Chapter 32 (ALICE)

2112 Words

Napaawang ang labi ko nang pagdikitin ni Dexter ang mga noo namin habang marahan na sumasayaw. Napalunok ako ng laway ko dahil pakiramdam ko ay nanuyo ang lalamunan ko. Diyos ko po! Kanina pa ako mamatay-matay sa kilig Dexter. Sana hindi na matapos ang gabing ito na magkasama kami. Ipinikit ni Dexter nang marahan ang kaniyang mga mata. Lumunok pa ito ng kaniyang laway bago magsalita. Ramdam ko ang mabigat na paghinga naming dalawa sa isa’t isa sa sobrang lapit ng mukha naming dalawa. “Sana mapatawad mo ako, baby. Hinding-hindi na kita sasaktan ulit,” namamaos niyang sabi. Pakiramdam ko ay gusto kong umiyak. Naramdaman ko ang pagiging sincere ni Dexter sa kaniyang sinasabi. Ipinikit ko nang mariin ang mga mata ko upang pigilan ang luhang namumuo sa mata ko. Para akong kinurot sa puso ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD