Begging For Love 7

2163 Words
CHAPTER 7 Mariemar Hindi ko mawari kung dinadaya ba ako ng aking pandinig. Ako daw order-in? Kung siguro nagkataon na ibang lalaki ito o yung basta tambay lang ay baka nasapak ko na ang lalaking ito. Pero kakaiba ang kilabot na bumalot sa akin hatid ng mga salitang binitiwan nito tila ba kilig na kilig pa ako imbis mayabangan at mabastusan. Kailan ba ako naging ganito?. Kahit naman ako ay nasa edad bente singko na ay hindi naman ako nakaranas na makipagrelasyon kaya bago sa akin ang aking nadarama. Pero iba ngayon parang nagdadalaga na ako, feeling ko ngayon palang ako namumukadkad, dahil sa ganun na salita pa lang ni Azul. Hindi ko talaga mahinuha sa aking utak at puso na ako'y binabastos ng lalaki para bang pribilehiyo pa iyon.. Nakakahiya man ngunit natulala ata talaga ako dahil sa sinabi ng lalaki. Halos manginit ng paulit-ulit ang aking mukha sa kahihiyan sa tuwing binabalikan ko ang eksenang 'yon. Makulit din kasi ang aking utak paulit-ulit pini-play ang naganap. Flashback… " The usual, or pwedeng ikaw na lang?" I didn't not kung tanong ang paraan niya ng pagkakasabi o statement ba na dapat masunod. Pero mas nagulantang ako ng magsalita ulit siya. " Do you hear me Miss, Pwede bang ikaw ang order-in ko not your food here?" kumpirmadong ako nga tinutukoy mas maliwanag na tanong 'yun. Natauhan lang ako ng oras na iyon ng maghiyawan ang mga kasama nito sa lamesa. " Whoaa!!! Lakas mo pre!!!!" hiyaw ng lalaki sa bandang gitna dinig kong sinaway ito noong si Dragen at tinawag na Inigo. " Nak-kanang puts dude!!" hiyaw naman ni X kilalang kilala ko ito maging sa galawan. " The fvck, Nag-evolved ka din sa wakas!" sabi nung isa, na Jiro ang dinig ko na pangalan. Tila nagbabaga naman sa init ang pisngi ko dahil sa hiya na nararamdaman. Iniwas ko ang sarili ko ng tingin sa kanila ng may mahagip akong isang lalaki na kasali din sa grupo nila. Tahimik ang lalaki at mataman na nakatingin sa akin. Kung iisipin ko ang paraan ng pagtingin nito sa akin ay puno ng pag-aalala at pagmamahal. Baka mali lang ako ng obserba wala naman ni isang magmahal sa akin ng totoo. " Enough guys, Dude wag naman ganun baka matakot si Mariemar sa atin— saka hindi maganda ang ganun dude, napag-approach baka isipin ni Mariemar bastos tayo. And I'm sorry for that Mariemar!" Mahabang sabi ni Dragen na mababanaag ang pagiging sincero. And with that natahimik silang lahat. " Marie, Go on. Sabihin mo sa loob na yung dating order ng table 23." tila gumuhit ang saya sa aking puso ng mahimigan ko ang tunay na paggalang. Ang tinig na iyon ay nanggaling sa lalaki tahimik lang kanina at di nakikisali sa gulo. Ang sarap sa pakiramdam ang marinig ang pagtawag nito sa akin waring puno ng pag-iingat. Ewan ko ba pero otomatikong gumuhit ang isang matamis na ngiti sa aking labi habang napapatango pa sa lalaki. Dinig kong may napasinghap pa at may mga nag-komento. " She's so pretty." sabi ng isa di ko na naman na binigyan ng panahon na lingunin pa iyon. " Simple yet so damn gorgeous." sabi pa ng isa kung ako ay hindi lamang na hahatak nang mga titig ng lalaki na iyon ay baka maihi ako sa kilig dahil sa mga papuri ng mga lalaking ubod ng gwapo at sagana sa biyayang pisikal. " Move, woman do your job!" nang marinig ko iyon ay ginapang ako ng hiya sa buong pagkatao. Doon ko na realised na napako na pala ang atensyon ko sa lalaki na noon ay nakangiti na rin sa akin. "Marie!" tawag na napagbalik sa akin sa kasalukuyan. End of Flashback…. " Ay Azul na masungit! " bulalas ko habang napamulagat ako ng mata. Hawak ko pa ang dibdib ko dahil sa pagkakagulat. Walang hiyang kaibigan itong si She talaga tawang tawa pa sa akin. " Azul pala ha!" nakangising sabi nito maypatango-tango pa. "Hoy She!, Lintik ka papatayin mo ba ako sa atake sa puso?!?" malakas ang pagkakasabi ko, para mukhang galit-galitan para na rin pagtakpan ang kahihiyan dahil na huli ata akong lutang at sa gulat ay nabanggit pa iyong isang customer namin. " Sus!, Besh alam ko iyang mga padale mo. Mula utot mo alam ko kung natatae ka talaga o kinakabag lang. Huwag ako huyyy!!!. Huli ka na nga sesegway ka pa!!. Kanina pa ako dito tulala ka habang napapangiti. Ngiti na parang pinana ng demonyo." sabi nito na waring sure na sure sa sinabi kung sabagay ay kilala ko rin naman ito. Walang lihim sa aming dalawa daig pa namin ang magkapatid talaga. Sana lang iba ang kapalaran namin ayoko na masaktan si She gaya ng dinanas ko o daranasin ko pasa future. Hindi naman ako nega pero sa mga pinagdaanan ko feeling ko walang ligaya sa buhay ko kahit kailan. " Ako!... Ako ba kamo tulala?" Maang na tanong ko. Dramahan ito at biruan for sure ganito bonding namin tipong mukha kaming mga moret. " Ay oo teh!, Alangan naman na ako. Wala kaming lahi na pabebe. Lahi kami ng agresibo sunggab ng sunggab kita mo si Pogs diba buhay na patunay!. Saka Besh kita ko na e denay pa loka ka. Besides walang masama kung humanga ka sa lalaki normal iyon. Pero Besh doon sa tayo sa makatotohanan para hindi masaktan." Seryosong sabi ni She sa akin ayoko ng ganito na usapan gusto ko happy lang kaya babanatan ko din ng malupit. " Are you talking to yourself? Haller!! back to you Besh. Pero alam mo Besh, doon talaga tayo sa makatotohanan. Pero diba sa true lang Besh, kung mangangarap na lang din tayo doon na sa mataas kasi sabi nga ng mga ambisyosa. Aiming high makes our lives more alive and positive. Ah basta semplang ba ang englishing ko bayaan mo. Basta pantasya lang naman. Kilig kilig lang pero hindi pa haharot bawal pa kaya kalam natin pepe natin. " sabi ko na pabiro pero totoo naman hindi pa pwede kumirengkeng ang pukekang ko kasi nga marami pang obligasyon. Gagawin lang inspirasyon muna ang crush at sana wag naman maging depresyon ito.. " Ay oo Besh, kahit nagba-vibrate itong tinggil ko ay kinakalma ko naman. Pa-demure naman ako kaya pa ng lactacid gamutin ang kati sabayan na din ng kamot." bawi ni She kahit kailan si papatalo sa bargasan ng salita. Sabay kaming napatawa ng malakas. Closing ma rin naman hindi na ako nakalabas mula ng tawagin ako sa kusina dahil marami ng hugasin sa loob ng kitchen. Hindi na nga din ako ang naghatid ng order ng table 23 kasi naburo ako sa loob. Okay na rin muna kalma tayo self hindi muna priority ang landi kundi focus sa pagkamal ng pera muna. Pera lang muna. ********* " Dude, What comes to your mind at bumanat ka ng ganun kay Mariemar?" tanong ng kaibigan kong si Dragen na anak ni ninang Em-Em. " Wala, ewan ko kusang lumabas sa bibig ko. Siya kasi yung babae na nakita ko noon and I have good feelings towards here. Mukhang magkakasundo kam, "sabi ko naman sa kaibigan ko. Gusto ko ang tipo ni Mariemar, base sa mga narinig ko tungkol sa babae na masipag raw siya kahit partimer lang pero ito. Pero laging nakakasideline tuwing may mga event kasi nga mahusay magtrabaho at hindi maangal. A breadwinner for her family isa pang nakapukaw sa akin na katangian niya ito for sure kakagat siya sa pain ko. Perfect siya kung siya ang kukunin ko sa plano ko dahil mukha naman na kayang kaya niya nabgampanan niya ng tama role niya. May ibubuga naman ang ganda ng babae, maging ang kutis ay parang na maintain ng tama at mukhang alagang-alaga. Siguro ay puhunan na rin ang ganda. Hindi na rin mawala sa akin ang magduda sa lahat ng babae na bagong nakikilala. " Dude, Don't try to use her. Magaan ang loob ko sa magkaibigan na iyon dude. Mahirap sila pero nagsusumikap at lumalaban ng patas. Huwag natin silang saktan. Ang mga gaya nila ay very rare na. And If ever na gawin natin yan at malaman ng magulang natin. For sure si Mommy at Ninang Sha ang makakalaban natin. And you know that I haven't disobeyed my Mom since I was a kid. Kaya ko pang sumalungat kay Dad pero kay Mommy no way. She'll do anything to make my life a living hell, kahit pa anak ako nito at ina ko siya. Let me remind you Dude, may mga kapatid tayong babae kaya 'wag nating gawin ang ayaw nating gawin sa mga mahal natin special babae rin