JULY
"WELCOME to the White House, Agent Mercado." bati sa akin ng Presidente. Kinamayan ko ito at nginitian. He did the same.
We are currently in the receiving area/living room of White House. Guards who are wearing white barongs are all over the corners na parang mga estatwa na nakatayo.
Napalingo-lingo ako at lihim na ngumiti. Typical bodyguards kasi masyado ang mga ito. Sobrang halata.
"Pleased to meet you in person, Mr. President."
"Pleasure is mine, Agent. Ang laki ng tulong nyo sa amin kaya nagagalak talaga akong makilala ang isa sa mga ahente na ipinagmamalaki ng Valiente." he said with a pleased smile.
Ngumiti lang ako at tumango. Nakakataba ng puso ang sinabi nito pero sanay na ako sa mga ganung papuri kaya normal na sa akin yun.
"Upo ka, Agent Mercado." sabi ng Presidente sa akin.
"You can call me July, Mr. President. Masyado pong obvious yung agent eh." I said na nakangiti pa rin at umupo sa tinuro nitong upuan.
"Super humble talaga ang mga kauri ni Emil." he was talking about my grandpa na kaibigan nya. Umupo rin ito. "Tsaka pinaglihi ka ata ng Mama mo sa artista, iha. Manang mana ka sa tikas at kagandahan ng pamilya nyo. At may kamukha kang artista. Sino nga ba yun? Si uhhh si... Angelina Jo--- Jo---"
Mas lumapad ang ngiti ko sa sinabi nito. Hohoho. Nagsasabi lang po ng totoo ang Presidente. Hindi po sya nagsisinungaling.
"Angelina Jolie po." malapad ang ngiting sabi ko. Marami na rin ang nagsabi sa akin ng ganyan kaya sobrang saya ko dahil idol ko rin naman si Mrs. Angelina Jolie -Pitt. Na pinaglihian ng mama ko ng nagdadalang tao ito sa akin.
"Ah yes yes... Tama ka iha, Angelina Jolie. Nakuu... ang dami sigurong lalaking nagkukumahog sa’yo." gusto kong matawa sa sinabi nito. Yes, boys are so much hitting on me pero...
"Ahh... lesbian po ako eh." I said with a straight face.
Natigilan naman ito at parang hindi makapaniwala. Then he smiled with an unsured look.
"Ahh that.. That would be no problem, iha. It's your prerogative anyway. And uhh anyway, ikaw na ang isa sa mga pinakamagandang lesbianang nakilala ko."
Haha! His face. It was priceless. Pero sana'y na ako sa mga taong nanghihinayang pag nalaman ang totoong sexuality ko. If bothered sila ron, ako hindi. I'm out and proud. Ang mahalaga tanggap ako ng pamilya ko.
Ngumiti na lang ako dito.
Katahimikan.
"Anyway, about nga pala sa pakay mo, iha." sa wakas nagsalita na ito.
"Yes po. Am I starting today?" tanong ko dito. Hindi ko maintindihan pero 'di ako mapakali kanina pa. Panay rin ang nakaw ko ng tingin sa sulok dahil asang-asa ang mga mata ko sa gusto kong makita ngayong araw.
‘Excited much? Magkikita na kayo! Imprint! Imprint!’ sigaw ng wolf ko.
‘Tumigil ka. Anong imprint! No way! Yung spoiled na yun? No!’ sabi ko dito then cut her off. Eepal pa sana ang wolf na yun pero wala na itong nagawa kundi tumahimik.
"Yes, iha. Siguro alam mo naman kung anong attitude ng anak ko 'di ba, July? Err... nabasa mo na ba profile nya?" he said, hesitantly. Halatang hawak sa ilong ang Presidente ng anak nya. Tsk. Tsk.
"Yes, sir." maikling sagot ko. Ano pa bang dapat kong sabihin dito eh sa nasa profile na lahat ni Natalia ang information about dito and last night nga lang may trending video na naman ito. Wow talaga, what a b***h.
Nakakainis lang because that spoiled brat was haunting my thoughts ever since I had seen her in the picture at sa resto. Isa pa ‘tong si wolf na pinipilit akong iconsider maging mate ang bruhang yun. Huh! No pwede. Por que she's goddarn beautiful, mate na agad? Mas madami pa naman dyan na may good attitude at manners ang deserving maging Luna ko ah.
