"Salamat,” smpleng saad ko kay Sandro matapos niya akong ihatid sa 'min. Hindi ko alam sa sarili ko pero hindi ako makaramdam ng asiwa sa 'kanya kahit na muntikan nang may mangyari sa'ming dalawa. "Anong salamat? Wala ng libre uy! Pero di' muna kita sisingilin...nakahalik naman ako eh." Halakhak nito at nilagay ang kamay sa bulsa ng pantalon. Sumandal ito sa hood ng aking sasakyan at nakangiti habang napapailing na nakatitig sa'kin. "Why are you staring at me like that? Umuwi ka na, malapit nang mag alas dose, baka bumago bigla ‘yang itsura mo at bumalik sa pagiging manyak,” pang aasar ko sa 'kanya at naupo din sa tabi niya. "Cinderello ang peg?" Napahalakhak ako sa estilo ng kanyang pagkakasalita. 'That peg thing. Hindi bagay magsalita ang isang katulad niya ng ganun.

