Begging For Love 11

1880 Words
Mariemar Ang laki talaga ng pasasalamat ko na hindi ako iniwan nina She at nobyo nitong si Dragen. Minsan naisip ko na sana makatagpo rin ako ng lalaking magiging karamay ko at mauunawaan ang lagay o estado ko sa buhay. Kaninang umaga nga'y bumalik na ang kapatid kong si Paula alam kong kinyi lang din ang naitulog nito. Noong dumating kami ng madaling araw ay pilit ko siyang pinasama pauwi sa mga tiyahin ko upang makapag pahinga muna. Inaasahan ko naman na medyo matagal ang magiging proseso ng pag-transfer kina lola at tatay dahil nga kulang ang pera ko. Hindi naman papayag ang hospital na umalis kami na walang full payments sa bills at talagang nakakalula ang bills nila. Halos sampung oras lang ang binilang ng pamamalagi nina lola at tatay ay talagang lumalagapak na 60k na agad ang bills namin. Hindi ko alam kung saang kamay ng diyos ako kukuha ng pambayad sa bill dito sa hospital. Alam ko naman na for sure ang kay lola ay pagtatapon-tapunan nila Tita at Tito pero ang sa tatay kulang pa ako ng ng fifteen thousands. Inaamin kong hindi ako mapakali ng sobra samu't sari na ang iniisip ko. Advance ako mag isipkahit kailan. Iniisip ko agad na paano pag inilipat na sila ay for sure may downpayment iyon plus yung agarang operasyon pa nila. Ayoko man pero parang konti pa bibigay na ako. Paulit-ulit na lang na pera ang kulang at problema ng buhay kong ito. Kanina ko pa rin hindi nakikita ang kaibigan ko at ang nobyo nito. Siguro ay umuna na at talagang ang laking abala ko na sa kanila mula pa kaninang madaling araw. " Miss, ipinapatawag po kayo ni Dr. Tanyag. Mukhang regarding po sa pag-transfers ng dalawang pasyente niyo." Sabi ng isang nurse sa akin. Magaan naman itong ngumiti kaya pilit akong ngumiti rito. " Makakayanan niyo 'yan Miss. Magaan ang awra ng mukha mo mukhang lagi kang positibo na tao. Hamo' t pasasaan ba'y gagaling na din sila. Oh s'ya paano mauuna na ako sayo." Sa mga huling binitawan na salita ng nurse parang gumaan ang loob ko at parang nabuhayan muli. Nang makalayo na ang nurse mabilis ako gumayak para pumunta sa opisina ng doctor na nakatalaga na tumitingin kina lola at tatay. Sa totoo lang ilan talaga sila pero si Dr. Tanyag ata ang senior sa kanilang lahat kahit bata pa ito sa ibang doktor. Ilang kanto lang naman ang opisina ng doktor mula sa pasilyo na pinanggalingan ko. Bata pa naman ang doktor at may magandang pangangatawan at magandang mukha ika nga total package. Nasa harapan na ako ng pintuan ng Opisana akmang kakatok na ako ng biglang bumukas iyon. Iniluwa noon ang doktor na nagpapatawag sa akin. At hitsura nito ay mukhang pareho kaming nagkagulatan kaya napangiti kami sa isa't isa. " Ms. Martinez akala ko'y hindi ka nakausap ni nurse Annie kaya pupuntahan na sana kita. Anyway, come in and make yourself comfortable." Sabi ng doktor nakita ko ang saya sa mukha. Hindi naman ako tanga para hindi mapona na parang kakaiba ang trato nito sa akin. " Salamat dok! " Maikling sagot ko kay Dr Tanyag. " Anyway, Ms. Martinez upo ka. Look Ms. Martinez Alam mo naman yung about sa paglilipat nasabi ki na rin iyon saiyo at tingin ko maganda talaga dokn sa Manila Med. Oo nga pala inihahanda na rin namin ang papers nila lola mo at tatay para mai-transfer na sila sa Manila Med doon kasi kamj may connection. Don't worry doon mas maganda ang pasilidad at mas maraming espesyalista na mga doktor na titingin sa kanila. Ang sakit nila ay mabilis gumaling once na