8

1375 Words
8"Hey...Joeuanna..." tawag na ikinamulat ni Joeuanna ng mga mata. Naiinis niyang bubulyawan sana ang kung sino mang disturbo sa tulog niya pero isang nakangiting Blake ang sumalubong sa kanya. Napanganga at napasunod ang tingin niya sa tumutulong tubig mula sa basang buhok nito papunta sa leeg kung saan kitang-kita niya ang adams' apple nito. Napalunok siya at nag-iwas ng tingin.  Noon niya lang din napansin na nababasa na pala siya ng tubig na tumutulo mula dito. "Ano ba.. nababasa ako!" Umurong siya at sinimangutan ang lalaki. "Aayain sana kitang maligo-" "Ayoko! Wala akong damit, di ba? Hindi ako Girl Scout," sarkastikong sabi niya na tinawanan ng lalaki. "Patapusin muna kasi ako. Naalala kong may pinadalang damit si Lola Sally. Regalo niya daw iyon sa iyo kasi magbibirthday ka na. Ilang taon ka na noon?" "Next month pa naman ang birthday ko. At 'yong edad ko, wala ka na roon," aniya at iniba ang usapan." Tapos ka na ba o hihintayin mo pang maging syokoy ka?" Tumawa ito. "Kapag naging syokoy ako, siguradong ako ang pinakatisoy". "Nakakagutom naman ang lakas ng hangin dito..." "Ang lakas mo kumain, hindi ka naman lumalaki," pansin ni Blake. "Eh bakit ba nagrereklamo ka? Hindi naman ikaw ang kumakain? Hindi naman tiyan mo ang-," napasigaw si Joe ng maramdamang umangat ang katawan niya sa lupa. Taranta niyang sinigawan at pinaghahampas ang likod nito, "Blake! Ibaba mo ako! Ano ba? Wala akong pangpalit!" "Tsk, tsk, tsk Joeuanna. Hindi ka yata nakikinig. Sabi ko may damit na pinadala si Lola para sa'yo... let's just hope kasya sa size mo ang nabili niya." "Okay... okay, fine! Ibaba mo na ako." Sinunod naman siya nito. Napasinghap siya dahil kasabay ng pagbaba nito sa kanya sa tubig ay saka niya lang naalala ang underwear. "Blake! How about my undies?" nag-aalala niyang tanong. Complete set kaya ang binili ni Lola Sally? Nakangising nagkibit-balikat si Blake. "I don't know. Kung walang kasama doon sa regalo ni lola e di... don't wear one," sabi bago sumisid. Napahampas siya sa tubig sa inis bago tiningnan ang sarili. Paano naman niya gagawin iyon? Siya kaya pumarada ng walang brief? Nagpapadyak pa siya sa tubig ng maramdamang may humila sa kanya. Napasigaw siya sa gulat. "Blake!" Buti na lang naitikom niya ang labi bago pa siya makainom ng tubig. Nakita niya ang tuwa sa mga nito habang siya naman ay minumura ito sa isipan.  Hawak na nito ang kamay niya at iginiya siya sa malalim na parte. Alam niyang maganda ang isla, kaya siguradong maganda din ang ilalim ng dagat. Kahit kasi nakailang   beses na siya ng balik sa lugar, ngayon pa lang siya nakalangoy sa bahaging iyon. Nang igiya siya nito sa mas malalim na parte ay nagpapanic na siyang umiling sa lalaki. Kinakapos na siya ng hinininga at hindi niya kaya pang pahabain iyon. Pero mukhang hindi siya nito napansin. Parang sasabog na ang dibdib niya ng muli siya nitong lingunin. Nakita siguro nito na hindi siya nagbibiro kaya agad siya nitong hinila pataas. Halos matangay ang baga niya sa ginawang muling pahinga ng makarating sila sa ibabaw ng tubig. "Sorry...I'm sorry, Joeuanna," dinig niyang sabi ni Blake ngunit hindi niya pinansin. Busy siya sa pagsagap ng hangin. Ngunit hindi pa siya nakakabawi ay bigla namang humampas ang alon. At kahit mabilis humarang si Blake at niyakap siya palapit dito ay tumama pa din sa mukha niya ang tubig,dahilan para mapaubo siya. "Okay ka lang?" Humihingal siyang umiling at natigilan ng maramdaman ang paghaplos ni Blake sa kanyang likod. Humakbang siya palayo dito. Gustung-gusto pa naman niyang bugbugin ang lalaki pero naglahong bigla ang pakiramdam na iyon. "Balak mo ba akong patayin, ha, Blake?" asik niya. "I said I'm sorry. I should have notice... Sorry, Joeuanna." Naiinis siyang tumungo palapit sa dalampasigan, pabalik sa bahay nila Randey. Tahimik itong sumunod  sa kanya pagkatapos damputin ang naiwan nitong damit. ********** Inulan si Joeuana ng kantiyaw galing sa mga tiyuhin at kaibigang si Randey paglabas niya ng kwarto na pansamantalang pinaukopa sa kanila. Hinila-hila pa niya ang tubeless na damit pataas, pakiramdam niya, expose masyado ang dibdib niya. Maya-maya, hihilahin din niya pababa ang laylayan ng bestida. Para na siyang timang sa ginagawa. "Tito naman e..." nakabusangot ang mukha niya. Sa dinami-dami ng pwedeng iregalong damit ni Lola Sally sa kanya, eto pang para sa mga one hundred percent girl lang at hind kasali sa cabinet niya. Maging ang undies na kasama noon ay gawang silk at lace. Pero wala na siyang choice. Sasakalin na lang siguro niya si Blake sa hindi pagsasabi sa kanya kung ano'ng klase 'yong damit. "Sabi ko na nga ba at pumapag-ibig ka pare, pati damit ngayon nag-iiba na..." tukso ni Randey na ayaw tumabi sa kanya. Ayaw daw ng invisible girlfriend nito.  