Choarla POV
*swissssshhhh*
"AAHHHHHHHHH!!"napabalikwas naman ako sa higaan ko sa dahil sa isang nakakakiliti
No masakit na tumama sa paanan ko
Nakakagulat naman yun ano ba yung tumama sa paanan ko???
Bumangon ako nang makita ko ang dalawang babaeng tumatawa aba't mga hinayupak
Tinignan ko naman kung ano yung tumama sa paa ko sabay tingin sa kanila
Ano ba yung tumama sa paa ko? Kuryente ba yun??
"Tulog mantika ka pala.... Dapat pala palagi kitang tatamaan nang electric shot ko"
ELECTRIC Shot?! Tangna ang corny nang name hahahaha pero on the other hand
KURYENTE nga yun Pota pano pala pag tinamaan ako nun edi sunog na ako ngayon
"FRANCINE!!!!!" sigaw ko sa kanila
Kinuha ko naman ang unan ko ay tinapon sa kanila pero ang mga hinayupak umiwas
"Bakti kayo Umiwas!" inis kong sigaw sa kanila
"kung hindi kami umiwas edi tinamaan kami ng unan mo" natatawang sabi ni jessica habang umiiwas sa mga na tinatapon ko sa kanila
"AHHHHHH wag nga kayong umiwas!" I may sound childish but I dont like yung ginugulat ka sa pagtulog mo nandidilim yung paningin ko.
"mabuti nga lang at di ka tinamaan kundi natusta ka na sa electric shot ko" sabi ni francine
"kaya nga mabuti nalang at di ako tinamaan eh kung tinamaan ako edi namatay ako" angal ko naman sabay tayo at kinuha ko ang kumot ko at sabay hampas kina francine
Nang gigigil ako
"Eh ayaw mong gumising eh malalate na tayo kaya hala bangon na diyan at maligo na exactly 8 magstastart na yung klase natin mag aalmusal pa tayo" sabi ni jessica sabay tawa at takbo palayo sa akin kaya mas lalo akong nainis
Kung ginising nalang kaya ako nang maayos nilagay pa nila sa alanganin yung buhay ko eh
"hala sige hintaying ka namin" umupo naman sila sa kani kanilang kama at sabay labas nang mga kapangyarihan nila
I really can't believe na those powers exist.
Ako naman kumuha naman ako nang tuwalya, at pumasok sa banyo
Hugas doon, hugas dito
Sabon doon, sabon dito,
Punas doon, punas dito
Idedescribe ko pa ba kung saan ko pinupunasan?
Ayan tapos na ang bango ko na fresh! Pwede na akong humarap sa mga kaklase ko ang fresh ko na charot lang
Baka ibully lang nila ako dahil nga normal lang akon tao
Well nasanay din naman kasi ako sa pambubully ng ibang tao
Pagkalabas ko ng banyo ay napansin ko ang uniform ko na natung tung sa lamesa ko ang cute nang damit parang siya sa anime ang ikli nang palda above the knee ata to then may gatuhod na medyas hindi ba to mainit? Pero napansin ko din na medyo malamig ang school na to pero okay na din at medyo fitted na blouse dark ang color . Nakita ko naman ang name plate ko sophisticated ang design neto mukhang elite talaga ang school na to
Kaya I'm wondering what kind of school is this?
'Choarla cortez'
Sosyalan ang taray may pa name plate pa hindi na ako mag aabala sa papiprint nang pangalan ko para lang magka name tag tangna ang gastos kaya sa papel di naman tinitignan ang pangalan tinatanong naman kung ano ang pangalan mo
Tinignan ko naman ang papel na nakapatong sa lamesa ko
Eto nga pala yung schedule ko at nandito rin yung listahan nang mga kaklase ko
Tinignan ko naman kung sino sino sila at dalawang pangalan ang pamilyar sa akin
"oy magkaklase pala tayo?" tanong ko sa dalawang babaeng parang sinaniban nang masamang ispirito
Anong nangyari? May nangyari ba habang naliligo ako?
"talaga? Edi mabuti" ang ganda nang sagot nila synchronize pa sila niyan clap clap
Parang hind ako pinagtripan kanina ah sarap batukan
Pagkatapos naming mag-almusal dumeretso kami sa building na katapat lang nang dorm namin
Habang naglalakad di ko mapigilang lumingon dahil nakikita ko ang mga estudyante na tumitingin sa amin
Sa akin especially hindi ba normal ang bagong estudyante dito?
Di ba sila tumatanggap ng transferee?
Di ko na namalayan na tumigil na pala kami sa isang pintuan
Ang sosyal naman nang pintuan nila ang taray parang pangjapanese ang style sliding door parang gusto kong manood ng anime
"CLASSMATES MAY BAGO TAYONG KAKLASE!" Sigaw ni francine
Actually hindi siya sigaw may microphone siya sa lalamunan naka install na yun sa kanya
"So what?! Tsss."- sabi nung babaeng mukhang manika
Antaray niya ha
'Maganda pa nga ako sa kanya' narinig kong sabi nung babaeng manika
"so what kung maganda ka sa akin?" nagtaka naman si jessica sa inasal ko
"Sino kausap mo?" tanong nya sa akin
"yung babaeng manika di mo ba narinig ang sinabi niya?" tanong ko sa kanya
'Narinig na yun?' namumuro na tong babaeng to ha Bumubulong naman yung babaeng manika
"ano ba Miss manika kung bubulong siguraduhin mong di ko maririnig" nakita ko namang kumumot yung noo niya kaya I rolled my eyes to her
"What?!" nagulat niyang tanong sa akin
"who is she?" tanong ko sa kay francine
"Barbie doll she can manipulate dolls pero in the other hand kaya niyang imanipulate ang katawan ng tao"- francine
Lumunok ako nang sobrang lakas.
"ang kanyang ina ay isang malakas na mangkukulam samantalang ang kanyang ama naman ay isang mortal"
Ang witch's love? Taena ang korny
Mayamaya may lumapit sa amin na isang
Teka
Babae ba to o lalaki?!
"Siya naman si luhan kapareho ko siyang kapangyarihan telekenisis" pakilala ni jessica sa akin
Ahhhhhhh! Ang poganda niya ang pogi na ang ganda pa
"Hello I'm luhan telekenisis is my ability how about you?" Masaya niyang bati sa akin
"I'm choarla cortez power di ko alam eh ano na yun? Yun ba ang tinuturo dito?" tanong ko sa kanya na kanya naman ikinataka tinignan niya sina jessica at francine pero kibit balikat siyang sinagot
"hindi mo alam ang kapangyarihan mo? Pano ka nakakapasok dito?" sunod sunod na niyang tanong sakin
'Napaka imposible naman nun' ayan naman bumulong nanaman siya
After nang mga intrigahan about sa wala daw akong kapangyariha chuchu Umalis din naman siya
To tell you the truth di pa rin ako makapaniwala na nakakakita ako ng mga taong ganito at isa lang talaga ang tanong na bumabagabag sa akin sa akin
Bakit ako pinasok nina mama at daddy sa ganitong school? Ano ang rason bakit ako nandito?
Bigla naman bumukas ang pintuan at tumambad ang isang napaka gandang babae
"Good morni----" bigla siyang tumigil at napatingin sa gawi ko
Bigla naman siyang nagbow sa akin ikinagulat yun nang mga kaklase ko
'What the hell si maam calipunan isang matinik, strikto, at walng inuurungan bakit siya nagbow sa isang hamak na mortal?'