Pero kung ganun man sya, si Natalia, hindi uubra sa akin yun. Kahit pa nga kamukha ito ng long time crush kong si Eve Hewson, hindi ko papalampasin ang pagdidisiplina dito. Hindi dapat umakto ng ganun ang mga anak ng Presidente. Totoo nga ang sinabi ni Dad, ito lang ang nakakadumi sa good reputation ng ama.
"Well iha, about din dun sa kasa---"
"Hi tito! Good morning! Saan po si Nat?" nakangiting pasok ng dalawang babae na nakilala kong kasama ni Natalia kahapon sa resto. The girls are also stunning. Kaso nga lang walang manners. Pero okay lang, sexy naman sila.
I can't stop checking them out. Pasensya... pasensya, magagandang babae eh kaya 'di ko kayang palampasin. Bwehehe.
The redhead who greeted at nagtanong sa presidente ay tantya ko'y nasa 5'6" ang height, wearing a strapless top with a skirt na nagrereveal sa creamy white legs nito. She look like a typical rich and happy go lucky girl na medyo madaldal din.
Samantalang ang raven haired girl na katabi nito na maganda rin at kasing tangkad nito ay tahimik lang sa likod ng redhead at nagtatakang nakatingin sa akin. She's also stunning pero she's the silent type. Somewhat I felt she was a good girl na napasama lang sa mga Bad Influence friends.
"Nasa kwarto nya---"
"Oh wow." napansin ako ng redhead at malanding lumapit sa akin. "Who is this gorgeous creature in here, tito?" sabi nito na nilukot lukot pa ng daliri ang ilalim ng pulang buhok at pasexy'ng tumabi sa akin. Sa akin ito nakatingin at hindi sa presidente.
‘Whoa! She's hitting on you. Yummy.’ epal ni wolf.
"I'm July." I said and just throw my seductive smile sa redhead. Kahit kailan talaga ‘tong si wolf. Hehe.
"Call me Haruka but you can call me tonight." she said biting her lower lip.
Napangiti ako ng lihim. Oh wow, kung sweswertehin ka nga naman. If she's flirting with me, well I can play. Tutal she look like effin' Mila Kunis. Grr. Yum! :D
Napansin ko namang nagsalubong ang kilay na nakatingin sa amin ang raven haired girl. There was something off about her pero she's also extremely gorgeous kaya hindi ko ma-point out kung anong problema dito.
Haruka was visibly flirting with me na naeenjoy ko naman. Napapakamot na lang ako sa batok ko. Eh hindi nya nga alam na lesbian ako pero malakas ata gaydar nito kaya naamoy nya ako agad o flirt lang talaga ito?
But either way, my wolf and I are loving it so much. Bumuntong hininga lang ang presidente habang nakatingin sa amin.
"You look like Angelina Jolie, the young version, alam mo ba yun? You're so uhmm hot." si Haruka.
"Thanks. I also have a big crush on Mila Kunis who happens to be as gorgeous and as sexy as you." I said with my seductive tone. Papatalo ba ako? Magaling ako neto. Trust me. Yey!
"Ayee... Nekekeleg nemen.." pacute na sabi nito. Sapul! Sabi ko naman sa inyo eh. One point!
"Haruka, we are going to Nat, remember?" sabad ng raven haired girl.
She looked so pissed. I can really sense something bad different from her. Based on her golden orbs, she's not a normal human. I still can't figure it out.
Sa narinig, biglang napatayo si Haruka but slipping something on my hand as she sensually touch it.
"Call me." she whispered at kumindat bago tumayo at lumapit sa kasama. "Lika na, Sofia." aya nya sa kasama at nakangiting lumilingon lingon pa sa akin habang nakahawak sa isang braso ni Sofia. Kinindatan ko lang ito at nakita kong nagblush ito. Ah-huh.
That Sofia girl was still in furrowed brows. Jealous eh? Hmm...
"Nasa kwarto nya si Nat." pahabol na sigaw ng presidente.
"We know, tito." sigaw naman ni Haruka na mas pinakembot pa ang pwet sa paglakad hanggang sa nawala na sila sa paningin namin.
"Talaga ‘tong si Haruka..." I heard the president said. "Pagpasensyahan mo sya July and also Sofia, mabait naman yung batang yun kaso baka nasa bad mood lang siguro."
Tumango lang ako at ngumiti tsaka pasimpleng nilagay sa back pocket ng skinny jeans ko ang number ni Haruka.
Nawawari ko nang magiging masaya ako sa stay ko dito sa WH (White House). Sarap maging maganda. Hahaha! Palay na ang lumalapit sa manok.
"So about the mission, iha. Yung pagiging kasambahay mo." he said.
Para naman akong natigilan sa sinabi nito. Great! Ano kaya ang gusto nyang mangyari ngayon? Tahimik na lang akong tumango. I keep reminding myself na part ito ng mission ko.
I, Agent July Mercado, ay walang inuurungang misyon. Mission is mission. Ang importante lang naman sa lahat ay marinig ko at masulat sa profile ng client ko ang Mission Complete in red bold mark.
"Front lang naman yun, iha. Kung nandito ka sa bahay you must wear the kasambahay uniform---"
"What?" ano raw? "Whoa! That's unacceptable. Me? Wearing the maids uniform?" waahhh!!! Pagtatawanan na talaga ako ni Jacqui nito.
"Yes July pero pag nasa labas naman, when Nat is outside you can wear clothes of whatever you prefer to." What the hell! Feeling ko ay nalunok ko ang boses ko. Wait... Processing... Tongue? Saan ka na?
"Di ba nasabi yun ni Lio sa'yo, iha?" he was referring to my father. Nakatingin lang ako sa kanya at 'di pa rin makapagsalita.
I shook my head. Eh sa hindi naman talaga. Kahit basahin nyo pa ulit yung chapter 1 para maniwala kayo. My father just told me na magiging kasambahay ako pero wearing the maids uniform? Whoa!
‘Mission is mission, Juls.’ Umeepal na naman si wolf.
‘Tumigil ka. For the love of god, pasusuotin ako ng maid costume! Naririnig mo ba sinasabi mo?’ Angal ko dito.
Tinawanan naman ako nito. Sarap sapakin nito pero wala akong magawa dahil she's literally inside of me. Grr.
"Agent Mercado? Okay ka lang?" narinig kong sabi ni president.
Bigla naman akong natauhan.
‘Mission is mission.’ Narinig kong sabi ng wolf ko.
"Ah sir. Okay lang po. Okay po, I'll accept the kasambahay outfit thing. It's my job and duty to make everything perfectly in its place. I can't compromise the name of our agency, sir." magalang na sabi ko dito.
He was widely smiling. "I know I can count on you, iha. I think magkakasundo talaga tayo."
‘Thank you father-in-law.’
Wolf! Shatap!
Tumawa lang ito. Nakakarami na talaga ang lobong ‘to sa akin. Tsk!
"As I said sir, it's all for the sake of the job." I seriously uttered.
"Thank you, iha. Well, sandali lang." sabi nito at sumenyas sa isang guard. Agad itong lumapit dito. "Tell Kakay, I need her here." tumango ang guard at agad na umalis.
Maya maya lang ay dumating nga si Kakay na kamukha ni Kakay na Comedienne. Mabait naman ang aura nito. She was pleasantly smiling at me. At dahil likas naman akong mabait, gumanti rin ako ng ngiti dito.
"Mr. President, kailangan nyo daw po ako?" Kakay said. Muntik na akong mapabunghalit ng tawa ng pati boses ni Kakay Comedienne ay kapareho rin ng boses nito. Ano sila, kambal? Haha.
I averted my eyes na lang sa mga pictures na nakasabit sa wall. At doon ko lang napansin na nakahanay pala ang mga larawan ng Ex-presidents doon. At sa ibabang mesa ay mga pictures na hindi ko masyadong maaninag dahil medyo maliliit ang frames but there was a big frame with Natalia's pic on it na kung saan napaglue ang tingin ko.
‘Imprint na kasi. Ganda oh. Mate na natin sya!’ That was my wolf again.
‘Baka magsisi ka one of these days pag sya pinili mo?’ I answered her.
