Bumangon ako sa aking pagkakahiga sa aking kama nang marining ko ang alarm ng cellphone ko. Umunat-unat pa ako ng buong katawan ko. Mabilis kong inapuhap ang cellphone ko na nasa tabi lang ng unan ko. Lumapad ang ngiti ko habang hawak-hawak ko ang cellphone ko. "Gising na kaya siya?" tanong ko sa sarili. Maaga pa at alas-6 pa lang ng umaga. Napangisi ako dahil sumagi sa isip ko ang usapan namin kagabi ni Alice. Iyong inaantok na kami pareho pero gusto pa namin na magkausap. Nag-send ako ng message sa kaniya. "Good morning, baby. I miss you... See you later." "Mag-iingat ka sa pagpasok mo, I love you!" Kagat-kagat ko pa ang pang-ibabang labi ko dahil sa saya. Hindi kasi ako makapaniwala na sinagot na ako ni Alice. Hindi ko expect na sa Tagaytay mangyayari ang magandang alaala. Sumeryos

