Begging For Love 9

1573 Words
Hapon na pala. Siguro mga alas kwatro na siguro ngayon. Nakatulog naman ata ako?. Oo hindi ako sigurado dahil pakiwari ko'y gising na gising ang diwa ko mag mula kagabi pa. Paulit-ulit na binabalikan ang bawat eksena at maging ang pag-ilusyon ko sa lalaking nagbibigay ng matinding gulo at epekto sa buong sistema ko. Bakit ba pakiwari ko rin ay sarili ko lang ang iniisip ko sa ngayon?, Hindi ko na nga nagunita pa si She muli dahil okupado ni Azul. Mukha rin naman "nag-enjoy yarn" ang peg ng bruhilda kong kaibigan. Mukhang nilulubos pa talaga. Kamu-kamukat niyo ba naman na hanggang ngayon ay wala pa rin. Hindi tuloy mawaglit sa utak ko ang iba't ibang senaryo na baka nagkineme na ang loka at nagpaka-porn star na. Sa true lang kasi sa aming dalawa kasi ay mas very vocal siya sa mga kuryosidad at mga kinky things. Like anong feeling ng unang s*x?. Kung nakakabaliw daw ba sa sarap o nakakalumpo talaga?. Hindi naman ako santa kaso mas ukopado ang utak ko paano kikita at makakapag-provide para sa pamilya ko. Natigilan ako ng kumulo ang sikmura ko. Walang kain pala mula pa ng umuwi galing work. Daig ko pa kasi ang lutang na 'di makakain at 'di rn nakatulog. Lintik na buhay 'yan nahawa na ako kay She. Akmang tatayo na ako ng marinig mga yabag at parang harutan. Nabobosesan ko ang kaibigan ko at partikular na boses ng lalaki. Maryosep parang kinikiliti ang tinggil ng kaibigan sa bungisngis. Babaeng pines na maharot ang style. Ang gulo no? Hindi ko din kasi alam. Parang biglang sumakit ang ulo ko kay She. Ako yung stress kahit dapat di naman ako magpa-stress sa ganap. Tapos ang hitad na ito ay aribang ariba sa saya. Maya maya ay narinig ko ang pag-langitngit ng pintuan. Isang senyales na may pumasok mukhang dalawa pa talaga. Matindi magnet yarn ayaw ng maghiwalay.. " Besh, Beshyyyy… Mahal na mahal kong kaibigan. Gandang Mariemar andito na ang kaibigan mong sagana na dilig—este sa ganda kagaya mo! " buong lakas na hiyaw ni She na may hagikhik, wala talagang kahihiyan ang babaeng ito bulgar. Mukhang nadiligan nga pero teka energetic pa siya? Diba dapat drain na siya diba! Ay iba ang stamina.. " Hey!Baby you're so loud. Remember what I told you a while ago. That those intimate things ay para lang sa atin tayo lang dahil pribado iyon baby ko. Do you understand my point my baby?" Masuyong sabi ni Dragen puno ng ingat at pagmamahal pero ang bilis naman ata. Lekat sila parang gusto ko ng magwala. Hello, may ibang tao dito. I know that na maaga pa man kung tutuusin pero I'm so happy for them. Kung talagang my lovelife na si She isa ako sa magdidiwang. Huwag na huwag lang sanang sasaktan ni Dragen ang kaibigan ko. Baka mag ibang anyo ako. Ayukong maramdaman ni She ang mga sakit na pinagdaanan ko at pagdadaanan ko. Mabilis na tumayo ako para lumabas ng silid. Isang double deck kasi ang higaan dito. Ako ang umuokupa ng parte ni Pig ngayon pero pag andito siya sa sahig ako naglalatag. Si Pogs naman ay hindi na nag-uuwi din kaya ako na ang nahihiga sa pwesto niya, kahit pa man wala pang riot na naganap noon ay madalang siyang umuwi. Binabahay kasi siya ng jinojowa niya. Grabe ang mga babae ngayon. Ang pogi talaga ni kute ano! . Nagulat ako nang paglabas ko ay nakita ko ang dalawa na walang habas na nagki-kiss. Aba ang mga lintik na ito talaga. Ano bitin lang kaya to be continued ? At talagang walang pakialam sa paligid basta laplap lang, kaya tumikhim na ako bilang kontrabida muna.. " Ahem, baka naman pudpod na ang mga nguso n'yo niyan. Parang minagdamag na nga, tapos binanatan pa ng maghapon ulit. Ditos ko hanggang pag-uwi ba naman may continuation pa talaga!. Ang lala ng libog hindi mapatid. Teka nga—Mag jowa lang ang peg She? Aba diba sabi ni nanay Ofel pagkating-kati na maghanap ng is-es na dahon at ihadhad para mapukaw ang kati. " Medyo galit-galitan lang ako pero keri lang talaga. Mukhang seryoso naman ang lalaki kasi sabi ng isang kitchen helper na gaya ko ay malimit bumisita si Dragen kay She. " Besh, Sorry ah nakerid-away lang ako. Alam mo naman ang wishlist ko pag may papable na ako. And yes mag jowa na kami—" " Baby!, you're not just my jowa. Co'z you're special to me. You're my baby though you're an adult. My sunshine co'z you're the first and probably the last woman who could give light though the weather is gloomy. My moon co'z