Tila ba tumatagos sa tinted na salamin ng kotse ko ang tingin ng babae. May kakaiba inti na bumabalatay sa akin. Maging ang kakaibang kabog ay nadarama ko sa kaloob-looban ko. Para bang sa kauna-unahang beses ay nakadama ako ng pagkailang sa aking sarili. Knowing me na mataas ang kumpyansa sa sarili ngunit ngayon tila ako'y ilang at nai-intimida. Waring parang walang balakid sa pagitan naming dalawa at tunay na kami lang ang nagkakakitaan—malayang nagkakatitigan at masasalamin ang aming kalooban.
Nabalik ako sa aking sarili ng magsimulang mag-ingay ang aking cellphone. Isang incoming call from Dragen. Ano naman kaya ang kailangan ng lalaking ito? Umisang sulyap pa muna ako sa pwesto kanina ng babae na may kausap ngunit wala na ito sa pwesto nila.
Mabilis ko na ginala ang aking mata and to my surprise, I just find out that Mariemar and her friend Sheryl are going to hop in Janus' car. Hindi ko mapangalanan ang nararamdaman kong pagkainis kung para kanino. Inis ba na para sa mga babae o para sa kaibigan ko? Hindi mahinto ang tunog ng cellphone ko kaya padaskol ko na sinagot iyon.
" What?! " Halata ang inis sa boses ko na sinasabayan pa ng pag-igtingan ng panga ko. Am I insane? Para na akong siraulo sa inakto ko na ito. Or maybe na set ko sa utak ko na sa akin dapat si Mariemar mapunta, hindi in a romantic way but in business type ways.
" Ay gago lang ang puta na ito!" Sabi ni Dragen na parang sa sarili lang iyon niya dapat sinabi. Hindi ako sumagot dahil ang tingin ko ay nasa kotse na mukhang papausad na.
" Hoy Azul!, Uma-attitude ka pa! Ikaw nga itong basta ng iwan at naglahong parang bula without any goodbye. Kahit sana sinabi mo na lang na—putang'ina mo Dragen salamat sa pag papatambay sa aking sa lintik na lugar mo at aalis na ako. O di k'ya sinabi mo na lang na—napakabuti mo dude sana mabaog ka at di na tigasan kahit kailan. Hype ka dude natataranta ako kanina ng makita kong wala ka, baka kasi nilamon ka ng sofa wala ka kasing abiso na aalis ka na lang basta. Basta pagtingin ko wala kana!? " Mahaba ang litanya ni Dragen talaga ito ang katangian na minana niya kay ninang Em-Em daig pa ang inahing manok na mangingitlog kaya putak ng putak ang bibig.
" Dude!.. Nagpaalam ako sayo. Totoo iyon. Teka nga!. You wanna know kung anong reason bakit umuwi na ako?... Hmm, It's because of you and the two facts na pwedeng sapitin ko kung mananatili ako sa condo mo kasama ka. Number one, It's either mapapanisan ako ng laway at masisiraan ng bait, kasi nga mukhang nasa pluto ka ata kanina kasama ang kung sinong mutant. Second ay malalasing lang ako ng walang padale, kasi ang alak lang ang maging kabonding ko at baso ang kausap ko imbis na ikaw. Busy ka kasi kakadutdot ng cp mo. Malala ka na dude. To be honest you look like an idiot Dragen while giggling and smiling like a chipmunk! " may pang aasar sa bawat salita ko, mababanaag din ang sarcasm.
Matagal na tahimik si Dragen bago ako marinig ng mahinang salita galing sa kaibigan ko mukhang sa sarili lang sinasabi.
" I'm doomed! " hindi ko mapigilang tumawa ng malakas marinig ang mga salitang iyon mula kay Dragen.
Mukhang nakahanap na ito ng katapat niya. Mukhang nakalimutan na rin nito si Rana na anak ni ninong Logan. Bata pa naman kasi sila noon ng mawala ito pero yung pag-ayaw ni Dragen nung bata pa kay Rana ay siyang kabaliktaran dahil bata pa ay may lihim na itong pagtangi sa weirdo na kababata. But now that Dragen look so attracted to Sheryl mukhang dala lang talaga ng kabataang damdamin iyong kay Rana and this is the first time maging ganito si DE.
" Mukha ba talaga akong tanga kanina?" tanong ni Dragen ang nagpatigil sa akin sa pag-iisip at pagtawa.
" Hell yeah! —mukha kang naiihi sa kilig dude.Such a p***y man!." sinabayan ko pa ng tawa ang pagkakasabi ko noon sunod-sunod na mura ang narinig ko.
Mukhang may ultok si Dragen kung umasta, pihado kung nakikita ko lang talaga ito ngayon ng personal ay baka ako ang maihi sa kakatawa. Somehow ang sarap sa pakiramdam na makatawa ng wagas muli. Isang plano ang biglang nabuo ko sa aking isip upang malaman ang katotohanan sa kaibigan ko at isasakatuparan ko ang plano na iyon ngayon din mismo.
