"Nasaan na 'yong para sa Finance!" Tinakpan ko ang mga tainga ko nang marinig na naman ang nagpa-panic na sigaw ni Alfonso. Kanina pa s'ya hindi magkaintindihan sa pagsasalansan ng mga kailangan n'ya para sa nakatokang subject sa kanya. "Hoy! Nasaan na ang flash drive ko? Naroon ang presentation for Public Relations!" Halos sumabog naman ang mga nakatambak na papel nang halungkatin iyon ni Sabina. "Ginawa ko pa iyon para mas maintindihan natin at isahang present na lang!" Hindi ko alam kung matatawa ako o maaaliw sa nakikita. Araw ng sabado ngayon at kung tutuusin ay katatapos pa lang ng tanghalian. Kararating ko lang din mula sa meeting ng Student Council sa school para sa gaganaping Lantern Festival na ngayong linggong dadating na. Alas otso ng umaga nagsimula ang meeting pero halos

