Jessica pov
"wahhhhhh kelan ka ba magigising choarla nababagot na ang mga ajouwa sayo di ka ba nagngangalay dyan sa kama mo uwaaahhh!!!" nakakarinding sigaw ni francine kanina pa to eh
Magmula nung inatake ang academy ng hindi pa malaman na nilalang ay nagkakagulo na ang lahat tinatanong kung nasira ba ang barrier na nakapalibot sa academy
Nagpadala na din ang higher council nag karagdagang security para sa mga estudyante
At ngayon ay hindi ko pa rin malaman kung bakit si choarla ang tinarget nila
Ano ang pakay nila sa babaeng to? At mag mula nang dumating siya dito ay marami na ang nangyayari
At isa doon ang pagpasok niya sa forbidden forest.
Magmula nang makita ko na nakapasok siya sa forbidden forest ay may mga katanungan ako sa isip ko
Is she a witch? That forbidden forest is only exclusive for witches and wizards at kami iyom pero hindi pa rin kami makapasok kaya dun napahiya ang buong pamilya ko
Also the forbidden forest holds the secret of the long lost princess of this land
The castle lies beyond that forest sabi ng aking ama pero theory palang daw iyon dahil only higher authorities including the headmasters and headmistress and tanging may alam kung nasaan ang kastilyo
Sino ka ba talaga choarla?
"CHOARLAAA!!!" at isang to ay kanina pa ngawa ng ngawa susungalngalin ko na to mamaya eh
Nakakadiri na yuck!! Kala mo naman tong si francine eh parang na comma si choarla
Halos 1 linggo na din na walang malay si choarla at sabi ng mga ajouwa ay parang nag undergo siya ng hibernation wala naman lason na nakita sa kanya mula nung nahimatay siya
At habang tumatagal siya dito sa clinic ay
Isa lang ang masasabi ko
Nagbago siya
I mean
Nagbago ang physical appearance niya i mean maganda namans iya nung pumasok siya dito at first impression ko sa kanya ay isa siyang dyosa pero ngayon
Mas lalo siyang gumanda wala atang kapangitan ang babaeng ito
At the same time
Parang lalong siyang lumakas
I can feel her aura at nakikita ko ito one of my hidden ability is to see someones aura ngayon lang ako nakakita ng ganitong klaseng aura
A colorfull aura yet darkness is there
I mean parang anytime dadami ang itim na kulay sa aura niya
At yun ang hindi ko alam
"Tumigil ka na nga dyan baka mas matuluyan yang si choarla dahil niyuyog yug mo!"
Bigla siyang tumigil at tumingin sa akin
Nang bigla siyang tumakbo sa akin at ako ang niyuyog yug niya ngayon
*facepalm*
"uwaaaaahhhh baka di na magising si choarla isang linggo na siyang nakaratay oh!!!!"
Pigilan niyo ako !!!!
Kakatayin ko na tung bruhang to kanina pa to eh
"Hmmm" napatingin ako kay choarla I mean kami ni francine
"Hmmm" nagulat kami dahil sa umungol si choarla parang may nilalabanan siya
Napatakbo kami kay choarla nang tingnan namin siya namumutla siya parang may humahabol sa kanya
Tinignan ko si francine at dali dali akong tumakbo sa pintuan
Ano ba ang nangyayari sayo choarla?
"I call the ajouwa superior!!" Sabi ko kay francine pero palabas na ako mg pintuan ng may maalala ako
"Please Wag mo munang patayin si choarla francine" Bumalik agad ako dahil baka patayin niya na si Choarla
Baka yugyugin niya naman yun mahirap na baka maalog utak ni choarla
Choarla POV
Nagising ako sa sa isang mahalimuyak na lugar
Hmm ang bango naman dito naka downy ata ang lugar na to
Naglalakad lakad ako dahil ang sarap ng hangin eh
Teka totoo ba to?
Kinurot ko ang kamay ko masakit napasobra ata ang pagkurot ko
Ibig sabihin totoo to?
Naglalakad lakad ako
Hanggang sa napadpad ako sa harapan ng isang gubat
Dead forest ang nakalagay sa karutala halata naman na patay na tung gubat na to ehh
Ewan ko ba kung anong nag urge sa akin na pumasok pero suddenly
May isang uwak na nakatingin sa akin creepy parang tinitignan niya ang bawat parte nang katawan ko
Mayamaya
I saw my self in a mirror
In a blink of an eye
No?
Iba ang kinikilos niya sa kinikilos ko
"HAHAHAHAHAHA ANONG AKALA MO SA AKIN?! UTOUTO MAGBABAYAD KA MAGBABALIK AKO AT PAGBABAYARAN MO ANG GINAWA MO SA AKIN MAG AAGAW KA!!!!"
Eh?!Anong inagaw? Mamaya pa eh nakita ko nalang ang sarili kong nakaangat sa lupa at hawak niya ang leeg ko
Errrr.....
Di ako makahinga
"T-t-teka a-a-anong g-g-g-ginawa k-k-ko s-s-sayo?!" Nagpupumiglas pa rin ako
Pero walang epekto sa kanya masakit niya akong tinignan at natakot ako sa kanya
Sa tanang nang buhay ko ngayon lang ako nakaramdam nang ganitong kaba
Pero nag pupumiglas pa rin ako
Hanggang sa unti unti na akong nawawalan mg lakas
Tila bumibigat na din ang talukap ng mga mata ako
At sa di ko na namamalayan nawalan na ako ng malay
"CHOARLA!!!CHOARLA!!!! GISING!!!!" Narinig kong sabi ni francine
"WAG!!!" Sigaw ko
"Choarla okay ka lang ba?? Choarla?" Tanong sa akin ng
NUNO?!
"UWAAAAAHHHH!!!!!!"
"Bakit Iha anong masakit sayo?" Tanong niya sa akin
"Ahh choarla ajouwa sila. Sila yung gumamot sayo parang hindi mo na sila nakita ah suki kana dito eh" sabi ni jessica sa akin
Kahit ano pa yan
Natatakot pa rin ako sa kanila nuno yang mga yan eh
At yun ang pinakakatakutan ko
Pero at the same time ang cute nila
Jessica pov
"She's fine maaari na siyang lumabas any time" masayang sabi ng alotha sa amin
Lumabas na siya kaya lumapit kami kay choarla na hanggang ngayon eh tulala pa rin
"Hello!!!!Earth to choarla buhay ka pa ba?!" Sabi ni francine
"Ah huh?"
"Bakit?" Tanong ko sa kanya
"Eh ah eh"
A e i o u? Kinder choarla?
*knock knock*
Binuksan ni francine ang pintuan
"Psh napag utusan lang ako kaya wag kayong feeler"
Geezz whats happening in this country
Isang jio sylvestre?
Pumayag utusan?!
And take note?
May oat meal pa siyang dala
"Tsss. Oh" linagay niya ang tray sa side table ni choarla
"Surprise?" he said that word with a smirking face teka anong namamagitan sa kanilang dalawa?
Tinignan niya si choarla Tska umalis
Huwat da heck is that?!
"EH?!" Sabay kaming tatlo
Whooo epic!!!!
Magsasalita pa sana kami nang bumalik siya
"Nga pala oh!" Padabog niyang ibinigay ang isang supot na hindi ko alam kung anong laman kay choarla
"Ano to?" Tanong ni choarla
"Basta kung hindi mo yan ininom humanda ka sakin"
Ipinakita niya ang isang fire ball na parang binabantaan niya si choarla
"O.o.o oo na iinomin ko nalang"
Natawa naman si jio
At yun ang mas nakakagulat
Ang fire user na kilalang mysteryoso, maldito, masungit, snobber at higit sa lahat hard headed
Tumatawa ngayon sa harapan namin at ang rason
Si choarla?!
"Scardy cat" lumabas na siya at iniwan kaming nganga
He 's really crazy
And a theory comes in my mind
Can choarla change his life after what happen 8 years ago?