" Dude, Nasa restobar ako ngayon babalikan ko sana si Mariemar susubukan ko sana ngayon baka swertihin. You my plan right, dude? But to my surprise iba ang nakita ko and luckily ay nakita ko si Janus while talking to She, they look so very close— and you know what dude bagay na bagay sila, mukhang may chemistry nga!" totoo naman 'yun magkausap din ang dalawa pero. Sucks mukhang chismosong bading ako, baka din mahalata ako ni DE, pero kung head over heels nga ito hindi niya mapapansin.
Gusto ko lang naman ikumpirma ang dalawang bagay. Kung mahal o espesyal nga ba si She sa kaibigan ko at pangalawa ay malaman kung ano ang intensyon ni Janus kay Mariemar. Yes, I know na si Mariemar ang pakay niya hindi si Sheryl. Hindi ako papayag na maunahan niya ako I need her sa akin si Mariemar.
Napailing ako ng maputol ang tawag sa pagitan naminbi DE, na ni isa manlang ay walang na sagot sa mga nasabi ko ang kaibigan ko. Mukhang maliwanag pa sa sinag ng araw he's in love. Umusad na rin ang kotse ni Janus, natatanaw ko pa naman ito. Plano kong Sundan ang mga ito. Para lang akong nobyo na may gustong mapatunayan, kung nangangaliwa ba ang aking nobya o tapat sa akin.
Kakatwa talaga ang ginagawa ko. Hindi ako naging ganito noon kay Erra co'z I know na sa akin siya. But the situation now is way different. Kaya mag mukha man akong weirdo sa ginagawa ko ay tuloy pa rin ako, maging ang ibang parte ng utak ko ay may pagtutol sa ginagawa kong pagsunod sa mga ito ay hindi ko pinansin kaya heto ako at naka-buntot sa kotse ni Janus.
" You're so pathetic. Ano stalker lang Azul?" Usig na ng isang bahagi ng aking isipan.
Ngunit balewala lang sa akin iyon dahil ang isip ko'y naglalakbay at lumilipad na patungo sa mga iba't ibang haka-haka na maaaring nagaganap sa loob ng sasakyan. Dinadagsa ang isip ko ng sari saring isipin kung ano nga ba ang tunay na nagaganap sa loob kotse. Tila ba may bugso ng takot sa loob ko na baka maunahan ako ni Janus mapalapit sa babae.
Takot lang ito na baka hindi ko ma-umpisahan ang mga plano ko.
" Tama iyon lang 'yon walang ibang dahilan dahil si Erra lang ang babae para sa akin. Tanging kasangkapan lang siya para sa plano ko! " Waring kaila ko at kumbinsi sa utak ko na dapat naman ay di ko ginagawa.
Mabilis ang naging biyahe dahil madaling araw naman na. Sinigurado ko na hindi ako mapuna o mapapansin ni Janus. Hindi rin naman pamilyar ang kaibigan ko sa aking mga ginagamit na sasakyan pero nag-ingat pa rin ako mahirap na. Isang bahayan ang pinasukan namin medyo dikit dikit ang bahay, hindi ito subdivision pero hindi rin naman mukhang iskwater area I mean madaming maayos na kabahayan sa lugar na ito.
Huminto sa hindi kalayuan ang kotse ni Janus isang apat na palapag na building or apartment iyon, pero kahit malayo ako sa mga ito ay tanaw ko ang isang SUV na kulay asul. Walang duda talaga napana nga ni kupidong may hang over ang kaibigan ko.
The cold expression of Dragen says it all napaka possessive at mapanganib ang awra nito. Ngunit kapag-tumitingin sa kaibigan ni Mariemar ay lumalambot ganito si ninong Darius kay ninang Em-Em.
Nakakagulat ang bilis ng kaganapan dahil basta na lang hinatak ni Dragen ang kaibigan ni Mariemar ay mabilis na sinakay sa SUV at humarurot ng walang sabi sabi. The way DE moves nakikita ko ang younger version ni Ninong D'. Naiwan ang dalawa na mukhang gulat na gulat at hindi makapaniwala. Ako man ay nagulat din sa galaw at ginawa ni DE nakakasira nga ng ulo ang pag-ibig. Sigurado naman akong hindi sasaktan ni Dragen si Sheryl baka ibang sakit iyon maramdaman ng babae dahil mukhang ready si DE markahan ang kanyang pag-aari.
Matagal akong nakamasid sa dalawa, mukhang walang planong mag hiwalay pa. May pag-uusap din na nagaganap maaaring ina-assured ni Janus na safe ang kaibigan ng babae kay DE. Sa ideyang palagay na palagay ang dalawa sa isa't isa ay nagbigay ngitngit sa ang ulo ko ng sobra.
Dahil sa inis ko ay pinasibad ko ang kotse ng walang ingat at dinaanan ko ang dalawa ng walang pakialam pero tang'ina wrong move naman dahil niyakap ito ni Janus waring secured ito sa yakap ng lalaki. Ngunit sa rear view ng aking kotse kita ko ang babae ay nakatingin sa aking sasakyan na para bang kilalang kilala ako nito. Isang dumadagundong na kabog muli ang nadama ko. Mukhang may sakit na ako sa puso.
Dahil sa kaguluhang lumulukob sa aking sistema ay plano ko munang umuwi sa mansion ng pamilya namin. Doon muna ako mananatili para makapag-isip ng maayos. Ilang saglit rin ang tinagal ng naging biyahe ko at narating ko rin ang bahay namin. Sinalubong ako ng mga kasambahay namin na maaga talaga magsipulasan dahil maaga mag almusal ang aking mga magulang lalo na si Nanay maaga itong gumusing.
Maya maya pa nga ay si Nanay naman na abot langit ang ngiti ang bumungad sa akin. Ang ngiti nito ay mas naging maningning pa na sinamahan pa ng pagka-aligaga ng sabihin ko na doon muna ako maglalagi ng ilang araw. Dito muna ako uuwi at titigil. Umakyat ako sa aking silid para maligo at magpahinga pero ginugulo ako ng mga gunita ng eksena kanina. Unti-unti ay nadama ang pagod at hinayon ng antok.
*********
Alas diyes na ng umaga ngunit dilat na dilat pa rin ako. Nakatingala pa rin ako sa kisame na natutuklap na ang pintura. Waring tinakasan na ako ng antok dahil sa mga naganap mula pa kagabi halong emosyon ang nadarama ko. Panatag naman ako na ligtas ang kaibigan ko ayon sa mga kwento ni She at mga sinabi ni Janus sa akin. Nagtext rin naman sa akin si She na ayos lang siya at kasama pa rin niya si Dragen na dream boy niya. Ayon sa kanya wala naman itong ginawang masama sa kanya. Mukhang waiting pa ang bruha na may gawin sa kanya.
Tila ba masaya pa ito sa naging eksena. Hindi naman daw ito gagawa ng hindi niya gusto parang may gusto pa ang bruha na gawin ang lalaki. Mamaya pa daw siya iuuwi ni Dragen may mga ginagawa pa lang daw sila. Dahil din kay She ay naging berde na ang utak ko kung anu-ano ang na nanakbo sa utak ko. Feeling ko hindi na virgin ang utak ko dahil sa kaibigan pero ang pukekang ko ay intact pa ang pikit na pikit.Parang sobrang bilis naman ng naganap parang isang kisap mata lang daming nangyari.
Ang naging ingwentro namin ni Azul at ang paraan nito ng pag-interact sa akin talagang nagulo ang buong katawan ko. Hanggang makalabas kami ng work alam kung siya ang nasa kotse, siya iyon at walang iba. Nang pauwi kami ay abot-abot ang kaba ko sa di mawaring dahilan. Maya't maya din ang paglingon ko. Hindi ko mabatid kung ako lang ba ang nakakapuna o nakakapansin na sa di kalayuan ay may sumusunod sa amin na sasakyan at ang sasakyan na iyon ay kay Azul hindi ako pwedeng magkamali.
Hanggang sa makarating kami dito sa apartment na kita ko pa rin ang kotse niya. Tila ba dapat akong mag-ingat sa ikikilos ko dahil may mga matang nakatingin sa akin sa bawat kibot ko. Para bang obligado akong maging mabait, mahinhin at malayo sa ibang lalaki dahil kay Azul. Ah basta ang hirap ipaliwanag ng pakiramdam ko na 'yon.
Mas gumulo pa ang damdamin ko ng humarurot ang kotse nito na waring pinaglabasan ng galit niya dahil sa pagtataksil ko. Ang gulo diba. Tila nahuli ako sa kasalanan na hindi ko naman ginawa.
Ilusyunada na nga kung tutuusin hindi ba pwede na sinundan lang ang kaibigan niya. Ah ewan ko ba, pero hindi talaga e, iba ang kutob ko o sadyang iyon lang ang inu-udyok ng utak ko dahil iyon ang gusto at ninanais ng puso ko.
Kakaiba ang koneksyon, na umuukilkil sa akin para kay Azul, para bang kargo ko ang lahat sa lalaki at para bang ibinubulong ng hangin na si Azul ang gamot o sagot sa lahat ng gulo na meron ako sa buhay ko. Nakakatakot dahil quota na ako sa sakit pero maaga pa naman para doon. Hindi din naman ako laan para sa paglalandi, maraming umaasa sa akin.
Kung magmamahal ako ibibigay ko ang lahat magkamali man ako o masaktan at least wala akong panghihinayangan dahil ibinigay ko ang lahat ng kaya ko.