“Ang ganda ng ngiti mo, ah.” Sinundot pa ni Sab ang tagiliran ko kaya natawa ako. “Bati na kayo, ano?” “Nag-away ba kayo?” tanong naman ni Letti. Halos masamid pa s’ya nang tunggain n’ya ang bote ng beer. “Hayop na Macky! Juice ang laman ng buwisit na bote ito!” Nagkatawanan kami ni Sab nang naaasar na magmartsa si Letti patungo kay Macky na abala sa pag-iihaw ng kung ano-ano. “Ewan ko ba diyan kay Letticia,” naiiling na saad ni Sab. “Napakamanhid ng gaga. Hindi man lang n’ya mahalata na patay na patay sa kanya ‘yang si Macky.” Natatawang tiningnan ko rin si Macky na ngayon ay gulat na gulat sa panunugod ni Letti. Hindi ko nga rin maintindihan kung paano at kailan nagkaroon ng nararamdaman si Macky kay Letti samantalang hindi naman sila gaanong magkalapit. Mas close pa nga si Macky at