maoperahan. Don't worry too much hindi bagay sa magandang mukha mo. Mas magandang naka ngiti ka palagi. " Hindi ko maiwasan na mamula at magtaas ng kilay ang doktor dahil sa mga binitawang salita sa akin. Mahusay na ngang doktor mahusay pang mang mambola. " Hindi bola 'yun Mariemar! Sorry sa first name basis. Mas gusto kong tawagin ang pangalan mo bagay na bagay kasi sayo. " sunod na sabi pa ng doktor waring nababasa ang iniisip ko. At teka bilis niya first name basis na.. Medyo nagtagal pa ako doon ang pangalan pala ni Dr. Tanyag ay Anthony. Sabi rin niya first name basis na lang total hindi naman na pasyente nag lola lo at tatay dito. Para hindi na humaba ang usapan ay sumang-ayon na rin ako. Pabalik na ako nang maiisip na paano na process ang paper's e, kulang pa kami ng bayad? Nasa ganun akong pag-iisip ng may tumawag sa akin boses ni She. Akala ko pa naman ay nakauwi na sila. " Bes, Saan ka ba nagpunta? Kanina pa kita hinahanap. Tara mag ayos na tayo ng gamit nina tatay at lola. Mamaya daw ay ililipat na sila. Syempre sasamahan kita este namin ayaw bumitaw ng tuko e." si She na parang hingal pa siya mukhang hinahanap nga ako kanina pa. " Ah Bes, kasi pinatawag ako ni Dr. Tanyag—" " Sabi ko na type ka ng Dr. na 'yun mga tingin palang sayo parang nakikita ang buong pagkatao mo. Don't get me wrong in a nice way naman yun Bes—" " Hep, hep." putol ko kay She. " Dami na agad nilakbay ng utak mo. Saka type mo naman na may nakakaput na gwapong tuko sayo. Maiba nga tayo balik sa topic. Sinabi lang ni Anthony na inaayos na yung paper's nina lola at tatay. Pero teka Bes kulang pa pera ko saka hindi pa nga kami nagbabayad e! " sabi ko kay She pero napansin ko parang alangan ito. May kutob ako kaya gusto ko siyang magsabi ng totoo. " Sheryl Poso! " buong bigkas ko ng pangalan niya kaya alam niyang seryoso ako. " E-di ba sabi ni Dragen tutulong siya kaya ayon. Ayaw paawat ni Dragen siya lahat magbayad. Ang sabi niya pagnakaluwag ka na saka mo bayaran unti-unti." Paliwanag ni She napapaiyak naman akong ngumiti at tumango, sabay pahid ng luha. " Hoy, teka ba't ako lang ang nagigisa ikaw nga may pa Anthony pa. " Ingod nito sa akin pero deadm na ako sa halip isnag sincere na pasasalamat ang sinabi ko. " Thank you. Hindi ko alam gagawin ko kung wala kayo. Salamat ah sobra-sobra." Naiiyak man ako pero nakangiti pa rin ng kaunti. " Asus tara na, dali. " Aya naman nito sa akin kaya mabilis kaming lumakad papunta sa same room nina tatay at lola after kasi madala sa emergency room mga 3 hours sila doon bago inilipat sa isang private room dahil iyon lang ang available. Kung hindi kukunin ay mapipilitan na ilipat o i-discharge sila. Mahirap naman makahanap ng hospital na tatanggap sa kanila kaya no choice kundi kunin na. Nang makapasok kami sa loob ng kwarto may mga munting tawanan kaming narinig. Si lola na mahinang natawa maging ang mga tiyahin ko ang salarin walang iba kundi ang nobyo ni She. Mayaman man ang lalaki pero hindi mahirap pakibagayan. Mukhang na agaw na namin ang atensyon nila kaya naman natigilan mabilis naman lumapit si Dragen sa kanyang nobya na kaibigan ko at ginawaran ng halik sa noo. Talagang sana all na lang. Nang balingan ko ang kama na kinahihigaan ni tatay nakita ko ang lungkot sa mukha nito. Kaagad akong lumapit dito at binigyan ng magaan na ngiti. " Sorry, anak ah—" kaagad ko ng pinutol ang sa sabihin nito. " Shsss.. Hindi mo iyan ginusto Tay, kaya walang dapat ihingi ng sorry. Basta palakas