Ric Aldrin Ocampo's Point of View: "Ric!" Walang choice na lumapit ako kay Derek. Isa s'yang Senior at s'ya ang kasalukuyang Captain ng Basketball Team ng San Sebastian. Kaagad na nasalo ko ang bolang basta na lang n'ya ipinasa sa akin. Nakita ko pa ang pagtitinginan sa akin ng ibang player ng varsity team. Maging iyong mga estudyanteng katulad ko na magta-try out pa lang para sa team ay nasa akin na ang atensyon. "Mabuti naman at pumunta ka na rito para mag-try out," wika ni Derek pagkalapit sa akin. "Noong isang taon pa kita nililigawan para sumali sa team pero ngayon ka lang naligaw dito." Ipinasa ko sa kanya ang bola. "Ayoko ng maingay na crowd." Hindi ko alam kung ano ang nakita sa akin ng Captain ng basketball team. Noong pagkatapak ko pa lang dito sa San Sebastian last year a