‘Nahhh... Mate! Mate!’ Sigaw nito. Wow, naspoiled ko rin yata ang wolf na ‘to. Kung makaasta oh.
"Ahh July?" I heard someone called. Nang lumingon ako, it was the president.
"Po?" nakup, napapadalas yata ang pagzozone out ko ha. Tsk! Tsk!
"These are the uniforms." at inabot sa akin ang unipormeng black at white na suot nga ni Kakay ngayon. Mabigat ang loob na tinanggap ko na ang mga ito.
"Kakay will lead you on where you will stay."
"Okay, sir."
Hindi ko ipapakitang disappointed ako sa nangyayari. I keep reminding myself na mission ko ‘to at wag dapat mag-inarte. Tutal sana'y naman ako sa mga cover mission. Hindi ko ipapahiya ang Valiente ng dahil lang sa pag-iinarte ko.
"Let's go, agent?" the maid said.
Tumayo na ako hawak ang uniform na bigay nya sa akin at ang leather jacket ko.
Nauna itong naglakad at sumunod na lang ako.
First time kong nakapasok sa WH at I can say it was the place na pwede kang manalamin sa sahig dahil sa malinis na pagkakalinis sa marmalled tiled floor.
The interiors are old na magandang tignan sa bagong designs na nagcocompliment dito. Akala ko noon nung sinabi nilang ang White House ay purely white lang talaga ang pinta sa lugar pero as I can see now, hindi ko mapigilang mapahanga sa mga designers nito.
Napadaan kami sa maraming rooms na hindi ko alam kung anong meron ang naroon hanggang sa tumigil na si Kakay sa isang kwarto na nasa kanan.
"Ito ang magiging kwarto mo, agent." sabi nya at binuksan ang silid na iyon.
Hindi na ako nagtaka sa ganda nito dahil inexpect ko na yun at hindi naman naglalayo ang ganda at laki ng silid na yun sa silid ko sa mansion namin.
"Salamat, Kakay." I said with a pleased smile.
The room was plain white na gustong gusto ko naman dahil medyo maselan ako sa kalinisan. Term pa ni Jacqui sa akin eh, neat freak daw ako. Tsaka I love white color. It was plain and simple.
"Walang anuman, agent." nakangiting sabi nito. Ngumiti rin ako dito.
"July na lang, Kay. Tawagin mo na lang akong July." sabi ko with a toothy grin at tumalikod na dito.
I can still sense her kahit pa nga nakatalikod ako. Lumingon ako dito. I was expecting her to go out kanina pagtalikod ko but she was just giddily standing there with a wide smile looking at me. Nagtataka akong nakangiting napatingin dito.
‘Anong problema nya?’ Si wolf.
‘Ewan ko.’ Sagot ko. Kakay was still smiling looking at me.
Isusukat ko na sana ang uniform para malaman kung kasya ito sa akin at mapalitan kung hindi pero ayoko namang maghubad sa harapan nito though confident naman ako sa sexy'ng katawan ko.
"Ahh okay na ako, Kay." I said in a friendly way. Sana magets nya naman ang ibig kong sabihin.
‘Tsupe, chimimay! Privacy! Alis na. Eskerda!’ Sigaw ni wolf. ‘Tong lobong ‘to talaga, kahit kailan. Tsk.
‘Wag kang harsh! Maging mabait ka naman minsan.’ Kastigo ko dito.
‘Hmp!’ Narinig kong angal nito.
Ewan ko ba kung bakit ganyan ang wolf ko. Mabait naman ako at marespeto. Ang lobo ko naman is my opposite. She's so hyper at my anger issues. But I'm still thankful she's my wolf kasi kahit ganyan sya, perfect team pa rin kami. Lalo na sa labanan.
"Ayy oo. Hehe. Sorry Miss July, ang ganda mo kasi. Nagmomodel ka ba? O artista ka? Paautograph naman." parang nagde-daydream na sabi nito.
Ayun naman pala. Yun pala pakay nya. Napangiti tuloy ako sa sinabi nito. Sigurado akong magkakasundo kami nito.
"Hehe. Hindi eh." sagot ko.
