9

1604 Words
Days passed so quickly, lalo na kung hindi mo pinapansin ang pagdaan nito. Blake couldn't believe na nasa kalagitnaan na ang May and one week more ay babalik na siya ng Maynila. Gusto man niyang mag-extend gaya ng hinihiling ng lola niya, he can't. Nathan's going somewhere at walang maiiwang mamahala sa coffee shop nila. Eila can't either dahil sinusuportahan naman nito ang Blue Moon Restobar at Cafes ni Jarvis. He must admit that not seeing Eila did make him think about her less. But the pain is still there. He sighed habang nakahiga sa papag, sa likod ng bahay ng lola niya, a telescope in his hand habang nakatingin sa langit. "Pinapatawag ka ni lola..." Nilingon niya ang nagsalita and saw Joeuanna, who's still the same, only they got closer. No more death glare to dealt with, her sarcasm lessens too, pero dumalas naman ang natatanggap niyang hambalos at sapak dito. She's a little sadistic that way but he guess ganoon ang nakasanayan ng babae. "Uy, may ganyan ka? Patingin naman..." wika nito at hindi na hinintay pang makasagot siya, tumabi na ito sa kanya at hinila ang telescope. Rascal. "Yeah, Inilabas ko cause I remember there's a meteor shower tonight." "Wow....so ganito pala sila tingnan kapag may telescope," she said, totally ignoring him. Napailing si Blake habang tinitingnan ang nakasama niya sa mga nakalipas na araw. Nag-eenjoy naman siya sa bakasyon niya. Marami na silang napuntahan na pyestahan, kainan at sayawan ni Joeuanna, bukod doon sa Seco Island. May ilang binyagan at kasalan din. Iyong iba, naiimbita ang babae para maging ninang at bridesmaid. Pumayag naman agad ito, maliban doon sa kinailangan ng gown. As usual, alergic sa bestida ang babae. But he persuade her to join, together with Lola Sally kaya napapayag din ito. He remembered seeing her the prettiest that day. May igaganda pala talaga ito kapag inayusan. "O..nandito ka pa? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko kanina? Pinapatawag ka ni Lola Sally kaya alis na..shoo..alis..." Pinitik niya ng mahina ang noo nito na bumawi din, mas malakas nga lang kaya bago pa ito makaulit, tumayo na siya. "kung makataboy ka, akala mo naman, aso ako..." "Huh? Wala naman akong sinabi a?" anito habang nakatuon sa telescope. Hindi na niya ito sinagot. Tinungo niya ang lola niya na naghahanda ng hapunan nila. "Lola, pinatawag niyo daw ako?" "Hindi a.." sagot nang lola niya that he scoffed. Naloko na naman siya ni Joeuanna. Ilang beses na nitong nagawa iyon at siya naman, he didn't seem to get tired of falling from her silly tricks. "Ano na naman ang ginagawa ni Joeuanna dito?" "Tinuturuan kong magluto, alam mo kasi hindi mo maaasahan sa pagluluto ang batang iyan. Palibhasa nasanay kina Jaime at Jacinta, idagdag pa ang tatlong tiyuhin na mahilig sa kusina, kaya ayan, tagatikim at kain lang siya." "Buti napapayag niyo..." "Siya ang nagpiprisenta kapag napunta siya dito sa bahay. Gusto niya daw matuto at baka makaluwas siya ng Maynila pagkatapos ng bakasyon. Naghahanap yata ng mapapasukan doon at hindi na naman siya makakapagpatuloy sa pag-aaral ngayong pasukan." Kumunot ang noo niya. "Bakit naman po?" "May kamahalan din kasi ang kolehiyo. Bukod sa malayo, doon pa iyon sa ikalimang bayan, ay hindi kaya ng lolo at lola niya. Nagbabayad pa daw sila ng utang ngayon dahil sa pagpapagawa ng bahay at palayan na nasira ng bagyong Yolanda. Iyong tatlong tiyuhin niya naman na iyon ay hindi niya maaasahan. Kulang pa sa bisyo nila ang kinikita." He opened his mouth for another question when her voice rang in panic, "Blake! Blake! Halika dito, dali!" Agad niyang nilapitan ang babae na nagpapalag pa, buti hindi nito nasagi at natumba ang stand ng telescope. "Ano iyon?" "May shooting star. Hindi, meteor shower ata..." Hinila siya nito kaya napilitan siyang humiga ulit sa tabi nito. "Tingnan mo..." Ibinigay nito ang telescope habang ngiting-ngiti. She probably love stars like he do, base sa reaction nito. He look at the telescope, may mangilan-ngilan ngang shooting star. "Meron pa ba?" she asked na tinanguan niya. She then felt her grabbed the telescope away from him again. "Hiling lang ako.." anito and closed her eyes, hand holding the telescope tightly. Muntik pa siyang tamaan ng telescope ng bumaling ito sa kanya. "Your turn." "Turn to what?" "Make a wish," impatient na sagot nito. "Tsk, pambata lang iyan. Ang tanda-tanda mo na, naniniwala ka pa sa ganya- Aww!" Napahimas siya sa brasong tinampal nito. "Panira ka naman ng trip e," nakasimangot na reklamo nito. "Sino kaya ang malakas ang trip sa'tin? Pinatawag mo ako, hindi naman pala ako hinahanap ni lola. " Tinawanan lang siya nito. "What did you wish?" "Akala ko ba matanda na ako para sa wish, wish na iyan, so ba't ka pa nagtatanong?" "I'll make one kapag sinabi mo sa'kin ang wish mo. Kahit isa lang sa mga hiniling mo.." hamon niya sa babae na tumaas ang kilay. "Okay.." anitong tinitigan siya ng matagal. Madami ba itong nawish at nahihirapan kung ano'ng isishare sa kanya? "I wished na sana, maalala ako ni Key." Kinunutan niya ito ng noo. Ilang beses na rin niyang narinig ang Key na iyon pero never pa niya nakita or natanong sa babae. "Who's Key?" "Wala ka na roon. Wish na, dali!" Tumingin muna siya sa telescope at nag-abang ng shooting star. A couple of seconds passed bago siya nakakita. He closed his eyes and wished. Wished that he'll find someone else to replace Eila in his heart. "Ano'ng hiniling mo?" Usisa ni Joeuanna sa kanya habang tinatabi niya ang telescope. "Wala ka na roon," panggagaya niya. "Madaya ka naman e.." reklamo nito na nginisihan niya. Siyang tawag ng Lola Sally niya at kakain na daw sila ng hapunan. Nagkatinginan sila, both grinning dahil sa nakagawian nila lately-ang magpaunahan sa paglapit kay Lola Sally whenever she calls. He yanked and pushed her away sa pintuan para maunang tumakbo but she didn't let go of his hand. She even managed to wrap her arms from his back and clang in there like a tarsier. He's running was useless. He's only dragging Joeuanna with him. "Ano ba namang mga bata ito, malalaki na't lahat, nag-uunahan pa din kayo? Mamaya, may mabasag ulit kayo sa koleksyon ko e." Napabitaw si Joeuanna sa kanya at nagtatawanan na lang silang naupo sa hapag-kainan. Excited siyang sumandok pero nabitiwan niya iyon ng hampasin siya ng lola niya. Tumawa si Joeuanna at binilatan pa siya. He swear, kung hindi ito amazona, childish ito. Siya naman, nagpapahawa. Napapailing na lang siya at sinipa ang paa nito sa ilalim ng mesa. Nanlaki ang mga mata nito at syempre, hindi nagpatalo. Kung hindi pa sila binatukan ng lola niya ay hindi sila titigil. Natatawang nagsorry sila dito bago nagsign of the cross as his Lola said a prayer before they finally eat their dinner. ********** "Joe! Pinapatawag ka nila Floyd. Birthday niya daw at may inuman doon, gaya ng nakagawian." Napataas ang kilay ni Joeuanna. At kailan pa siya nagawang imbitahin ni Floyd sa birthday nito? Tumikhim si Peter at inginuso ang bahay ni Lola Sally. "Isama mo daw iyong tisoy na bakasyunista, sabi ni Fancy." Ayon, at ang kambal pala ni Floyd ang may sala. Napalingon siya sa palapit na si Blake. Pauwi na nga't lahat, naiimbita pa din. "Gusto mo daw mag-inuman?" "Akala ko ba tapos na ang mga pyesta?" kunut-noong tanong nito. "Hindi pa, meron pa sa katapusan. Pero hindi iyon ang pupuntahan natin kung sakali. Birthday." Binalingan nito si Peter. "Birthday mo?" "Hindi, inutusan lang akong imbitahin kayo. Sige na, punta na kayo o..lagot ako sa kambal na iyon kapag hindi ko kayo napapunta. Kahit dumaan lang kayo saglit," nagmamakaawa hindi lang boses kungdi maging mukha ni Peter. Naiintindihan niya naman iyon dahil sa ugali at reputasyon ng kambal. What they want, they get ang drama ng mga iyon. Palibhasa, may kaya. "Pupunta ako kapag pupunta si Joeuanna," sabi ni Blake na ikinailing niya bago tinanguan ang natuwang si Peter. Nagpaalam muna sila sa mga matatanda bago umalis. Maingay ang bahay nila Floyd at Fancy pagdating nila. Maraming tao at halatang bongga ang selebrasyon ng kambal. Agad silang sinalubong ng dalawa. Umangkla pa si Fancy kay Blake na ikinataas ng kilay niya. Siya naman ay inakbayan ni Floyd at iginiya sa nag-iinumamg barkada nito. "Joe, buti dumating ka? Kumain na ba kayo?" tanong ni Will, kababata niya. "Nakakain na kami bago dumating si Peter," sabi niya at inabot ang bote na binibigay ni Floyd. "Kami? Kasama mo naman si tisoy, Joe? Saan na siya ngayon?" anitong luminga-linga pa. Nagkibit-balikat siya at tinuro ang pwesto ni Blake na pinalibutan ng mga kaibigan ni Fancy. "No choice e.." Sumali siya sa usapan ng mga ito. Magmula sa mga nangyaring pyesta hanggang sa naging laban ni Pacquiao habang pinapapak ang sisig na pulutan nila. Pero tila hinihila siyang tingnan si Blake dahil maya't-maya niya itong nililingon. "Ehem, ehem..baka matunaw, Joe. Pagbigyan mo na munang lumandi ang kambal ko, birthday niya naman," sabi ni Floyd at muli siya inakbayan. "Ako na lang kasi ang tingnan mo, ako itong nasa tabi mo ngayon e." "Happy Birthday pala Floyd pero pakitanggal na lang ng braso mo, pwede?" Naiinis na siya, hindi lang dito, kungdi pati sa sarili niya. Itinaas naman nito ang mga kamay sa ere habang muli siyang tumungga ng ikawalong bote ng alak. Hindi siya nag-aalalang malasing, malakas ang tolerance niya. Ang inaalala niya ay ang inis na kumakain sa sistema niya habang nakikitang nag-eenjoy si Blake sa mga kasama nito. Napatuwid siya ng upo ng makitang tumingin ito sa kanya. Ngumisi pa ito at kinindatan siya. Panay din ang tungga nito ng alak. Mukhang nag-eenjoy talaga ito sa mga babaeng nakapaligid dito na maya-maya ang hampas, kung hindi ay hawak sa lalaki. Tinungga niya ang pang siyam na bote ng makitang nilapit ni Fancy ang mukha nito kay Blake. Kinurap-kurap niya ang mga mata, dahil parang naghahalikan na ang dalawa.  Naihagis niya sa inis ang hawak na alak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD