"What's your problem, really?" Nakahalukipkip si Blake at nakasandal sa sidecar ng tricycle. Hinihintay nila ang mga tiyuhin ni Joeuanna na naunahan pa nitong matapos sa pag-aayos.
Pupunta daw sila sa Brgy Seco, isang isla sa karatig bayan na nagkataong may pyesta at ayon sa lola niya ay hindi niya dapat palampasin. Pinaalala pa nito ang camera niya para makakuha daw siya ng maraming larawan bilang remembrance.
Ngumuso ito. "Don't english me. I'm bleeding!"
"Ano'ng connection noon sa monthly period mo?" pang-aasar niya.
Natigilan ang babae, "Duh! Expression lang iyon. Ang ibig kong sabihin huwag mo akong englishin dahil ninu-nosebleed ako."
"Hindi naman a.." sinipat-sipat pa niya ito.
"Anak ng ahgdhshdjskf naman o..." napabuga ito ng hangin sa inis na ikinatawa niya.
"Bakit ba ang laki ng galit mo sa'kin?" he asked. Halos dalawang linggo na silang magkasama pero mabigat pa din ang loob nito sa kanya. "May kasalanan ba akong deserving ng ganyang treatment?"Natigilan si Joeuanna but didn't answer him. Umiwas lang ito ng tingin."I know noong una, I'm a little rude. And I'm sorry kung nainsulto ka sa pagtanggi kong sumakay sa tricycle mo. I guess mainit lang din ang ulo ko kasi napaka uncomfortable ng naging biyahe ko. But lately, hindi mo ba napapansin? I'm trying to befriend you, Joeuanna."
Again, she didn't answer. Bumuntung-hininga lang ito.
"Kung ayaw mo talaga, tell my grandma. No, ako na lang ang magsasabi sa kanya na ayaw ko sa'yo. But of course, she'll ask why. Ano'ng gusto mong isagot ko?"
Kumurap-kurap si Joe at tumingala pa sa langit. Wala siyang pakialam kung weird ang dating ng ginagawa niya pero effective naman iyon. Nagbilang ulit siya sa isip ng ilang tupa bago sinalubong ang magagandang mata ng lalaki. "Ikaw ang nakaisip niyan, ikaw din dapat ang may ideya kung ano'ng sasabihin mo kay Lola Sally."
Nagsalubong ang kilay ng lalake. "I really don't get what Lola liked about you. She seemed to be your fan that I can't stop her from talking about you. I actually admire the girl na dinidescribe niya. Pero hindi ka naman ganoon sa harap ko so probably, it's all made up.."
Tumikhim siya at sinikap kalmahin ang sarili. Inayos pa niya ang manggas ng suot na t-shirt. Ano naman kayang pinagkukwento ni Lola Sally dito? Sana naman huwag iyong mga girl talked at kapalpakan niya.
"Pero may kasalanan ka din sa'kin. And you're supposed to say sorry too," nilapitan siya nito at tumabi sa upuang kawayan.
"W-wala akong kasalanan sa'yo ano..ba't ako magso-sorry? Asa ka!" Tumayo siya at lumayo dito. Siya namang labas ng mga tiyuhin niya.
"Joe! Ano ba naman iyang suot mo?" sita ng Tito Jack niya.
"Bakit?" Pinasadahan niya ang sarili. Naka tsinelas siya na islander, maong short na hanggang tuhod, puting T-shirt, at cap na may printang 'Welcome to Seco Island!' Souvenir niya iyon last year galing sa kababata niyang si Randey. "Ano'ng mali dito?"
"Magpalit ka nga doon.." tinulak pa siya ng Tito King niya papasok ulit ng bahay. "Iyong mas matino pa diyan at sasali ka sayawan mamaya."
"Ano? Tito naman, ayoko nga!" Suki siya ng mga pyesta, oo. Pero hindi siya kailanman sumali sa sayawan. At least, simula ng matigil siya sap ag-aaral sa kolehiyo.
"Chance mo na ito at maraming dayo doon. Baka mahanap mo na din ang mapapangasawa mo."
"Ayon...at gusto niyo lang akong makapag-asawa agad. Bakit ba kayo nagmamadali para sa'kin? Ba't hindi kayo magmadali para sa sarili niyo? Di hamak na mas matanda naman kayo kaysa sa'kin," sabi niya pero hindi pinansin ng tatlo.
"Naghihintay iyong kaibigan mo doon. Ayaw mo na ba siyang makita dahil-?"
"Tito King! Matino siya, okay? Huwag nga kayong magpapaniwala sa tsismis." May kumalat kasi na nababaliw na daw ang kaibigan niya.
