“KUNG, ina mo s’ya, bakit ni minsan hindi ko s’ya nakita sa Hacienda? Kahit larawan, wala,” hindi ko na napigilang mag-tanong. Bukod sa larawan nilang tatlong magkapatid, abstract lamang ang mga naka-display sa dingding ng mansyon. Bumuntong hininga si Senyorito, iyon lang ang naging tugon. “Ayos lang naman k-kung ayaw mong sagutin,” ayos lang kahit ang dami nang namumuong katanungan sa isip ko. “I’m sorry, baby,” tanging nasabi n’ya lamang. Alam kong may kung anu sa pamilya nila. Pero hindi naman ako pwedeng manghimasok, kaya ayos lang, kung hindi n’ya magawang sagutin. Natapos ang isang linggong pagbabakasyon sa ‘min, sa Bicol. Bumalik ako ng Siyudad, pero hindi naman kami nagkasabay ni Alli dahil isang araw matapos n’yang bumisita sa amin, nagkaroon naman ng emergency sa kompany

