Kung kanina ay table lang namin ang tahimik, ngayon ay pati iyong mga kalapit-table namin ay natahimik na rin. Animated din ang tila paglamig ng lugar. Ang Pub 88 ay sikat sa mga katulad naming college students kaya kahit nanggaling mula sa iba't-ibang eskwelahan ay halos pamilyar na sa isa't-isa ang mga estudyanteng narito. Kaya hindi na ako nagtaka nang makitang nakuha nina Ric at Conrad ang atensyon ng ilan. Especially Ric. Hindi s'ya ang tipo na regular sa mga bar and pub but he's famous for being the model student. Hindi lang naman isa o dalawa ang mga university na nag-agawan sa lalaki kahit pa nga enrolled na s'ya sa San Sebastian. Ganoon kaganda ang record n'ya. At hindi ko maaatim na ako ang magiging dahilan para magkaroon ng kahit kaunting dumi ang malinis na record ng lala

