NATARANTA ako nang may tumawag sa cellphone ko. Isa sa empleyado ng company. Bihira lang kasi ito mangyari. Naisip kong baka may mahalagang kailangan lang ang tao. Busy ako sa pag-drive ng kotse ko papasok sa opisina. Mali-late na ako sa pagpasok ko. It's already 8 AM in the morning. Sinagot ko ang tawag. "Hello." "Ma'am Alice, nasaan na po kayo?" tanong niya na nababahala. Napakunot ang noo ko sa tinig ng boses niya. "Bakit? I'm on my way na..." sagot ko na may halong pagtataka. Wala sa opisina sina Mom at Dad. Mamaya pa silang 9AM papasok. "K-Kasi po..." nag-aalangan niyang sabi. "Kasi?" mahinahon kong tanong. "Ma'am, bilisan niyo po! Kanina pa po kasi nag-aaway sina Sir Dexter at Sir Patrick!" naghihikahos niyang saad. Nagsalubong ang mga kilay ko sa narinig. Bakit naman mag-aa

