confident na dagdag ko.
So far kasi hindi pa naman pumalpak ang mga guards na na-assign sa akin ni Daddy. Kahit nga minsan tinatakasan ko ang mga ito'y parang si Terminator kung makabantay ang mga ito.
"Ilang weeks ba talaga tayo dun?" tanong na naman nya tsaka tumabi ng sandali dahil inagawan ko ito sa ginagawa. Ang tagal kasing gawin yung iniuutos ko.
"Depende sa mga pangyayari. Mauuna tayo dun sa Iligan at CDO. Gusto kong puntahan ang Maria Christina tsaka Tinago eh. Tapos land travel na lang tayo ikot sa Bukidnon tapos sa Enchanted River, Dahican Beaches nang makapagsurf naman kayo. Hilig yun ni Haruka eh. 'di ba, Har?" tanong ko sa malandi na ngumiti lang sa akin at parang 'di naman ako naintindihan dahil nakatelebabad pa rin.
"Landi talaga." Narinig kong sabi ni Sofia. I shook my head na napangiti na lang. Alam ko namang nagpupuyos na ito sa galit.
Hindi ako manhid para hindi maramdaman ang tunay na feelings ni Sofia kay Haruka. ‘Tong si Haruka lang naman ang manhid. Ewan ko. Pareho-pareho lang naman kaming mga BI eh pero kung si Sofia tatanungin mo sa s****l orientation nya, sya daw ay isang pansexual.
Hindi ko na lang ito pinansin. Patuloy ako sa pagdada kung saan kami pupunta.
"Tapos sa Samal, oo dito tapos punta tayo sa Lake Sebu tapos..."
"Teka ang hilig mo sa dagat eh 'di ba 'di ka pwede dun?" putol ni Sofia sa sinasabi ko.
Nakatuon pa rin sa screen ang mukha ko habang browse ako ng browse sa pwede pa naming puntahan.
"Eh view lang naman titingnan ko dun. Tsaka magpapabuhat ako sa guard if may mga dagat na tatawirin. Dating gawi, Piyaya. Wag kang mag-alala, takot ko lang sa allergy kong umaappear dun no." sabi ko.
Oo, may allergy ako sa tubig alat. Hindi ko alam kung bakit pero natatandaan ko nung bata ako na sobrang naghysterical ako isang araw na pinilit kong pumunta sa dagat dahil nga ever since hindi ako pinayagan ng mga parents ko na makatapak man lang doon.
Kaya ayun I sneaked out tapos pumunta talaga sa dagat tapos laking gulat ko na lang ng pumula yung mga paa ko at may lumabas na kaliskis. Natakot talaga ako nun kaya naman sinumpa kong hindi ko na uulitin yun. Nag-stay rin ako sa kwarto ng matagal dahil nagkaphobia na akong lumabas. Pero katagalan narealize ko sa tubig dagat pala yun na naallergy ako.
Kaya simula nun, I promised myself na hindi na makakatikim ng tuntong ang katawan at paa ko sa tubig dagat. Pero bakit ngayon puro dagat ang trip ko? Kasi naman ang ganda rin ng view tsaka may mga waterproof gears na rin akong pangdepensa if ever makakatuntong ako sa tubig dagat. Hi-tech na tayo. Wag ng magpakashunga.
"Tsaka hindi natin i-mimiss tong hiking sa Mount Apo girls ha. Excited na ako dito." Kausap ko sa dalawa. Tumango lang si Sofia.
"Eeh? Hiking? Nakakapagod naman." Maarteng sabi ni Haruka na tapos na pala magtelebabad.
Ito lang naman ang maarte sa aming tatlo. Kami ni Piyaya'y game on sa party man o sa mga adventures.
"Tumigil ka nga, Haruring. Eh 'di magpabuhat ka sa guards. Problema ba yun?" sabi ko dito na tinignan ito.
Bigla naman itong napabalikwas at excited na parang kumikinang pa ang mga mata.
"Good idea!" she squealed. "Magpapabuhat ako kay July baby." Kinikilig na sabi nya.
Salubong ang kilay na nakatingin ako sa kanya.
Who's that effing July?
"Psh." Sofia retorted at nag-crossed arm.
Magtatanong pa sana ako ng may kumatok.
"Ako na." sabi ni Sofia at tumayo para pagbuksan ang pinto.
Nakita kong si Kakay ang pumasok at may dala-dalang pagkain. Nagtaka akong nakatingin dito. Hinahanap ko yung matangkad na kasambahay kaninang nakita ko sa kitchen.
"Ito na po pagkain nyo, ma'am." Sabi ni Kakay na pinatong sa bakanteng mesa ang mga pagkain.
"Ikaw lang mag-isa, Kay?" tanong ko dito. Yung kilay ko, salubong. Hindi ako pwedeng magkamali na hindi si Kakay ang inutusan ko para magdala ng pagkain dito. Matangkad yung kasambahay na inutusan ko kanina.
"Opo, ma'am." Maikling sagot nito. "Alis na po ba ako? Wala na po ba kayong kailangan?"
Okay. Ano bang ineexpect ko?
"Okay. Pwede na." sabi kong tinuon na lang ulit sa laptop ang pansin.
"Ano? Aakyat tayo dyan?!" eksaheradang sabi ni Haruka na itinuro ang screen ng majestic
Mount Apo. Atat na nga akong pumunta sa lugar na yun kahit sabi ng ibang taga dito sa amin na delikado dun pero I don't care kasi gusto ko talagang maexplore doon.
And as the daughter of the president, dapat ako mismo ang nangunguna sa pag-aadvertise ng mga magagandang views dito sa Freelipinas. Paano na lang yung slogan na, It’s more fun in the Freelipinas kung hindi ako mismo ang makakajustify, 'di ba? *wiggle brows*
"Yes, Haruring. Wag kang mag-alala, may guards naman na handang magbuhat sa’yo. Tsaka bababa tayo sa resort na ‘to kaya bawi rin, 'di ba?" tsaka pinakita ko sa kanya yung Lake sa paananan ng bundok.
"Ayy wagi. Guards? Ayy, kay agent July ako magpapakarga. Akyat na tayo!" Excited na sabi nya.
"Agent July?" takang tanong ko. Kanina pa kasi nya binabanggit ang pangalan na yun. Tsaka parang babae ang tinutukoy nya ha.
"Psh." Sofia hissed. Again.
"Bagong lady guard mo, ma'am Nat." sagot ni Kakay na hindi pa pala nakakalabas. "Ayp, nadulas ako." Sabi nya ng tumingin ako sa gawi nya at tinakpan pa ang bibig pagkatapos magsalita.
"Lady guard? Bago? Na naman?" I retorted.
Bakit hindi ko alam ‘to? Dad didn't inform me about this. Dadagdagan nya na naman guards ko? At babae pa ha. Eh anong kayang gawin ng isang babaeng guard? Tss.
"Yes, girl. Kaya kung ayaw mo si Agent July girl, ibigay mo na lang sa akin. I'll be willing to accept that sexy'ng guard na yun with arms wide open." Sabi ng malanding Haruka na napakagat pa sa labi na parang nagday dream.
‘Sexy? Oh interesting.’ I mentally grin. Kung sinabing sexy ni Haruka, that guard is definitely sexy.
"Landi." Bulong ni Sofia.
"Ansabe mo?" Haruka snapped her head to Sofia.
"Wala." Sabi ni Sofia na kumuha ng sandwich at pinapak.
Hindi ko na pinansin ang dalawa.
"Kakay, bakit 'di ito sinabi ni Dad sa akin?" kastigo ko sa kasambahay.
"Ayy ano, ma'am Nat... ano kasi si—uhm si President na lang po tanungin nyo. Sige po alis na po ako. Babye po." Sabi nitong mabilis pa sa cheetah na nakalabas ng kwarto ko.
Ayy, bastos na kasambahay. Nagtatanong pa ako eh tapos 'di ako sinagot. Tsk!
"Baka naman hipon yun." Sabi ko kay Haruka sabay tayo. I'll ask Dad kung bakit kailangan pa nyang maghire ng isa na namang guard at babae pa.
"Naku Piyaya, sabihin mo nga dito kay Natalia na hindi hipon si July Baby." Sabi ni Haruka na kumuha na rin ng pagkain sa mesa. Hindi naman nagsalita si Sofia at umismid lang. Nagkunwari na namang busy sa harap ng laptop.
Haruka ate a one rice roll at nilulon muna bago nagsalita ulit.
"Nat, hindi sya hipon, I tell you. You know when I said she's beautiful, she definitely is, right?" sabi nya. Tumango naman ako. Totoo naman kasi ang sinasabi nito.
Haruka's very particular in the face and body structure of a person. Kahit pa pinakashunga pa yan na nilalang basta gwapo, maganda, sexy, macho at katakam –takam physically eh, walang pinapatos sa landi nito.
"And she's not only beautiful, Nat." dagdag pa nya as she poured out the wine in her glass at uminom muna bago nagsalita ulit. "She's hot, as in scorching... hawt." Kagat labi pang sabi nito.
"Okay, that's it. I need to see this girl." Sabi ko naman na pumunta na sa pintuan at lumabas na kasabay ng pagrinig ko ng halakhak ni Haruka.
She knew she got me there. Kung malandi naman kasi yung kaibigan kong yun, aba'y mas malandi pa ako kaysa sa kanya. Tsaka kung HAWT naman talaga yung agent na yun, aba't 'di mas lalo akong mag-eenjoy sa paglalakwatsa dahil kasama ko ito.
Lakad takbo akong pumunta sa office ni Dad na nakasalubong ko pa ang mga guards ko na bubuntot na naman sa akin pero mwinestrahan ko silang wag ng sumunod at natigil na lang ang mga ito sa sulok.
May apat akong guards, actually. They were tall and well built pero sa paningin ko para lang silang mga robot. Mga utusan. Mga alalay. Mga tsimimoy. But why am I acting weird to this new lady guard?
‘Curious lang ako, that's why.’ Sagot naman ng isipan ko. Yep! Tama! Curious lang talaga ako.
Umabot ako sa office ni Dad na dinaanan lang si Jessa na secretary ni Dad at 'di kumatok na pumasok lang sa loob ng office nito. Pinigilan pa ako ni Jessa but she knew she can't stop me kaya wala na rin itong nagawa.
Naabutan ko si Dad na nakayuko sa desk at maraming papeles ang nakatambak sa mesa. Ang ilan ay nasa mga kamay nya at binabasa ito.
"Dad." Pukaw ko sa atensyon nya. Alam kong ramdam na nyang nasa office nya ako dahil nasa harapan na nya ako mismo.
"Yes, Iha?" tanong nyang 'di man lang tumingin sa akin.
Umaandar na naman ang pagkasupladita ko sa ginawa niyang yun. Gusto ko kasi nasa akin lang ang buong atensyon nya kaya naman pahablot kong kinuha ang binabasa nya at tinapon sa sahig.
"What the---" he said pero 'di na nito tinuloy ang sasabihin ng pulutin ko ang papeles at akmang pupunitin.
"What were you going to say, Dad? Are you gonna curse in front of your one and precious daughter? And let her uncorrupt ear hear your cussing? Are you gonna do that Dad? Huh?" pagpapaguilty ko sa kanya.
I saw him flash an angry look pero agad namang nawala dahil pinunit ko ng kaunti ang papel.
"Natalia, that's too much! Don't do that!" mahinang sabi nya pero mariin.
"That's what you get when I'm talking to you and you're not giving me your full attention!" I punned.
"Fine. Fine. I'm sorry, Iha. Just give me that papers dahil napakaimportante nyan." He said in a calmer tone pero halatang he was pissed off.
Patapon ko namang binalik sa mesa nya ang mga papel at tumayo sa harapan nya na nakacrossed arm. Nagkumahog naman ito sa pag-aarrange sa papel.
"Ano bang kailangan mo?" halatang irritable si Daddy pero mas irritable ako dahil 'di na naman ito nakatingin sa akin.
"Look at me, Dad. Gusto mo bang itapon ko ulit ang mga papeles na ‘to?" banta ko na hinawakan ang mga papel sa mesa nya.
"Wag!" pigil naman nya sa akin na napabuntong hininga ng malalim bago tumingin sa gawi ko. "Anak naman, please, kung anong kailangan mo sabihin mo na." he said. Kitang kita sa mga mata nya na he look so troubled kahit pa nga kalmado na ang boses nito.
Hindi ko na inusyuso kung ano man ang problema nya dahil alam kong tungkol na naman ‘to sa bansang ‘to. As usual, mas priority naman nya ang pagiging ama ng bansang ‘to kaysa ang pagiging ama sa akin.
"Did you hired another guard for me?" tanong ko dito na nakataas ang kilay.
"Yes." Maikling sagot nya. He sounded defeated. He was looking at me but he was also glancing at the papers I almost ripped a while ago.
"Why?"
"For your safety."
"Is that all, Dad? Dadagdagan mo ang guards ko for that same reason? Wala ka bang tiwala kay Piolo, Sam, Derek at Zanjoe, Dad?" Totoo, yan ang pangalan ng apat kong guards. "Ang lalaking bulas ng mga yun at tsaka daig pa si Arnold Schwarzenegger kung magbantay ah. “Naliliitan ka pa ba sa kanila?"
"Hindi naman sa ganun, iha. Iba naman tong lady guard mo. Except sa babae sya, ayaw mo nun atleast hindi ka na mabobored na puro na lang lahat lalake ang guards mo." He said still eyeing the papers on his front.
"Yeah right." Sabi kong 'di naniniwala.
