Napatigil ako sa pagbaba ng hagdan nang makitang seryosong nag-uusap ang mga kaibigan ko sa sala. Walang nagbibiro at wala ring nakangiti. Lahat sila ay nakikinig sa sinasabi ng halos paiyak nang si Alfon. Sigurado akong sinasabi na rin n'ya sa iba naming kaibigan ang mga sinabi n'ya sa akin kaninang umaga. Mula sa kusina ay nakita kong lumabas sina Macky at Letti. Silang dalawa ang naghahanda ng makakain namin. Habang sina Chris, JC at Seb naman ay tahimik na nakikinig kay Alfon. Kahit nga si Conrad ay nandito rin para damayan ang kaibigan. Nagbatian lang kami kanina pero hindi pa ulit kami nag-uusap na tulad ng dati. Sina Sab at Reymond naman ay mamaya pa darating. Magpinsan naman iyong dalawang iyon kaya kailangan pa nilang magpaalam nang sabay at personal sa mga magulang nila na kas

