Nakatulala lang ako sa mga damit na nasa ibabaw ng kama ko. Iba't-ibang uri ang mga iyon na may iba't-iba ring disenyo at mga kulay. Wala nga lang sexy kundi ay pawang mga pormal. Nasa lima hanggang pitong pares ang mga damit na nasa ibabaw ng kama. "Earth to Gabriella!" A finger snapped at my front. Nawala ako sa pagkatulala at tumingin sa may-ari ng daliring pumitik sa may mukha ko. Namaywang si Sab sa akin. "Huwag mong sabihing tinawagan mo kami para panuorin kang tumulala rito sa room mo?" Napahinga na lang ako nang malalim at sumandal sa headboard. Kinuha ko ang isang unan at niyakap iyon. Dumako ang mga mata ko kay Letti na abalang-abala sa pagpili ng susuotin ko. Hindi nga n'ya yata naririnig ang pangbubuwisit sa akin ni Sab dahil masyado s'yang naka-focus sa ginagawa. "Kinaka