ka lang tapos laban ng laban ok. Lilipat na tayo mamaya ng hospital Tay." Pinasigla ko ang boses ko habang sinasabi iyon para naman hindi na mag alala pa si Tatay. " Pero saan tayo kukuha ng pera nak? " balik na tanong ni tatay kita ang pag-aalala nito. " May mabuting tao po na tumulong sa atin Tay. Kaya sana wag nating sayangin ang tulong na iyon. Mas alagaan na ang sarili once your operation is done. Mahal ko kayo Tay gagawin ko lahat para sayo/ sa inyo. Huwag ng mag isip ng sobra ang dapat isipin ay ang mabilis na pagpapagaling. Okay po ba!" Sinadya kong iparinig kina She at Dragen ang mga sinabi ko sa ganong paraan pinababatid ko ang pasasalamat. Isang oras lang mahigit ang hinintay namin at dumating na ang mga mag assist sa amin palabas ng hospital at maging pagsakay sa ambulance. Sina She naman ay sa kotse. Ako naman ay sumama na sa ambulance ang ibang tiyahin ko naman ay sumakay sa kotse nina She dahil nag boluntaryo sila kesa daw naman mag commute pa mas mahihirapan. Dahil ambulansya ang sinasakyan namin ay halos mabilis lang ang naging biyahe namin. Medyo dama ko na rin ang walang tamang tulog. Nakaidlip man ako kanina iba pa rin ang tulog na sapat, lalot galing pa kami sa trabaho kaya todo rin ang hiya na nararamdaman ko sa mag nobyo. Bukod sa pagod sa trabaho ay puyat din sila higit pa ay abala pa ang nadagdag ko. Plus factor pa ang Financial help. Pero paulit-ulit naman nila na sinabi wag ko raw intindihin iyon. Kaya mas lalo akong naging grateful dahil sa kabutihan nila. Dininig nga ni Lord ang unang hiling ko. Sana makayanan din namin ang gastos sa operasyon at sana maging ligtas sila during and after ng procedure. Nang dumating kami sa Manila Med sinalubong kami ng marami Doktor at Nurse. Naguguluhan man ay napalis iyon agad dahil sa madalian ang galawan, pero sadyang katakataka kasi daig pa ang VIP ang pasyente namin. Sa Kabilang banda…. " Hello Dr. Marcelo, I get straight to the point. May pasyente na dadalhin d'yan from Cavite treat them like a VIP. Martinez ang Surname. Maybe alam niyo naman ang time of arrival nila. Please Nuke gawin niyo lahat para maging maayos sila. " Sabi ko sa anak ng Family Doctor namin na isa sa may position sa Manila Med. " Yeah, alam ko na 'yun Azul. But why Arthes Azul Hermoso seem change?. Oh wag pikon. Dragen also informed me a while ago, so ako ng bahala. Keep your ass calm dude. Mukhang tensyonado ka. Yun lang ba ang itinawag mo? Minsan labas tayo ulit. " Sagot naman ng kausap sa kabilang linya. " Tensyonado my ass.. Tskkk. Anywat, yeah, yun lang naman sana. And sure next time labas tayo ulit." Maikling sagot ko habang ang mata ay nasa papeles na pipirmahan ko. " Great, it's a deal. Bye dude. " Hindi na hinayaan ng doktor na kaibigan namin na makasagot ako. Na utakan ata ako ngayon ni Dragen at Nuke. Sa halip na mag isip pa ay nag patuloy ako sa pagrereview ng mga papeles. Pero hindi ko mawari bakit patuloy na naglalaro sa utak ko ang maganda at maamong mukha ni Mariemar. Kapag ganito ng ganito, malamang hindi ako makakapag-trabho ng ayos. I snatch my phone ang decided to create a text from Dragen pero hindi ko mahanap ang tamang mga salita para makabuo ng mensahe. Kaya binaba ko na ang Cellphone at ilang minuto ang lumipas ng tumunog para sa isang text. Kakaibang excitement ang bumalatay sa akin. Pero napawi iyon ng iba ang mensahe na nabasa ko. MARIE MARTINEZ WHAT HAVE YOU'VE DONE TO ME??….
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD