Tahimik lang akong nakaupo sa loob ng kotse ni Dexter. Napansin ko na panay ang sulyap niya sa akin. Napansin niya sigurong nag-iba ang mood ko. Saan naman kaya ako dadalhin niyong lokong ito. Naalala ko tuloy bago kami umalis sa Sky Ranch ay hindi ko na siya pinansin pa. Nakahalukipkip ang mga braso ko dahil sa kyuryosidad sa aking isipan. Nakatayo ako habang nakasansal sa kotse ni Dexter. Sino kaya ang kausap niya. Tanong ko aa aking isipan na kanina ko pang gustong tanungin. Pagkatapos niyang makipag-usap sa cellphone niya ay tinungo nito ang kinatatayuan ko. Seryoso siyang nakatitig sa akin habang papalapit. “What’s wrong, baby?” namamaos niyang tanong. Iniwas ko ang tingin sa kaniya at magbuntong-hininga. Nagkasalubong ang kilay niyang nakatitig sa akin. Tila binabasa niya ang nasa

