"This is the last exam," Mr. Damayo said in a very low tone. Isa-isa n'ya kaming tiningnan at mukhang gusto n'ya talagang makipag-eye to eye sa aming lahat. Huminga ako nang malalim at kinalma ang sarili. Ilang beses ko pa iyong ginawa para mawala ang kabang kanina ko pa nararamdaman. Alam kong ngayong sem na ito lang ako nag-aral nang maayos pero hindi ibig sabihin niyon ay wala na itong impact sa grades ko. Siguro nga ay hindi naman mapapansin ang mga magaganda kong grades ngayong sem lalo na kung sobrang dami kong grades na muntikan nang magsala. Ang ipinagpapasalamat ko ay ang development ko. Kumbaga, natuto akong magbago para sa sarili kong kabutihan. Muli akong tumingin kay Mr. Damayo na hindi matapos-tapos sa pagsasabi ng mga words of wisdom. Aminado akong nakakatulong sa amin