"Ayy akala ko artista ka o modelo. Ganda mo naman, te. Tangkad mo pa. Pag nag-artista ka ako number one fan mo, te."
"Haha. Salamat." nakakaaliw naman ito.
Naputol ang usapan na yun dahil tumunog ang phone nito. Sinagot nito ang phone at ako nama'y patuloy na tumingin tingin sa silid.
"Ahh excuse me Miss July, wala na po ba kayong kailangan?" tumingin ako dito as I shook my head, meaning wala na. "Aalis na po sana ako dahil tawag na ako ng prinsesa." as she said the word prinsesa biglang umasim ang mukha nito.
"Prinsesa?" takang tanong ko.
"Opo. Ang spoiled na prinsesa." buntong hiningang sabi nito. "Sige po. Nice meeting you. Miss July. Sana 'di ka mahirapan sa pagbabantay sa spoiled princess." she said at bago pa ako makapagtanong ulit, umalis na ito.
Salubong ang kilay na nagsukat na ako. May idea na ako kung sino ang tinatawag nyang spoiled princess but I still can't believe na kung anong ginandang anghel ng babaeng yun ay super kabaligtaran sa totoong buhay. I don't need more proof para masabi ko ‘to because I heard Natalia's ranting to Kakay when she was calling her kanina with so much demand in her voice.
Panu ko ginawa yun? I'm a wolf, remember? I'm no ordinary human being.
Pagkatapos kong masuot ang maids uniform ay pumunta ako sa malaking kabinet attached with a tall mirror in it.
Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin.
‘Not bad.’ Si wolf. I agree with her. Kibit balikat akong tumango at inayos ang brown hair ko into a bun.
Pagkatapos kong maayos ang buhok ko'y pinasadahan ko muna uli ang aking sarili sa salamin. I still wear my boots and I can say that the woman in the mirror is superbly hot in a maid's uniform.
Hindi ko akalaing babagay pala sa akin ang uniform na ‘to. Kinuha ko ang phone ko and took a picture and send it to Jacqui. Maya maya lang nagreply ito agad saying "hot kasambahay" in her text.
I know she'll say that. She's my best friend anyway. Tsaka no malice guys, Jacqui was straight. Hmm I suppose but no, I will not hit on her. She's my effin' best friend! At bakit naman ako nag-iisip ng ganito?
‘Tama! Bakit ka ba nag-iisip ng ganyan?’ Epal ni wolf.
Hindi ko na lang ito pinansin. Kaunting ayos pa ng sarili ko at lumabas na ako sa silid na yun para magtungo sa kusina because I was so thirsty.
Ang pagkauhaw ko ay nadagdagan ng hindi ko agad nakita kung nasaan ang kusina ng napakalaking WH! Nasaan na ba yun? Err.
Naghanap ako ng guards pero wala na rin ang mga ito sa paligid eh samantalang kani-kanina lang para silang mga tuod na narito.
‘I'm hungry!’ Demand ni wolf. Ayp, o nga pala nakalimutan kong magbreakfast dahil sa pagmamadali kanina.
‘Okay. Kakain na tayo.’ Sabi ko.
‘Sa wakas!’ Sarkastikong sagot nito. Hindi ko na ulit ito pinatulan dahil kasalanan ko rin naman talaga.
Ilang liko pa at nahanap ko rin ang dirty kitchen ng WH. Walang taong naroon kaya minabuti ko na lang hainan ng pagkain ang sarili ko.
I ate the meat on the ref at ilan pang meat products doon dahil ang monster wolf ko ay gutom na gutom na. Hindi naman siguro mamasamain ng presidente ang pagkain ko sa hapag nila dahil bisita naman ako dito at malaki ang tulong na maibibigay ko sa kanila.
Nagpatuloy ako sa pagkain hanggang sa masatisfied ang wolf ko tsaka ako kumuha ng tubig sa ref.
"Hoy, ikaw! Dalhan mo kami ng makakain sa kwarto ko. ASAP!" narinig kong sabi ng nasa likod.
‘My mate!’ Masayang sigaw ni wolf. Naitulos naman ako sa kinatatayuan, not knowing on what to do.
Then narinig ko na lang si heart. *dugdug* *dugdug*
Yay! Heart attack ba 'to?!