Tiningnan ko ang mga damit na nasa ibabaw ng kama. Iyon ang isusuot ni Ric na hanggang ngayon ay nasa banyo pa at naliligo. Natawa pa ako nang makita ang pamilyar na kulay mint green na brief. Isa iyon sa binili namin sa Sierra Galera at kahit iyong t-shirt na dala n'ya ay iyong may tatak na tarsier na naging paborito n'ya noong nandoon kami. Basang-basa si Ric kaya kaagad ko s'yang pinaligo. Ako na ang naghanda ng susuotin n'ya dahil ang ibang damit na nasa bag n'ya ay bahagya ring nabasa. Hindi ko nga alam kung bakit tatlong pares ng damit at underwear ang dinala n'ya. Kinuha ko ang mga hinubad n'yang damit na nalabhan at nai-dryer ko na at ini-hanger. Maging iyong mga nabasa n'yang damit ay inilagay ko rin sa hanger. Ang mahal pa naman nooong dala n'yang bag na water proof pero hindi