"Lakad na kasi. Baka mahuli pa tayo sa bangka.."
"Eh Tito..." nagdabog pa siya.
"Sige na, kahit simple lang basta magmukha ka namang babae," tulak ng Tito Speed niya.
Kumakamot ng ulong napilitan siyang pumasok ng bahay at nagpalit, three fourth blouse ang nakuha niya at isang skinny jeans. Niinis niya pang hinila iyon dahil nasasakal siya sa sikip nito. Kinuha din niya ang sandals sa isang sulok pero hindi niya iniwan ang sumbrero.
Paglabas niya, apat na pares ng mata ang tumingin sa kanya. Tumangu-tango ang mga tiyuhin niya.
"Mas bagay," sabi ni Jack.
"Mas mukha ka ng babae, Joe," ani King at tinap pa ang ulo niya.
Binigyan naman siya ng thumbs up ni Speed. Nairolyo niya ang mga mata sa inis. Nagpapasalamat nga siyang wala siyang kapatid pero itong tatlong tiyuhin naman ang meron siya.
Si Tito King niya ang nagdrive ng tricycle, sila Jack at Speed sa loob at silang dalawa ni Blake ang nasa backride. Kanina pa ito nakatingin sa kanya at naasiwa na siya. "Ano ba?" sita niya.
"I think mas bagay ang suot mo kanina.." sabi nito na ipinagtaka niya. "Masakit sa mata ang figure mo, paano ka niyan makakahanap ng mapapangasawa?"
Sasapakin niya sana ito pero napigilan nito ang mga kamay niya. "Oops, hindi uubra sa'kin ang pananapak mo, Joeuanna." Nakangisi pa ito kaya naman naiinis niyang binawi ang mga kamay. "At isa pa, nagbibiro lang ako. Bawal ba iyon?"
Inirapan niya ito, "Hindi tayo close kaya huwag kang feeling..."
"Pero wala akong choice. Actually ikaw din. We're stuck to each other sa ngayon at gusto kong maging masaya sa bakasyon na ito. Hindi iyong ganito na parang galit sa'kin ang supposed to be tour guide ko."
"Tss... bakit hindi ka na lang kasi magpaiwan? Bahala ka na magpaliwanag kay Lola Sally."
"Hindi ako sinungaling, okay?"
"Hindi daw..." bulong niya.
"Tell me kung ano'ng gagawin ko para bumait ka naman sa'kin gaya ng sabi ni Lola."
Remember me. Iyon ang gusto niyang sabihin pero hindi niya ginawa. Sa halip, iba ang tinanong niya. "Bakit ka bumalik dito sa Cargelria?"
"Err... Dahil Lola wants me to..."
"Matagal ng gusto ni Lola Sally na bumalik ka. Pero hindi ka pumunta. Iyong totoo, Blake," seryoso niyang tanong. Natahimik ito at tila alangan pa bago nagsalita.
"Let's just say that I'm on the process of forgetting someone. Sa ngayon... let's be friends and who knows, maybe in time, I'll share my story with you."
Natahimik siya bago tumangu-tango. "Forgetting..." tila wala sa sariling banggit niya. "Paano nga ba gawin iyan?"
"Hindi rin ako sigurado," sagot nitong nakatingin sa dinadaanan nila. "But I'm hoping, this, iyong pagpunta ko dito will help. I have to do this or I'll never move on. After everything that I've done, I think I owe this to myself." Nilingon siya nito at ngumiti. At alam niyang sincere iyon.
"Bakit?"
"Ano'ng ibig mong sabihin?"
"Bakit kailangan mo siyang kalimutan? Hindi ka ba niya minahal?"
Natigilan si Blake at tinitigan ang babae. He's looking at her eyes na punung-puno ng pagtataka. Ngumisi siya, "Bakit? Hindi ka ba makapaniwala na sa tisoy kong ito, may tatanggi pa din?"
Sumimangot si Joe, "Ah..alam ko na kung bakit hindi ka niya minahal. Nayabangan sigurado sa'yo."
Tumawa siya ng mahina bago nagseryoso. "Ewan ko din kung bakit...Siguro kasi, hindi porke mahal natin ang isang tao, ibig sabihin noon mamahalin ka rin niya. Siguro kasi, hindi lahat ng gusto at pinapangarap natin, pwede nating makuha. Iyong iba, they'll keep as far as the stars. Meant to be looked up but we can never claim or call as ours."
"Siguro nga," maiksing sagot ni Joe. Aaminin niyang tama ito and she knew exactly what he meant.