Selosang diwata. "Siguradong madami ang makikipagsayaw sa'yo mamaya, Joe," sabi ni King habang nagwiwisik ng pabango sa sarili. "Akalain mong may igaganda pala itong pamangkin natin? Nagtatago lang sa pinaglumaan nating T-shirt?" tawa ni Speed na para sa mata niya ay siyang pinakamaporma sa tatlong tiyuhin niya. "Maganda lang talaga iyong damit, damay lang siya," sabi ni Jack na ikinasimangot niya. Lakas makasuporta ng Tito Jack niya. Minsan, naiisip niya kung may sekretong galit ba 'to sa kanya o ano. "Tigilan niyo  nga ako!" singhal niya habang hinila-hila ulit ang damit na suot. "Stop doing that at baka mapunit pa. Ikaw din, mas lalo iyang iiksi," pansin ni Blake na sa wakas ay sumulpot din mula sa CR. Basa pa din ang buhok nito kagaya niya at kahit aminin man niya o hindi ay siyang pinaka gwapo sa mga lalaking nandoon. Agad niya itong nilapitan, itinulak sa dingding at sinakal. "Kasalanan mo ito! Hindi mo sinabi sa'kin na ganito pala ang damit bago mo 'ko tinapon sa dagat!" nanggigigil siya sa inis. Natatawa namang inalis siya ng mga tiyuhin sa lalaki na napaubo pa sa ginawa niya. Pero tumawa lang ito ng mahimasmasan. "I don't understand why you hate that dress." Pinasadahan siya nito ng tingin, "Bagay naman sa'yo. You look beautiful, Joeuanna." Para siyang naputulan ng dila habang nakikipagtitigan dito. Totoo ba'ng sinabi nito? Kinagat niya ang dila para mapigil ang pagtili sa kilig. Ano ba iyan, isang puri lang mula kay Blake, hindi na niya kailangang magbilang ng tupa. Saan na napunta ang iinis niya dito? Gusto niya tuloy sabunutan ang sarili sa kababawan. "Hindi na ako tutuloy sa sayawan Tito. Dito na lang ako, dinig naman dito ang music e. Kung may gustong magsayaw sa'kin, sila ang pumunta dito," aniya at tinalikuran ang lima. ************** "Hindi ka talaga pupunta sa plaza?" Nakahalukipkip si Blake sa hamba ng pinto. Itiniklop niya ang mga tuhod at pinatungan ng unan ang nakadisplay niyang hita, salamat sa maiksing damit na suot niya. Isa pa, naaasiwa siya sa tingin nito. "Hindi." Nag-umpisa na ang sayawan at palalim na din ang gabi. Wala ang mga tiyuhin niya at siguradong nakikipag-inuman ang mga iyon. Si Randey naman ay may date daw sa invisible girlfriend nito. Lumapit ito at umupo sa harap niya. "You should dress like that often and I'm sure, magkakandarapang manligaw ang mga "bro" mo sa'yo." Sinamaan niya ito ng tingin. Napakamot ito ng batok. "Sorry na. Hindi ko naman ini-expect na ganyan ang ipapadala ni Lola e. I thought, since she knows you, she'll buy something you'll love, right? But I guess Lola was just being playful." Umiwas siya ng tingin. May point ito, si Lola Sally nga naman ang bumili ng damit. "Oo na, umalis ka lang sa harap ko," pagtataboy niya. "Pero ayokong umalis ng hindi ka kasama. I can't go knowing na nagmumukmok ka dito. Come on, Joeuanna, you look beautiful in that dress, wala kang dapat ikaasiwa. Isa pa, lola will surely asked me kung anong nangyari dito, and I don't like lying to her." Bumuntung-hininga si Joeuanna. Ang lakas talaga ng panakot nito sa kanya. Ayaw naman niyang magtampo sa kanya ang matanda.  Pikit mata niyang inabot ang nakalahad na kamay nito at tumayo. "Ayokong makipagsayaw. Sasamahan lang kita, maliwanag?" Nagsalubong ang kilay nito. "Where's the fun in that? Hindi ba't nandito tayo para magsaya?" Akma siyang babalik ng hilahin siya nito. "Ano ba, Blake!" "Don't worry, Joeuanna., I won't let you dance with anyone else tonight. Ako lang ang magiging partner mo," anitong kumindat pa. Pakiramdam niya tuloy, umakyat ang dugo sa mukha niya. Salamat na lang at medyo madilim na ang daan papunta sa plaza. "And to be fair, I promise hindi rin ako makikipagsayaw sa iba. I'm all yours tonight." ********
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD