Abala ako sa pag-aayos ng aking sarili. Nakasuot ako ng simpleng coctail dress na kulay gray hanggang tuhod na gawa sa silk ang tela. May slit ito na hindi gaanong mahaba. Katamtaman lang para makita nang bahagya ang aking hita. Kailangan ko pa rin maging pormal. "Hija, nariyan na si Sir Dexter sa baba," sabi ni Yaya Ising habang nakadungaw sa aking pintuan. Nilingon ko siya "Alright, Yaya Ising pakisabi ho bababa na po ako." Ginawaran ko siya ng isang ngiti at muli kong ibinalik ang atensyon sa harapan ng salamin. "Sige, Hija. Sasabihin ko sa kaniya." Saka umalis si Yaya Ising para puntahan si Dexter. Kaunting makeup lang ang inilagay ko sa aking mukha. Katulad noon ay simple lang ako pagdating sa mga ganitong okasyon. Inimbita ako ni Dexter sa kanilang mansyon. Gusto raw akong maki

