5

1346 Words
"Si Blake nga pala, apo ni Lola Sally." Hindi na mabilang ni Joe kung ilang beses niya ng nagamit ang linya na iyon sa ilang araw na pagpapasyal niya kay Blake. Kulang na lang mag voice record siya at ng sa ganoon, kapag may magtatanong, ipi-play niya na lang. Hay, kapag mamalasin ka nga naman. "It's nice to meet you, Blake. Hindi ko alam na may gwapong apo si Lola Sally," sabi ni Violet (kaklase niya dati noong highschool), na sinang-ayunan ng mga kaibigan nito. Tumaas ang kilay ni Joe. Kahit kailan talaga mga  malantod. Kungdi ba naman, ito pa talaga ang lumapit sa kanila na nananahimik lang habang namamasyal. Napasimangot siya sa isipan habang tinitingnan si Blake na kontodo ngiti at pakikipag-usap sa mga ito. Friendly naman pero sa kanya poker face. Nakakainis kaya iyon, sila itong laging magkasama, pero parang mas close pa ito sa mga nakakasalubong lang nila. "Sali ka sa'min Blake," aya ni Aila. Naliligo kasi ang mga ito sa man-made pool sa Aguila, karatig bayan lang ng Cargelria. Napasulyap sa kanya si Blake. Umiwas siya ng tingin. Kung gusto nitong maligo, e di maligo siya. "Sorry, pero may lakad pa kasi kami after this kaya hindi pwede," sagot nito. "Awwwww..." chorused ng mga babae na ikinairita niya lalo. Nakakabwisit pakinggan. "Sayang naman," dugtong ni Violet. Humugot siya ng malim na hininga, nagbilang ng ilang tupa sa utak niya hanggang sa kumalma siya. Sabi nga ni lola Sally, bakasyon lang ito. Pagkatapos ng summer, babalik na si Blake sa Manila. Matitigil na din siya sa pagsasama dito, mawawalan na siya ng extra baggage, at hindi na niya kailangan makipagplastikan sa mga babaeng gustong makilala ito. Pagmulat niya, isang mapanuring tingin ang sumalubong sa kanya. Wala na din sila Violet, bumalik na sa pakikipagharutan sa tubig at mga lalaking kasama nito. Nagulat pa siya at napaurong ng hawakan nito ang noo niya. "Are you sick?" "H-huh? B-ba't mo naman nasabi?" natatarantang tanong niya. First time magpakita ng concern nito kaya naman nakakagulat. Idagdag pa ang biglang lapit nito sa kanya kaya naamoy niya lalo ang pabango nito. Nahihilo siya, nahihilo siya sa lakas ng t***k ng puso niya. Kumunot ang noo nito. "You look tired. Bakit hindi na lang tayo umuwi? Tama na muna itong gala natin." "P-pero..." "Come on. Nagpapasalamat ako na kahit napipilitan ka lang to do this ay ginagawa mo pa din. But it's different kung magkakasakit ka na. " "Hindi...okay lang ako." "Don't be stubborn, okay? We're going back." Napasunod ng tingin si Joe sa lalaki at nagkibit-balikat na sinundan ito. Binilang niya ang mga hakbang para kahit papaano ay kumalma at umayos ang isip niya. Napapalatak pa siya ng tumigil ito sa paglalakad. Interseksyon na kasi ang daan na nasa harap nila. Tumaas ang kilay niya at hindi napigilang ngumisi. "Don't look at me like that, we have to hurry at mukhang uulan pa. Where's the right way?" "Right here." Blake's brows meet. "Niloloko mo ba ako?" he asked, looking at the girl, her hands in her chest. She must be really sick. The girl seemed to snap out from what occupied her mind. She blinked a few times bago tila namula ang mukha. Nagpeace sign ito sa kanya at ngumisi, "Peace." "Tsk. Where's the right way?" ulit niya. "Sa kanan. Pero tutal nandito na lang din tayo, bakit hindi natin puntahan ang hanging bridge doon sa unahan. Malapit lang iyon, mga five minutes na lakad." Napatingin siya sa langit, nagdidilim na pero mukhang hindi pa naman babagsak ang ulan. "Okay," he agreed na ikinangiti nito. Napailing na lang siya dahil obviously, Joe is excited to go to that hanging bridge. "Oh wow..." sabi niya at lakas loob na lumakad papunta naghihintay na hanging bridge. Mga dalawang metro, mula sa unahan. Ang haba noon at mukhang matibay naman ang pagkakagawa. Pero dahil sa tarik ng lugar plus the fact na he's afraid of heights, agad niyang ibinalik ang tingin palayo doon. Nagulat pa siya ng hindi makita si Joe sa tabi niya. s**t! Baka nahulog na ang babaeng iyon dahil sa kalikutan. "Blake! Whoho! Halika! Ang ganda ng view dito!" Tarantang napakapit si Blake sa railing ng umuugang hanging bridge dahil sa pagtalon ni Joe. s**t! Tila babaliktad ang mundo niya at mukhang siya ang mahuhulog. Sinikap niyang marating ang pinanggalingan, halos pikit-mata pa siyang naglakad. Kung lakad nga ba iyong nagawa niya. "Blake!" sigaw ni Joe na tumigil sa pagtalon at nagmamadali siyang nilapitan. Sapo niya ang sikmura at naupo sa damuhan, habol ang hininga na tumingin sa kalangitan. s**t! Mukhang aabutan nga sila ng ulan.   "Okay ka lang?" tanong ni Joe at hinawakan ang kamay niya. Sinapo nito ang noo at leeg niya. "Ano'ng nangyari sa'yo?" "I..I guess I'm the one not feeling well so, ngayong nakita ko na ito, pwede na ba tayong umuwi?" "Hindi ka kukuha ng pictures?" she asked habang nakatingin sa camera na nakasabit sa leeg niya. "Hindi na," umiwas siya ng tingin. He can't admit that he's afraid of heights. Knowing Joe's attitude, mula sa pag-oobserve at pagkukwento ng lola niya, aasarin lang siya nito lalo. "Okay..." Inalalayan pa siya nito na tila ba hindi siya magkagulapay sa kalasingan. It looked like she's been doing it her whole life. Sabagay, tatlong tiyuhin na puro lalaki at mga binata, it shouldn't be a surprise. "Okay lang, Joeuanna. Kaya ko na ito..." aniya at lumayo sa babae. "Pati ba naman ikaw? Joe nga di ba? Apo ka nga ni lola Sally," naiinis na binitawan siya nito. Another Joe's trait. She easily gets pissed. Bagay na his lola disagreed ng minsang magkwento siya on how his day went. Kasi napakapasensyosa daw ng babae. Well he guessed na sa kanya lang ito ganoon. She's forced nga naman to be a tour guide of a complete stranger. Siguro he need to break that ice between them para kahit paano, she'll be happy with what she's gonna do. "Joeuanna...Joeuanna....Joeuanna..." he said in a husky voice na ikinalaki ng mga mata pati butas ng ilong nito. Now she's really pissed. She stomped her feet at iniwan siya pagkatapos magpakawala ng isang frustrated na sigaw. Napahalakhak naman siya sa reaction nito. Other girls would love to hear their name coming from his mouth, even Eila. Natigilan siya and shook his head. He should keep in mind that thinking about Eila is bad, thinking about Cargelria is good. Ibinalik niya ang pansin kay Joeuanna.  Maganda at unique naman ang pangalan nito, and yet she insist on using a male's name. It's not like mababago ang gender nito by doing so. At hindi rin iilang lalaki ang napansin niyang pasimpleng tumatakaw ng tingin at humihirit dito. She was just oblivious dahil 'bro' daw sila. Napatakbo siya pasunod dito ng magsimulang pumatak ang ulan. "Joeuanna wait!" "Tse!" she shouted back at binilisan pa lalo ang paglakad. Tila mga basang sisiw silang nakauwi sa Calgeria dahil malakas pala ang ulan doon. Joe is still silent and keeps on throwing him her death glares na nakasanayan na niya sa ilang araw na kasama ito. "Saan ka pupunta?" she asked na ikinatigil niya sa pagsunod dito. Tumingin siya sa paligid, "Hindi ba bahay niyo ito?" "Alam mo pala e ba't andito ka pa? Doon ka sa kabila! Nagdedeliryo ka na yata at naliligaw ka na." "Tsk. It's not that. Hinahatid lang kita." She rolled her eyes at him. "Mukha ba'ng kailangan ko ng tagahatid?" "Oo naman," chorused ng tatlong boses na ikinagulat nilang dalawa. Ang mga tiyuhin ni Joeuanna lang pala at naghahapunan sa sala habang nanonood ng balita.Binati niya ang tatlo, maging ang lola at lola ni Joeuanna na mabuti na lang at magiliw sa kanya. "Pasensiya na po kung naabutan kami ng ulan.." "Naku, ayos lang iyon apo at iyang si Joe ay talagang hilig na naliligo sa ulan. Huwag kang mag-alala at immune na iyan," sabi ng Lola nito. "Umuwi ka na! Baka matuluyan ka sa not feeling well mo kanina," Joeuanna pushed him out of the door. "Uy....concerned..." chorus ulit ng tatlong tiyuhin nito na ikinangisi niya. They are of course, obviously pissing Joeuanna. Hobby na yata ng mga ito na makitang mangiyak-ngiyak sa inis ang pamangkin. "Ewan ko sa inyo!" she said at tumalikod sa kanila. Natatawang nag-apiran ang tatlo. Si Lolo Jaime, na siyang pinakamalapit sa kanya ay naghigh five sa kanya bago siya itinaboy pauwi. Baka nga daw magkasakit siya. *********
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD