"Sandro!” Inis nang sigaw ko dahil ang walang hiya nakaprente lamang na umuupo habang nakahalukipkip at nakapikit ang mata. Samantalang ako ay halos lamigin na dito sa kinauupuan ko. "Sandro, ano ba!" Hinampas ko ang braso niya dahil hindi niya ako iniintindi. "What, Angel?" "Nilalamig na ako. Hindi mo ba nakikita?" "Body heat gusto mo?" Napailing ako at tinampal ang kanyang braso. "Hindi ko kaylangan yang body heat mo. I just wanna go home." pagpapakiusap ko sa kanya. Gusto ko nang umuwi dahil baka nag aalala na sina Nanay. Hindi ko naman sila matawagan dahil walang signal sa lugar na ito. Napatingin ako sa labas at napabuntong hininga nang lalong lumakas ang ulan. Maging ang ilaw sa poste ay namatay na. "Were stuck in here, Angel." "Alam ko...you worked in th

