
~COMPLETED~
Lahat na akala niya ay normal ay hindi pala normal
Ang akala niya na ayos na ay hindi pala ayos
Ang tinuring niyang kaibigan tunay na kaibigan kaya?
Mapagkakatiwalaan ba ang mga tao sa kanyang paligid?
Ano kaya ang kanyang gagawin kung malaman niyang
Lahat ng akala niya sa kanyang buhay ay siyang magiging dulot nang kanyang pagbabago
Pagbabagong maaaring magiging umpisa sang hidwaan
Ang hidwaang hindi natin malalaman kung ang kapalit ay buhay ng iyong minamahal
Bata pa lamang si Choarla ay kinakitaan na siya ng talento sa lahat ng bagay wala siyang bagay na hindi niya alam ay tila lahat ng nangyayari sa mundong kanyang kinalakihan ay alam nya
“Choarla tara na kumain na tayo, tawagin mo na si daddy mo” tawag ng ina ni choarla mula sa baba ng kanilang bahay
“Yes mommy” sagot naman ng batang Choarla sa kanyang ina at dali dali siyang pumunta sa office ng kanyang ama
Akmang bubuksan sana ni choarla ang pintuan ay narinig niya na may kausap ang kanyang ama sa Telepono.
“Hindi ko yan magagawa sa ngayon dahil nga bata pa si Choarla wala pa siyang alam sa nangyayari sa mundong ito” sabi ng kanyang ama na siyang ipinagtataka niya kung bakit siya ang pinag uusapan ng kanyang Ama
“kaya nga bigyan mo pa ako ng ilang taong makikilala niyo din siya” huli niyang narinig mula sa kanyang ama dahil tinawag ulit siya ng kanyang ina
“Choarla nasan na kayo? Lalamig na ang pagkain anak” sigaw naman ng kanyang ina mula sa baba
“Yes mommy We’re coming” kinatok naman ni choarla agad ang opisina ng kanyang daddy
“Daddy lets eat”
“Coming anak” Sagot naman ng kanyang daddy sa kanya