sila. " Seryosong seryoso na sabi ni Dragen. Nawala ang playful side nito na sabi niya ay mana kay ninang Em-Em. " Hey!, I thought payag ka na sa plano ko!. Bakit nagbago, is it because of Mariemar's best friend? Common, hindi ko aargabyaduhin ang babae dude. Kontrata ito. Contract na for sure we both have benefits walang talo. So are we good?" sabi ko naman na buong buo na ang plano. " Paano dude kung ma-fall sayo? Imposibleng walang talo at masasaktan diyan Dude. Ano ganun na lang ba 'yun? Why don't you try dating her malay mo hindi talaga si Erra ang para sa'iyo? Make up your mind dude habang maaga pa. Sinasabi ko sayo madaling suungin ang gera pero parang suntok sa buwan kung paano makakalabas. " Muling sabi nito sa akin Dragen is well matured kasing tanda kasi ito mg ate at kuya ko. " Dude wala pa naman e, "maikling sagot ko habang nakatingin sa baso ko na may lamang alak. After namin nanggaling sa restobar ay dumaretso kami sa condo ni Dragen ang iba ay hindi na sumama dahil may mga sariling lakad pa. Ewan ko talaga pero iba e, sa loob ko ay si Mariemar talaga ang gusto kong maging instrumento sa gagawing kong palabas to win back the woman I love the most. Nagtagal pa ako ng ilang sandali bago nagdesisyon ng umalis rin. Hindi na kasi makausap si Dragen. Ang loko na ito na busy na sa pag-cellphone pangiti-ngiti pa akala mo'y may ultok sa ulo. Mukhang na pana nga ng lasing na kupido sana nga hindi siya maloko at masaktan. Nang magpaalam nga ako tumango lang rin ang kaibigan ko kaya napailing na lang ako. Around 3 am na rin ng umalis ako sa condo ni Dragen hindi naman ako nalasing sa ininom namin dahil madalang pa ang inom at usap parang may kanya-kanya kaming daigdig. Mabilis akong nakababa at nakasakay sa kotse. 15 minutes ang lumipas nagitla ako ng makita ang binabaybay na lugar. Ang lugar na pinanggalingan namin kanina mukhang closing na rin. And from a far kung saan ko hininto ang kotse ko ay nakita ko ang babaeng kauna-unahang naging magaan ang loob ko at pumukaw muli ng interest ko indifferent way. She looks so tired but her beauty is still mesmerizing. Nag-uusap sila ng mga kasama tila naman na aaliw akong pagmasdan sila. Hindi naman ako takot na makita nila ako, for what? At saka heavy tinted ang kotse ko. But suddenly a body built of a man got my attention. It was my friend, Janus . Kitang kita na masayang in-entertain ito ng babae. Mukhang mabilis nagkapalagayan ng loob, kahit kanina lang nagkita. Kanina na nga lang ba o baka matagal ng magkakilala?. Knowing Janus has a looped personality, I doubt it. But that doesn't change the fact that si Mariemar ang gusto ko I'll do anything mapapayag lang siya sa gusto ko. Hihintayin ko lang ang tamang timing at sisiguraduhi ko na hindi niya ako matatanggihan sa offer na ibibigay ko. " Marie!" tawag sa akin ng pamilyar na boses. Otomatiko na gumuhit ang isang matamis na ngiti sa aking labi. Tama ako siya yung kasama nina Azul. Mabilis itong lumapit sa akin at nagsalita. " Hi!, Wag kang matakot ah, I'm not a stalker gusto ko lang makipagkaibigan. Ewan ko ba? I had this strange feelings na dapat bantayan kita at alagaan ang weird ko no?, Huwag kang matakot magaan ang loob ko sayo Marie, by the way wala palang formal na pagpapakilala ako sa iyo. Ako nga pala si Janus. " tila alangan at hindi alam paano ipapakilala ang sarili ng lalaki. I find it so cute. Natural na natural kasi siya kaya ngumiti ako at tumango. " Ako pala si Mariemar. Ako din magaan po ang loob ko sa inyo. Hindi ko rin alam bihira ako makaramdam ng ganito." puno ng sinceridad na sabi ko sa lalaki. Kita ko na napangiti din ito labas nga ang biloy at mapuputing ngipin. Feeling ko dalawa ang crush ko ngayon. Si Azul at Janus na. Pero natigilan ako at biglang ragasa ang panintiding salsal ng kakaibang kaba at kabog ng dibdib ko ng matanaw ko sa hindi kalayuan ang isang BMW na kotse tandang tanda ko kung kanino ito.. " Azul." Naibulong ko sa hangin…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD