Begging For Love 10

1871 Words
Sheryl.. Naawa ako sa kaibigan kong si Mariemar. Gustong gusto ko siyang tulungan pero, paano ko gagawin iyon?. Nasa isang sulok kami ni Dragen ngayon, samantakang si Mariemar naman ay kasalukuyang nakikipag-usap sa mga doktor upang malaman ang tunay lagay ng kanyang ama at lola. Hangang-hanga ako sa babaeng ito dahil sobrang tatag niya sa lahat ng hamon ng buhay. Mula ng maging kaibigan ko ito ang tingin ko dito ay independent woman iyon bang mala wonder woman na sa galing dumiskarte at mag pasan ng responsibilidad maging problema. Hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko kung ako ang nasa lugar niya. Kung kakayanin ko ba o baka matagal ng sumuko. Hindi ko man gusto isipin ang mga alaala ko noon biglang bumalik kagaya ni Mariemar parang hindi rin ako buo parang may kulang sa pagkatao ko. Siguro nga'y may dahilan bawat ganap at bakit lahat ay sinusubok, baka ginawa ito para mahinog ang bawat katangian ng mga tao. Nagulat ako ng may palad na gumagap sa aking palad na nasa aking kandungan. Sa init na dala ng palad na iyon tila ba hatid ang kapanatagan at nagpapahiwatig na lahat ay makakaya at malulunasan. Ang palad na noon pa man ay kilala ng puso ko. Ninamnam ko pa iyon bago harapin ang nagmamay-ari walang iba kundi ang aking nobyo. " Talaga ngang, mahalan kayo ni Mariemar. Baby kitang kita ko ang pag-aalala, lungkot at takot sa maganda mong mukha." Tila siguradong siguro na sabi ni Dragen. " A-ano kasi— a-alam ko lahat ng hirap niya mula noon hanggang ngayon. Hindi lang ako basta naawa sa kanya kundi nararamdaman ko siya Dragen. Bawat saya at lungkot niya kasama ako ganun din siya sa akin. Ang pamilya ay pamilya ko na din. Hindi ko alam kung paano ko siya tutulungan? " Pigil ang luha ko sa bawat salita ko ayoko na isipin ni Dragen na paawa ako. Alam ko ang estado niya sa buhay kaya baka isipin na nanlilimos ako. " Hey!, You can cry on my shoulder baby. Beside hindi lang naman ako basta papayag na iiyakan mo lang ako sa balikat. Tutulong ako pangako!" Mahinahong sabi ni Dragen sabay kabig sa akin para sa yakap, nais ko sanang mag salita ngunit nauna na ito. " Don't think that way baby. Hindi ka nagpapaawa either na nanamantala sa akin. Kusa ko ito gusto, bukal sa loob ko ang pagtulong. Kaya please don't think too much. Tutulungan natin sina Mariemar, Okay!" Nang marinig ko ang mga salitang iyon doon ako nabunutan ng tinik at maging luha ay hindi na nagpa-awat. Tahimik akong lumuha habang hinahagod ni Dragen ang aking likod. Nanatili kami sa ganoong posisyon ng matanaw ko si Mariemar. Ang kaibigan ko parang pinagsakluban ng langit at lupa. Mula kanina naging kampanti na ito na ipakita ang lahat ng damdamin. Mabilis akong kumalas ng yakap kay Dragen para salubungin ang babae. Nauunawaan naman ni Dragen kaya agad din itong bumitaw. Habang papalapit ako sa kinaroroonan ng kaibigan ko ay malinaw kong nakikita ang masaganang pag-agos ng mga luha nito sa maganda at makinis nito na mukha. Tila naman parang nagkakaunawaan ang aming emosyon at puso dahil ang kanyang damdamin ay tumatagos sa aking damdamin. Namalayan ko na lang na malaya na ring umaagos ang masaganang luha ko. Sinalubong ko ng isang mahigpit na yakap si Mariemar. Habang paulit-ulit na ibunubulong ang mga salitang galing sa aking puso na tingin ko'y makakatulong upang bahagyang gumaan ang loob nito. " I-iiyak mo lang, a-alam mo naman na lagi akong nandito para sayo. Okay lang na ibahagi mo ang iba na bigat na dala mo sa akin bes. Okay lang na minsan ipakita mong mahina ka, na kailangan mo rin ng karamay at uunawa sayo. Tutulungan kita —namin ni Dragen. Gagaling sila bes! May awa ang diyos. " Hindi ko mapigilan ang mautal dahil sa pagluha ko din. Dahil alam kong mabigat na mabigat ang problema na ito. Kung may magagawa lang ako na instant para sa mabilis na ikakagagaan ng pakiramdam ni Mariemar gagawin ko. Ganoon na ang pagmamahal ko sa kaibigan ko dama ko rin naman na ganun din siya sa akin. " S-salamat bes, H-hindi ko na a-alam ang g-gagawin ko. Bakit laging ganito? Gusto ko ng mapagod at sumuko pero kapag-naiisip ko na sila—Mas h-hindi ko kaya na makitang pabayaan na lang sila She, Gusto kong gawin ang mga imposibleng bagay bilang posible. Ayos lang na ako ang mahirapan at masaktan 'wag lang sila .." Halos hindi na maayos ang pagsasalita ni Mariemar dahil nga sa lubos na pag-iyak nauunawaan ko ito. Pasado alas singko na ng umaga ng maiisipan kong ayain ito sa maliit na kapilya ng hospital. " Bes, magdasal tayo. Alam ko makikinig siya kasi dalawa tayong mananawagan, for sure makukulitan si Lord sa tandem natin. " panghihikayat ko sa kaibigan ko may bahagyang ngiti akong pinaskil sa aking labi para naman mahawa ito ngunit talagang puno ito ng lungkot at takot. Isang tango naman ang itunugon nito sa akin. Nilingon ko si Dragen at isang ngiti ang sinilabong nito sa akin. Nahihiya ako dahil puyat din ito alam ko na nung isang araw pa ito hindi nakakapasok sa trabaho pero mariin naman itong tumangging iwan kami. Amindo ako na may malaking puwang na ito sa puso sa makailang beses na nakakasama ko alam ko na may pagmamahal na ako sa kanya. Kahit na may mga hindi pa ako alam sa sarili ko, gusto kong subukan na sumaya kasama siya. Narating naming ang kapilya, sabay kaming lumuhod ni Mariemar walang usap na namutawi o namagitan sa amin. Buong buo at buhos na buhos ang aming atensyon sa pagaalay ng panalangin. Dragen Hindi ko namalayan ang oras dahil buong durasyon ay napako ang atensyon ko sa aking nobya. Tunay nga ang pagkakaibigan nila. "Sakit ng isa dama nilang dalawa" . Ang babaeng matagal kong hinanap ay ngayon natagpuan ko na. Mas nakakabaliw pa ang bagong katangian niya lahat ata ay kahuhumalingan ko. Tila nahahati ako sa aking damdamin. Alam kong makakatulong kay Mariemar si Azul, pero ang katangian ni Mariemar ay masyadong mahirap ipagkatiwala at ilapit kay Azul. Ang babaeng salat sa pagmamahal, ayoko humantong sa huli na baka masaktan ito ng labis at kami ni She, ang magka-problema. Kanina ay nagpaalam si She, na pupunta sila sa kapilya. Mabilis ko rin naman silang sinundan. Doon ko nakita kung gaano mag mahal ang batang noon pa man lihim kong tinatangi. Sa totoo lang gusto kong turuan si Azul na makita at maranasan ang totoong pagmamahal. Umibis ako palayo ng kapilya namalayan ko ang sarili ko na nasa labas habang hawak ang aking cellphone at dina-dial na ang numero ni Azul. Alam kong maaga pa at tulog pa ito. Susugal ako para sa mga kaibigan ko gustong makita nila ang ibang bahagi ng buhay at pagmamahal. Nakailang ring na ngunit walang sumasagot kaya pinatay ko na ang tawag. Mukhang ayaw ng pagkakataon ang plano na iyon. Pabalik na sana ako nasa may entrance na ako ng mag vibrate ang aking cellphone ng silipin ko iyon nagulat ako dahil isang tawag. Azul calling….. Nagdadalawang isip man sa huli ay sinagot ko rin ang tawag. " Hello! Dragen, May problema ba? Napatawag ka ng maaga?" Medyo malat pa ang boses nito halatang naalimpungatan lang. " Yeah!About Mariemar— She needs help!. Baka kako gusto mo pa siyang tulungan for your plan. Nasa hospital kami ngayon. Sinamahan namin siya and need talagang i-transfer ang lola't tatay niya sa manila for good facilities for treatment malaking amount ang kailangan—" " Saang hospital ita-transfer? Doon ako pupunta. Yeah, I need her for my plan you know that very well. Thanks Dragen for this I Owe you for this! " Tila ba nawala ang antok ng loko sa narinig. Ito na ayoko man maging manipulative pero isusugal ko na baka nga may pag-asa sila. " Hindi ka naman excited Azul? Ang alam ko sa Manila Med sila ililipat. I'll just text you as soon as we get there. Please dude 'wag kang gago sa mga gagawin at desisyon mo. Mabuting babae si Mariemar I'm 100% sure of that, She's one of a kind woman like my baby." Pagkasabi ko noon hindi ko na hinintay na sumagot si Azul at pinatay ko na. Alam ko naman na ang isasagot nito na hindi magiging dehado ang babae sa kanya. Na babayaran niya ito ng tama. He need to learn. Hindi na siya bata. He needs to know na ang pagmamahal ay ibang iba sa alam niya at pinaniniwalaan. Matapos ang pag-uusap namin ni Azul, imbis umakyat ay lumabas ako. Probably umaga na talaga. Pagod at antok na rin kami kaya para makabawi man lang bibili muna ako ng almusal namin. Makalipas ang ilang minuto na pagbili sa convenient store ay pabalik na rin ako. Ngunit isa mensahe ang natanggap mula kay Mom at ganun na rin kay Azul. Mukhang right after na pinatay ko ang tawag ay nag message na siya. Mom_ Em❤️: Where the hell are you Dragen? Don't tell me nakabaon, ka kaya di ka nakauwi na naman? Ayusin mo ang buhay mong bata ka kung ayaw mong makialam ako. Malilintikan talaga kayo lang lahat sa akin. Oo damay damay na ito anak. Please anak be safe. You know kahit bakulaw ka na I'm still worried about you always. I love you anak. Pero bwisit ako sa Daddy mo. Hayaan ka na daw para magka-apo na kami. Basta pag may girl na ahh, ipaalam mo agad. Love you panganay ko. Sleep na ang gorgeous Mommy mo.. ?? Natawa ako sa message ni Mommy. Pero na konsensya din ako dahil mukhang napuyat siya kakahintay sa akin. Tsk.. Malikintikan ako kay Dad for sure.. Azul Hermoso: Dude, don't worry magiging mabuti ang trato ko kay Mariemar. Please don't forget to notify me kung pwede na akong pumunta sa hospital. Salamat dude.. Me: Okay, just make sure hindi mo maagrabyado si Mariemar. Ayoko ng gulo sa pagitan namin ng girlfriend ko. Azul Hermoso: Woaw! Girlfriend ha! Congratulations then. I will do what is right. Salamat ulit.. Nang mabasa ang huling mensahe ni Azul umakyat na ako. Nakita ko ang dalawang babae na nakayukyok sa waiting area. Awa, yan ang unang una kong naramdaman. Pero nilamon iyon ng matinding paghanga. Mga babae sila but they're so brave like my Mom also my Ninang's. Marahan akong lumapit at masuyong minamasdan ang aking nobya at ng magawi ang tingin ko kay Mariemar tila ba may nakikita akong kakawangis nito. Nawaglit lang iyon ng gumalaw ang aking baby.. " Good morning baby ko" mahina pero masayang bati ko sa babaeng nagpapabilis ng t***k ng puso ko. " Morning din. Akala ko umuwi ka na kanina." Paos pa na sabi nito. Medyo mugto ang mata at Mapula ang maliit ngunit matangos na ilong. " I told you, I won't leave you. Bumili lang ako ng food natin. Kain na tayo baby. Ginisingin mo si Mariemar para may laban tayo mamaya. " Imbis na sumagot ito sa akin isang mahigpit na yakap ang binigay niyo sa akin. Masasabi kong buo na ang araw ko. Sana si Azul maranasan din ang ganito sa piling ni Mariemar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD