The pain I’m feeling is overwhelming. Nagsama-sama na iyong sakit, pait, tampo, hinanakit at maging iyong mga pagdududang pilit kong tinatanggal sa sistema ko ay tila gomang bumalik. Alam kong hindi ko dapat maramdaman ang mga negatibong emosyong ito ngayon dahil hindianaman nasira ang tiwala ko kay Ric. Sa lahat ng tao, bukod sa mga kaibigan ko, alam kong hindi sisirain ni Ric ang tiwala ko. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal n’ya dahil hindi s’ya napapagod na ipakita iyon sa akin. Ang hindi ko lang talaga maiwasang hindi maramdaman ay ang unti-unting pagbangon ng insekyuridad ko na hindi ko alam na mayroon din pala ako. Wala naman kasi akong natatandaang na-insecure ako sa kahit anong bagay o tao. Never akong nagkaraon ng kagustuhang magkaroon ng ibang bagay o kahit ano dahil kuntent

