"I love you!" "I love you too!" I smiled. Pang-ilang I love you na n'ya iyon at hanggang ngayon ay iyon pa rin ang sinasabi n'ya. Wala na nga kaming mapag-usapan dahil bigla na lang n'ya iyong isisingit. "Kalahating oras na tayong magkausap, Mr. Ocampo," sabi ko. "Hindi na rin tayo makapag-usap nang maayos. Sana ay hindi ka na lang muna umuwi kung ganito lang din pala." Mula sa kabilang linya ay nadinig ko ang marahan n'yang pagtawa. Tila musika sa mga tainga ko ang boses n'ya. Masigla iyon at buhay na buhay. Punong-puno ng emosyon at kasiyahan. Kinailangan n'ya agad umuwi kanina dahil nagbago ang schedule n'ya. Sa halip na bukas o sa isang araw pa ang alis n'ya ay mamayang alas nueve na ang flight n'ya. Wala tuloy akong nagawa kundi ang pakawalan s'ya. Ayaw pa nga ring umalis ni Ric

