"Gabby..." Muli ko na namang narinig ang pagtawag mula sa labas ng silid ko. "Narito na si Conrad. Baka raw abutan na kayo ng traffic," dagdag pa ni Tita Malou. "Pakisabi po na sandali na lang," malakas na sagot ko. "Saka malapit lang naman ang school, wala nang traffic ngayon." Nang marinig ko ang papaalis na mga yabag ni tita ay muli akong tumingin sa salamin. Masusing tiningnan ko ang repleksyon ko roon. I'm wearing a peach dress. Hanggang tuhod iyon at may kulay puting ribbon sa tagiliran. Isang kulay puting sling bad din ang nakasabit sa balikat ko at maging ang sapatos ko ay puti rin ang kulay. Isa iyong closed shoes na may taas na isang pulgada. Pinili kong isuot ang relong regalo pa sa akin ni tita at ang pearl earring na katerno ng damit ko. Suot ko rin ang singsing na bigay