"She's different, iha. Trust me. Based on her records mas magaling pa sya compare sa apat na guards mo in terms of physical fighting. She has a lot of skills and a sharpshooter. Kaya kung ako sa'yo maging mabait ka dun dahil hindi kikyemeng patamaan ka sa sintido nun." He said na halatang nagbibiro but I didn't buy it.
"How can you say that? At papayagan mo namang barilin nya ako? How could you?" inis na sabi ko. I can't believe Dad had just said that.
"That was a joke, iha. Ikaw naman." He said na lumapit na sa akin at inakbayan ako. "So how's the tour around the country goes? Hmm?"
Sa narinig, biglang naiba ang mood ko. Syempre excited na ako sa tour naming ito kaya naman na-good vibes na naman ako.
Kwinento ko sa kanya kung saan kami pupunta and he was just wide eyed looking at me.Wag kayong magulat sa change of moods ko. I think bipolar ako eh. But who cares? Walang basagan ng trip.
"M-mindanao? B-bakit dun?" gulat na sabi nya.
"My four guards are there to keep us safe and besides that lady guard you just hired, you said, was really good so wala kang dapat ipag-alala, Dad." Sabi ko naman sa kanya. In lambing mode na, eh baka may maisip naman itong iba at masira pa ang plano ko sa change of mind nya.
Tahimik muna itong napaisip bago tumingin uli sa akin. Nakaakbay pa rin ito sa akin and I was on my puppy eyes watching at him with my cutest smile.
"Okay but... but almost of the places you have chosen for that tour, eh puro may mga dagat. I'm just concerned about your allergies. How about Europe tour na lang kaya?"
"Daddy no... Sawang sawa na ako sa Europe, America and other foreign places. This time I want to explore around here. Biruin mo, I'm twenty one and ang napuntahan ko lang pala sa Freelipinas ay within this City lang. So I realized why not go around the places around here and Dad..." sabi kong hinarap ito at hinawakan ang magkabilang kamay.
"Makakatulong ‘to sa reputation mo dahil ako na mismo ang gagawa ng advertisements sa mga tourist spots dito sa Freelipinas. Oh 'di ba, It's more fun in the Freelipinas!" sabi ko with a wide grin.
"Okay, anak." He said pinching my cheeks. Halatang convinced na ito. Pero kung hindi naman, wala syang magagawa dahil kailangan nyang payagan ang every decision ko. "Whatever you say basta mag-iingat ka ha. Remember your allergies. Okay?" he added na bakas ang pag-aalala sa mukha nito.
"Yes, Daddy, I will." Sabi kong yumakap dito. Kahit naman napakamaldita ko sa ama ko'y mahal na mahal ko pa rin ito. Ito na lang kaya ang natitirang pamilya sa akin.
"So can I meet this Agent July, Dad?" sabi ko sa kanya ng kumalas na ako dito.
"Uhh Agent Mercado's not here yet, anak. She was here a while ago but I'll introduce you to her kung babalik siguro sya maya-maya. May inasikaso lang daw kasi sa ahensya nila." Sabi ni Dad.
Tumango naman ako in understanding. I don't know but I'm feeling dismayed na hindi ko muna ito makikilala but why should I be? Hindi ko nga alam pero sayang talaga. Tumamlay ako bigla.
‘Hmm... curious lang talaga ha?’ Oo nga curious lang! ‘To talagang si brain.
Narinig kong may kumatok sa pintuan.
"Come in!" sabi ni Dad at iniluwa naman ang secretaryang si Jessa.
"Mr. President, may bisita po kayo." Jessa said glancing at me and I just wink at her at nakita kong namumula itong binaling ang tingin sa ama ko. I smirked at her bearing.
"Sino, Jes?" tanong naman ni Dad.
Jessa was also beautiful and sexy na secretary. Nerdy ang trip ng secretary ni Dad. Nakasuot kasi ito ng reading glasses instead of contacts pero bagay naman dito and that makes her look sexier.
The real score between Jessa and me?
S-E-C-R-E-T! *grin*
"Si Agent Mercado po." Sabi ni Jessa.
Yung feeling na parang lumundag yung puso mo dahil sa excitement sa pagkarinig mo pa lang ng pangalan nya? Ayeee... ano bang nangyayari sa akin?
"Papasukin mo, Jes." Daddy commanded.
Tumango naman ang secretary at nilakihan ang pagkakabukas sa pinto. Ako naman ay napaglue na ang mga mata sa pintuan.
With so much excitement at sobrang kabog ng dibdib ko na hindi ko maintindihan kung bakit, hinintay kong makapasok ang gustong gusto ko ng mameet na ladyguard ko.
‘July…’ kusang sabi ng isipan ko.
At pumasok na nga ang ahente.