Chapter 48- Maria Clara Version 2.0

2446 Words

Iniayos ko ang notebook na hawak ko at isinara ang aklat. Binitawan ko muna ang ballpen at minasahe ang kamay. Nag-decide akong mag-aral nang maayos ngunit hindi pala talaga madali iyon. Nananakit na ang mga kamay ko sa kasusulat ng mga notes at masakit na rin ang mga mata ko dahil laging nakatutok ang mga iyon sa laptop. Nagsuot na nga ako ng salamin para kahit paano ay maiwasan ko ang radiation na mayroon ang laptop. Sumandal ako sa upuan para kahit paano ay mabawasan ang pangangalay ng likod ko. Pumikit ako at hinilot ang itaas na bahagi ng mga mata. Mukhang hihiramin ko na naman mamaya ang eye massager ni Tita Malou. Ayokong manlabo ang mga mata ko. Makalipas ang may limang minuto ay tumigil na ako sa ginagawa. Hinubad ko ang suot na salamin saka kinuha ang ilang yellow paper na pu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD