“We should go inside,” aya ni Blake. “It’s getting too cold. Hindi ka ba nilalamig?” Nahaplos ni Joeuanna ang mga braso. Kahit nakayakap sa kanya si Blake ay hindi sapat iyon sa lamig na dala ng dagat. Gusto niya sanang tumanggi nang pinagsalikop nito ang mga kamay nila. “I’m cold. So let’s go to the suite, please. Baka sipunin pa tayo dito.” “Alright.“ Napansin niya rin ang pagdidilim ng langit, hindi dahil sa gabi na kundi dahil mukhang uulan. Lumalakas na rin ang alon. Hindi pa man nakakatayo ay naramdaman na niya ang patak ng ulan. “Susunod ako. Let go of my hand.” “Nope. Kasalanan mo kung bakit ako nilamig. You should take responsibility.” Mas hinigpitan pa nga ni Blake ang pagkakahawak sa kamay niya. Hindi na siya nakipag-argumento pa. Mula sa sun deck, she silently followed

