NAKATINGIN ako sa malayo habang malalim na nag-iisip ng gabing iyon. Nakaupo ako sa balkonahe ng mansiyon na nasa second floor. Nagpapahangin at umiinom ng wine. Hindi ko maiwasang mag-alala para kay Alice. Kumuyom ang magkabilang palad ko nang maalala ko ang nangyari noong nakaraang araw sa pagitan namin ni Patrick. Patrick Dela Vega, a bachelor at patay na patay kay Alice Villanueva. Sa aking girlfriend. Pagdating ko ay dumiretso akong pumunta sa opisina namin. Ngunit natigilan ako nang makita kong nakatayo si Patrick habang nakasandal sa may pintuan ng opisina namin ni Alice. Matalim ang tingin niya sa akin at nakahalukipkip ang mga braso. "You are blocking my way," matigas kong sabi. Pinihit ko ang door knob ng pintuan ngunit napatda ako nang hawakan ni Patrick ang braso ko nang m