until night you're my guide para hindi maligaw and my soon to be Mrs. Demoso kasi ikaw lang ang babaeng nakikita ko na makaka-sundo ng Ina ko. I love you baby" Corny kung sa iba pakikinggan pero ng kay Dragen parang vows lang ang peg. Parang gusto kong magkaroon ng gaya niya. But don't get me wrong hindi ko siya aagawin. Biglang pasok sa isipan ko ang kaibigan nito. Napatanong tuloy ako sa sarili ko kung ganito din ba siya?. " Si Azul kaya mala Dragen din?" tanong ko na akala ko ay sa utak ko lang na sabi o naitanong pero na voice out ko pala. " Mas malala ang taong iyon. Gagawin lahat para sa taong mahal niya. And sana one day makita niya ang tamang babae para sa kanya. Sana makita niya na nasa malapit lang ang posibleng taong iyon." Mahabang sabi ni Dragen na tila may ibang pahiwatig. Tila ba pahiwatig sa akin iyon. " Sus tama na yan, kain na tayo may work pa tayo later." Pag-iiba ni She at aya sa amin. Pero sa totoo lang hindi nawala sa utak ko ang napag-usapan kanina. Akala ko aalis na pagkakain si Dragen pero mali ako. Mukhang literal na magnet sila kaya heto nakasakay kami sa kotse niya kasi ihahatid niya daw kami. Mabilis kaming nakarating sa Restobar nauna na ako kasi mukhang ayaw pa nila maghiwalay. Sus sa una lang yan pagtagal baka magkaumayan sila pero sana wag naman. Gaya ng dati naging busy ang lahat masaya ako dahil maraming client malamang may bonus na naman. Pera talaga ang nagpapa-twinkle sa mata ko. Hindi ako nakalabas buong durasyon ng trabaho kasi kumpleto naman ang tao sa labas. Pagod na pagod pero masaya kasi may maibibigay ako at maiipon. Closing na nagbibihis na kami ni She. Tapos na ako magbihis akmang lalabas na kami ng parang may nag-uudyok sa akin na hagilapin ang cellphone ko. Hinanap ko agad sa bag ko ang cp ko ng makita ko maraming miscalls mula sa kapatid ko. Bigla akong binayo ng kaba sa dibdib kung anu-ano na ang tumatakbo sa utak ko. Pilit kong dinial ang numero ng kapatid ko pero walang sumasagot. Naisipan kong mag-iwan na lang muna ng text. At doon ko nakita ang text na magpapa-wala ng saya ko dahil sa nakuha kong bonus kanina . Oo pagod ako pero kaya ko pero mas na ubos ako pag ganito ang nababasa ko. "(Ate si Lola po at tatay sabay nasa ospital)" "(Ate anong gagawin ko? Please ate umuwi ka muna, kasi need sila ilipat ng ospital)" "(Ate natatakot ako, Ayaw ko magaya si tatay kay nanay)" Sunod sunod na text na binasa ko mula sa kapatid ko. Parang napatid lahat ng katatagan ko na pilit kong inimbak sa buong pagkatao ko mula pa noong magkaisip ako. Hindi ko namalayan na nanginginig ako at natulo na ang luha. Isang yakap ang nagpa-hulagpos ng pagtitimpi ko na bumigay sa lahat. Bakit ba ayaw matapos? Bakit sabay pa sila?. Lord malakas ako pero wag naman dagsa at hapit sa bayo. Matagal akong humagulhol ng iyak sa bisig ng kaibigan ko. Namalayan ko na inakay na ako papunta sa labas nauna na si Dragen. Kita ko sa nobyo ng kaibigan ko ang simpatcha.. " Everything happens for a reason Mariemar.. I'll help you, not just because I pity on you, hindi rin dahil sa nobya ko ang kaibigan mo though isang factor iyon. Kung sinong mahal ng mahal ko ay mahal ko din lalo't pamilya niya na. Tutulungan kita dahil alam kong deserve mo iyon. You're a great woman like my baby, laban lang.. Tara na hatid ka namin. " Tila ba isang magandang himig sa akin iyon pero mas nagdala ng mas mabangis na bugso ng emosyon kaya naiyak na naman ako hanggang unti-unting namigat ang talukap mg mata ko. Hinayaan nila ako, nakaidlip ako ng hindi ko namamalayan medyo gumaan na ang bigat knowing na may mga nakakaunawa sa akin. Isang tapik ang gumising sa akin bumungad sa akin ang nakababatang kapatid ko. " Ate, paano na—" " Shssss, tahan na andito na si Ate. Pasensya ka na kanina ah, busy si Ate kanina sa trabaho daming tao kais." Putol ko sa sasabihin ng kapatid ko pilit kong binalik ang tapang at tatag para sa kanya/kanila. " May awa ang diyos. Naniniwala ako na magpapadala siya ng sagot sa mga sigalot na ito. Pagsubok lang ito kaya natin ito walang susuko at bibitaw. " Tuloy na pag alo ko sa kapatid ko na bakas ang takot sa kinakaharap na problema. " Tama ba ang gagawin ko na ipaalam ito sa kanya?. Pero alam ko at sa tingin ko itong babae na ito ang maaaring sagot para sa hinaharap at ikabubuti niya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD