"H-hindi t-totoo yan." Pag-Iling ko kahit na hindi niya nakikita. Napahagulhol ako nang hindi bawiin ni King ang kanyang sinabi. Biglang bumukas ang pintuan ng aking silid at iniluwa noon si nanay. Akmang lalapitan niya ako nang bigla na lamang dumilim ang aking paningin. Nang maggising ay bumungad sa ‘kin ang puting kwarto. Hindi na lamang sila Nanay ang kasama ko dahil maging ang mga Del Rio ay nandito rin. “S-si Alli?” Unang naiusal ko, hindi inintindi ang sarili. Umiwas sila ng tingin, walang gustong magtangkang magsalita. Hanggang sa binasag ni Tito Ace ang katahimikan, doon na din tila nabasag ang puso ko. "W-wala na si Alejandro, Hija. H-hindi siya nakaligtas sa aksidente.” Napalingon ako kay Tito Ace. Hindi magawang rumehistro sa isip ko ang sinabi niya.

