This isn’t right. Joeuanna thought. Hanggang hindi pa annul ang kasal nila ni Blake, she’s still the legal wife. And b***h like Mel just have to wait for it. Kung gusto nitong umeksena, hintayin nitong mawalan siya ng karapatan. Until then… Umalis siya at kumuha ng baso at pitsel ng tubig. Pagkatapos magsalin ng tubig ay mabibigat ang hakbang na pinasok niya ang banyo. Lumapit siya sa dalawa na tila walang pakialam sa presensya niya. “I’m dizzy…” ungol ni Blake. “It’s okay, Blakey, I’m here. I’ll get you to bed later, okay?” “Hmm-mmm.” Halos irolyo ni Joeuanna ang mga mata. Kinalabit niya si Melissa at inabot ang baso dito. Binigyan siya nito ng nagtatakang tingin. “Anna—“ “Hindi ba ikaw ang pinadala para magbigay ng gamot niya? Where’s the medicine? Ako na ang magbibigay at muk

