Ramdam na ramdam ko ang antok kaya kahit sobrang ingay ng paligid ko ay nanatili akong nakasubsob sa desk. May oras pa naman bago magsimula ang klase kaya plano kong umidlip sandali. Ilang araw na ba mula noong magpuyat kami para mag-aral? Ilang araw na rin at miyerkules na ngayon. Sa susunod na linggo ay midterms exam na at mas nasubsob kami sa pag-aaral mula noong lunes. Kahit nga sa bahay ay nag-aaral pa rin ako. Ayoko naman kasing umasa kay Ric. Kailangan ko ring mag-aral kahit mag-isa ako. Sulit naman dahil kahit paano ay alam kong nag-i-improve na ako. Nagagawa ko nang i-solve ang mga math problems nang nag-iisa. Pakiramdam ko nga ay mas nagkakaroon ako ng time mag-aral kaysa sa boyfriend ko. Mabuti na lang talaga at napaka-maunawain ni Ric. Speaking of Ric, mula nang bumalik s’ya

